Ibinunyag ni Sachzna Laparan ang indecent proposal na natanggap niya mula sa hindi pinangalanang indibidwal.
Sa Facebook post niya nitong Martes, May 6, 2026, ibinahagi ni Sachzna ang screenshot ng natanggap niyang e-mail noong May 2.
Read: Sachzna Laparan addresses claims she bought her college diploma
Bagamat tinakpan ng aktres ang pangalan ng sender, makikita sa screenshot ang buong mensaheng ipinadala sa kanya.
Sa email, pinapapili si Sachzna ng kulay ng brand-new luxury car na ibibigay sa kanya kapalit ng isang “dinner date” kasama ang tinukoy na “boss” ng sender.
Mababasa sa ipinadalang mensahe sa aktres (published as is): "Hi Ms. Sachzna. My boss wants to offer you a brand new car a S500 Mercedes Benz 2025 or a GLA 200 AMG Line 2026.
"Ms. Sanchzna Laparan will choose on that two.
"My boss only wants a dinner date and a night with Ms. Sanchzna Laparan.
"Hope you consider the message."
Batay sa Mercedes-Benz Philippines, ang presyo ng Mercedes S-Class 2025 ay umaabot sa humigit-kumulang PHP17,890,000, habang ang GLA 200 AMG Line naman ay nagsisimula sa PHP4,190,000.
Sachzna Calls Out the Hidden Motives Behind Such Proposals
Sa halip na masilaw sa alok, nanindigan si Sachzna na hindi niya ito kailanman papatulan.
Read: Sachzna Laparan opens up about being a victim of sexual abuse
Ginamit din niya ang insidente upang paalalahanan ang publiko tungkol sa kahalagahan ng respeto sa sarili at hindi pagtaya ng dignidad kapalit ng mga materyal na bagay.

Pahayag ng aktres (published as is): "Ano magandang kulay? Black or White? This is one of the many indecent messages I receive. ‘Dinner lang’ daw… pero alam naman natin kung saan papunta yan.
"Know your worth. Don’t trade your dignity for anything temporary. Don’t be tempted.
"Iba pa rin yung galing sa pagod at sariling sikap.
"Mas masarap ipagmalaki ang mga napundar mo kapag pinaghirapan mo. Taas noo, always."
Binigyang-diin din ni Sachzna na hindi lahat ng oportunidad o alok ay dapat agad tanggapin.
Saad niya, "Hindi lahat ng offer, blessing. Minsan test yan kung gaano mo ka-value ang sarili mo."
Read: Angel Galang receives death threats after Marina Summers issue
