Libre ang Day 2 ng Finale concert ni Asia's Songbird Regine Velasquez sa October 18, 2026.
Ito ang inanunsiyo ni Regine sa kanyang social media accounts noong July 6.
Malaki ang pasasalamat ni Regine na nagawan ng paraan ng kapatid niyang si Cacai Mitra ng IMusicEntertainment na makahanap ng sponsors upang maisakatuparan ang pasasalamat ng Asia's Songbird sa kanyang fans.
Pagbabalita ni Regine (published as is): "Hello guys I’m excited, nervous and anxious sama sama at nagkakagulo na ang feelings ko but most importantly I’m really grateful.
"I am thankful to my sister Cacai kasi sya talaga ang nag-isip nito and actually sya ang producer ng concert na to, not me, gusto nya na sa last concert ko makapagpasalamat kami sa Inyung lahat.
"Sya ang naghananap ng mga tutulong samin para kahit papano matulungan kami sa sa cost.
"As you all know ang mahal mag mag-produce ng concert ngayon."

October 17 ang Day 1 ng concert sa Mall of Asia Arena, Pasay City.
Ang unang gabi ng concert ay may bayad.
May pakiusap si Regine sa mga tagahangang kaya namang bumili ng ticket para sa kanyang concert.
Aniya: "Ang pakiusap lang namin sana sa mga nakakaluwag ibigay na natin yung Free night dun sa mga hindi talaga makabili ng tickets.
"Para namam sa mga nangarap mapanood ako live, mabigyan sila ng pakakataon makita ako. Maraming Salamat sa 40 years love you guys"
Read: Martin reveals how Alex Eala's game led to lost bag, missing cash
REGINE SAYS SHE'S NOT RETIRING FULLTIME
Ang napipintong "retirement" ni Regine sa showbiz ay hindi naman daw nangangahulugang maglalaho na siya nang tuluyan sa entertainment industry.
Paglilinaw niya sa panayam sa kanya ng Billboard Philippines noong March 25, 2026, "I guess, I don't have to completely stop.
"Sabi ng asawa ko [Ogie Alcasid], 'Retirement means hindi ka kailangan totally tumigil. You just have to free yourself of the pressure.'"
Ibig sabihin, lalayo lamang siya sa "pressure" na dulot ng kanyang trabaho.
Dagdag pa ni Regine: "I still have mga projects next year and then eventually I retire. Simple lang.
