Halos tatlong taon matapos pumanaw ang kanyang asawang si Dalmie Erquieza noong 2023, ngayon lamang naging handa si Winnie Cordero na ikuwento ang pinakamahirap na yugto ng kanyang buhay.
Sa kauna-unahang pagkakataon, nagsalita ang TV at radio host tungkol sa kanyang pagdadalamhati sa podcast na Oh My Gan! ni Ganiel Krishnan sa ABS-CBN YouTube channel nitong July 9, 2026.
Inamin niyang unti-unti na siyang bumabangon, pero malayo pa rin sa pagiging madali ang lahat.
"I'm coping, yeah," sambit ni Winnie.
Isa sa pinakamatinding alaala raw ni Winnie ay ang mga sandaling nasa ospital ang asawa habang pilit niyang tinutupad ang kanyang mga responsibilidad bilang broadcaster.

Hindi alam ng kanyang mga tagapakinig at manonood na habang nasa ere siya, nakikipaglaban din siya para sa buhay ng kanyang asawa.
Kuwento niya: "And I still remember during that time, I was on an interview for TV Patrol via Zoom because we were in the hospital. His BP was going down.
"So... but the interview was still there. So I was... and it was just the two of us. So, nag-aano ako, yung isang hand ko nandoon sa buzzer ng nurse.
"So I had to buzz. But I had to finish the interview.
"Then the nurse came... Turo lang ako. 'Okay.'
"Pero na-survive ko naman si interview. Natapos ko naman siya. Naipalabas naman siya."
Hindi rin iniwan ni Wnnie ang kanyang programa sa DZMM kahit naka-confine ang mister.
Sa halip, doon mismo sa ospital siya naghahanap ng paraan para makapagtrabaho.
"Yeah, I was still doing my shows sa radio, DZMM on Zoom while in the hospital. Like, nag-ICU kami.
"Nice people in Makati Med. They gave me a room so I can do the show, things like that."
Read: Sachzna Laparan and Mark Pascual break up; PHP50-million debt revealed
WINNIE CORDERO: "I have to learn how to be alone"
Ngunit ang tunay na pagsubok ay nagsimula matapos mawala ang kanyang asawa.
Sa unang pagkakataon sa loob ng mahigit tatlong dekada, kinailangan niyang harapin ang buhay nang wala ang taong naging sandigan niya sa halos lahat ng bagay.

Nang tanungin kung paano niya hinaharap ang pagkawala ng asawa, iisa lang ang naging sagot niya.
"Hard."
Pagkatapos ng maikling tugon ay tuluy-tuloy nang bumuhos ang kanyang damdamin.
"I must admit, it's very, very hard. Very hard. I had...
"I have to learn so many things that he left and the most, the saddest part of it is I have to learn how to be alone."
Agad naman niyang nilinaw na hindi siya nag-iisa sa literal na kahulugan.
Naroon ang kanyang mga anak, apo, at buong pamilya para alalayan siya.
Pero para sa kanya, walang makapapalit sa taong nakasama niya sa loob ng 32 taon.
Saad ni Winnie: "Okay, sorry, baka mapanood ito ng mga pamilya ko. I am not alone because my daughters are there.
"Yung apo ko nandito. My family, my brother, my sisters... all the rest of the extended families are there for me all the time.
"Pero siyempre, iba yung kasama mo yung asawa mo, di ba, for a.... when he died we were 27 years married.
"We just... Sabi ko we, we just celebrated our 30th this year.
"Tapos 27, but 32 years together because we got married after five years, so 32."
WINNIE ON LATE HUSBAND: "He was my rock"
Ayon kay Winnie, hindi lang asawa ang nawala sa kanya.
Nawala rin ang taong una niyang nilalapitan sa bawat problema, ang taong nakakakilala sa kanya nang higit sa kahit sino.
Sa loob ng 32 taon, naging magkasangga sila sa lahat ng laban sa buhay.
Pahayag ni Winnie: "So, how to live without him after the years we've been together. Yun talaga yung challenge.
"Nung time na yun, yung ramdam na ramdam ko talaga yung faith ko.
"Kasi very thankful ako that nagpapadala si Lord ng mga angels, angels to help me because I really don't know...
"Alam mo yung realization na akala ko, strong ako. Akala ko, marami akong alam, alam ko lahat.
"Kasi pag may problem si ganito, 'O, eto rito, sige eto, lahat.' Ako yung go-to person.
"Even with the supernatural. Kaya lang,, yung nawala na, nawala siya, na-realize ko I was such a spoiled brat. Everything.
"And also, he's just there. May companion ka, kumbaga."
Pagkatapos ng mahabang paghinto, inilarawan niya ang pinakamahalagang papel ng kanyang asawa sa kanyang buhay.
Saad ni Winnie: "Not just a companion, Gan. It's, he was my rock.
"So many times, I cried to him whenever... I don't cry to any other people except him.
"He knows my strengths. He knows my weaknesses.
"He's my greatest critic. He tells me the bitter truth.
"And the sweet things, the sweetest things. He told me he's not... he was not a romantic, but he was."
Read: Celia Rodriguez revisits '80s sex symbol Stella Strada tragedy

WINNIE RECALLS HUSBAND'S BATTLE WITH CANCER
Habang ikinukuwento ni Winnie Cordero ang pagkawala ng kanyang asawa, unti-unti ring bumalik ang alaala ng halos isang taong pakikipaglaban nila sa sakit na cancer.
Nagsimula ang lahat sa isang tawag na hindi raw niya malilimutan.
Noong Valentine's Day ng 2022, habang nagmamaneho ang kanyang asawa na si Dalmie Erquieza, tumawag ito sa kanya matapos mapansin ang kakaiba sa kanyang ilong.
Hindi nila alam noon na iyon na pala ang simula ng pinakamahirap na kabanata ng kanilang buhay.
Kuwento ni Winnie: "He had this nasal... nasopharyngeal tumor.
"It was February 14, 2022, I got a call. Sabi niya, 'Me,' he called me, he calls me 'Me', 'Meron akong nakitang ano, something sa nose ko.' Sabi niya nagda-drive siya.
"E, kasi nga, parati siyang nagnu-nose bleed before. So sabi ko, 'Baka naman blood clot lang yan,' sabi ko. 'Hindi iba, e,' 'Oh sige, sige.'
"So, call na ng ENT agad-agad the next day.
Sa kabila ng pangamba, ipinagdiwang pa rin daw nila ang Valentine's Day.
Sa pagbabalik-tanaw, napatawa pa si Winnie sa isang detalyeng ngayon ay isa nang mapait na alaala.
"So February... but we still celebrated Valentine's Day. That was the last sex I had!"
Sabay halakhak niya bago muling maging seryoso.
"Kasi doon na nag-start, e. Doon na nag-start everything, e. So, doon na. So, doon na nag-start.
"I don't want to be very emotional about this. Yun, yun, nag-start everything.
Mula noon, halos wala silang hindi sinubukan para mailigtas si Dalmie.
Lumipat sila ng medical team, sumailalim sa iba't ibang gamutan, at patuloy na kumapit sa pag-asa.
"So, every step of the way, kami, lahat ng procedures, ginawa namin, to no avail.
"We went to another team, et cetera.
"I kept on praying. Sabi ko, that was April. Sabi ko, 'Next month, anniversary namin.' Sabi ko, 'Paabutin naman ng next month.' Wala din."
Nang tanungin kung gaano kalala ang kondisyon ng asawa, inilahad ni Winnie na nagsimula pa sana ito sa maagang yugto ng cancer.
Ngunit naging napakaagresibo raw ng sakit.
Pagbabahagi ni Winnie: "We started with ano, stage zero. It was not rare but uncommon.
"Uncommon type of cancer that was very, very aggressive, and yun. We did everything, like the dalawang surgeries, radiation, immunotherapy, chemotherapy. Lahat talaga.
"E, inubo. So we had to stop chemo kasi meron siyang... nag-ubo siya. They wanted to be sure it wasn't something viral.
"Kaya lang, hindi siya ma-test kasi walang sputum [plema] na lumalabas."
THEIR FINAL MOMENTS TOGETHER
Hanggang sa dumating ang gabing hindi na raw malilimutan ni Winnie.
Tulad ng mga naunang araw, nasa tabi pa rin siya ng asawa sa ospital.
Nong gabing iyon, may isang simpleng pakiusap daw si Dalmie sa kanya.
Ayon kay Winnie: "Yeah, we always talk because I was with him the whole time.
"I only leave pag ano, pag magpapa-laundry na kasi parang yun yung naging outlet ko, doing the laundry.
"Actually, binibitbit ko punta ako sa laundromat, mga ganun.
"That night, he said, 'Wag ka muna umalis.'
Ngunit dahil marami pa siyang aasikasuhin sa bahay at sa kanilang mga anak, kinailangang umuwi ni Winnie.
"'Naku, e,' sabi kong ganun. 'Ang dami-dami kong aasikasuhin sa bahay.'
"Sabi ko, 'Titingnan ko pa yung ano, mga bata.'"
Ang bunso nilang anak ang pumalit sa pagbabantay.
Bago siya umalis, hinalikan daw niya ang asawa.
Hindi alam ni Winnie na iyon na pala ang huli nilang magandang gabi bilang mag-asawa.
"My youngest took my place. Tapos, kiniss ko pa siya.
"Sabi ko, 'Tulog ka na.'
"And then nagte-text pa kami ng night na yun. 'Tulog ka na,' ganun."
Bandang alas-kuwatro ng madaling-araw, tumunog ang telepono.
Ang bunso nilang anak ang nasa kabilang linya.
"And then at 4 A.M., my phone rang. It was my youngest.
"I just heard the... she said na, 'Ma, si Tatay.'
"'Okay.' sabi kong ganun.
"'Don't resuscitate ha,' yun ang bilin niya."'Oh, okay.'
"'Pupunta na ako diyan.'"
Agad siyang umalis ng bahay.
Sa kabila ng layo mula Quezon City hanggang Makati, pakiramdam niya ay may gumabay sa kanya sa buong biyahe.
Kuwento ni Winnie: "So, nag-jump ako from bed. Kung ano yung suot ko when I left, yun na rin yung sinuot ko.
"Ang galing nga ni Lord, e. In thirty minutes from Quezon City to Makati nakarating ako. All the lights were green.
"Yes, really. All the lights were green."
Pagpasok niya sa silid ng ospital, naroon pa ang asawa. Lumapit siya at ipinaalam na naroon na siya.
"And then, pagpasok ko sa room, sabi ko, 'Okay, I'm here,' gumanun pa ako.
"And then I saw him glance, and then yung parang gumanun [tumango] siya."
Hawak ang kamay ng asawa, sinabi raw ni Winnie ang mga salitang matagal na niyang pinaghahandaan.
"Tapos, I held his hands. Sabi ko, 'Okay na, Me. Okay na. Kaya ko to.'
"Tapos I kept whispering sa kanya. Sabi ko, 'Kung naririnig mo ako, squeeze my hand.'
"And then he squeezed it."
Iyon na ang huli nilang pag-uusap.
"And then he was pronounced dead 4:10 in the afternoon," sabi ni Winnie.
Read: Anjo Yllana appeals ruling ordering him to pay TVJ PHP3.5 million
WINNIE: Ang babaeng hindi agad umiyak
Sa kabila ng matinding lungkot, hindi muna pinayagan ni Winnie ang sariling bumigay.

Siya mismo ang nag-asikaso sa halos lahat matapos pumanaw ang asawa.
Pagbabalik-tanaw niya: "So, ako pa rin nag-ayos. The strong woman that I am.
"Although my family was there, mommy ko, dumating. Kapatid ko, dumating. Pero siyempre, ako nagligpit ng mga gamit.
"Pinunasan ko yung mukha niya.
"Ako nag-ayos ng funeral services, yung bill ng hospital, everything.
"Kaya lang yung ano, yung ayaw akong pag-drive-in ng sister ko. So, ang nag-drive sa akin yung ano, yung brother-in-law ko.
"Hinatid namin siya sa funeral parlor.
"Going back and forth sa Makati Med, Arlington, bahay, bahay, Arlington, everything, lahat.
"Pati yung coffin, no tears."
Hindi siya umiyak sa ospital.
Hindi rin sa funeral home.
Hindi habang inaayos ang kabaong.
Umiyak lamang daw si Winnie nang matupad na ang huling habilin ng kanyang asawa.
Nais nitong agad siyang ipa-cremate kahit nais pa sanang hintayin ng pamilya ang pagdating ng mga kamag-anak mula abroad.
Pinaglaban iyon ni Winnie.
"So, I took care of everything. Ako lang.
"Tapos and then when they brought him in the chapel, kami lang. Kaming, kaming dalawa lang. It was quiet.
"Andun yung coffin, nandito ako sa harap. It was very, very quiet. No tears.
"And then, after siguro an hour, may dumating na staff na ready na daw si Father.
"Sabi ko, 'Naku, yung mga kamag-anak ko,' ganyan-ganyan.
"So I had to call yung mommy niya.
"Yung mommy niya, ano, si Nanay was asking me not to pursue [cremation] kasi gusto daw niya, hintayin yung brothers and sister niya coming from Australia and the States.
"I cannot, kasi yun yung bilin niya, e.
"Alam mo ba, Gan, grabe na siya. He still insisted, 'Cremate agad ha,' sabi niya.
"Kaya I had to pull strings talaga. Makiusap ako dun sa Arlington na yun ang gusto niya. Hindi puwedeng hindi kasi yun ang bilin niya.
"So good people naman from Arlington, did the arrangements with the priest.
At nang matapos ang lahat, saka lamang bumigay ang matagal niyang pinipigilang emosyon.
Saad ni Winnie: "So we did it, everything, and that was when I broke down.
"Sabi nga ng sister ko, ngayon lang daw niya ako nakitang umiyak.
"I was on the floor, umiyak ako.
"Pero after that, nung tapos na, 'Bye, bye, bye, bye.'"
