Winnie Cordero, Boyet Sison, Marc Logan pasok bilang segment anchors sa TV Patrol

by PEP Troika
Nov 3, 2021
Mas pinalakas ng TV Patrol ang bago nitong infotainment segments kasama sina Winnie Cordero, Boyet Sison, at Marc Logan.
PHOTO/S: TV Patrol

JERRY OLEA

Nagpaalam sa TV Patrol sina Kuya Kim Atienza at Kabayan Noli de Castro. Bumalik naman si Karen Davila sa flagship newscast ng ABS-CBN.

May kani-kanyang segment kapagkuwan sa TV Patrol sina Winnie Cordero, Boyet Sison, at Marc Logan.

Mga payo sa pamamalakad ng tahanan at pangangalaga sa pamilya ang ibabahagi sa “Winning Moment” ni Winnie.


Continue reading below ↓

Mga trivia at nakamamanghang bagay ang ilalahad ni Boyet sa “Alam N’yo Ba?”


Magpapatuloy ang 25 taong paghahatid ng good vibes ni Marc sa mga Kapamilya sa “Mga Kwento ni Marc Logan.”


Continue reading below ↓

Bukod kina Karen, Winnie, Boyet, at Marc, makakasama pa rin mula Lunes hanggang Biyernes, 6:30 p.m., sa TV Patrol sina Henry Omaga-Diaz, Bernadette Sembrano, at Gretchen Fullido.

Patuloy rin ang paglilingkod nina Alvin Elchico at Zen Hernandez sa TV Patrol Weekend tuwing Sabado at Linggo, 6:00 p.m.

Mapapanood ang TV Patrol at TV Patrol Weekend sa ANC, TeleRadyo, Kapamilya Channel, iWantTFC, Kapamilya Online Live, ABS-CBN News YouTube channel, ABS-CBN News App, at mapakikinggan din sa ABS-CBN Radio Service App.

NOEL FERRER

May nabasa ako na sa paglipat ni Kuya Kim sa 24 Oras, tatlo ang kapalit niya sa TV Patrol.

Iba-iba naman ang kasama ni Kuya Kim sa 24 Oras maliban sa buwis-buhay niyang shoot. Ito ay ang mga hayop o artifact na dinadala niya sa studio kapag siya ay nagre-report. Ibang klase talaga!

Teka, tama ba ang balita na nauungusan na ng Dapat Alam Mo! ang mas established nang Frontline newscast ng TV5?

Continue reading below ↓

Buhay na buhay ang balita sa TV ngayon, kaya kailangan natin ng ganitong platforms to keep us informed lalo na sa parating na eleksyon.

Kayo, ano ang mas gusto niyong mapanood—mga politiko o hayop sa TV? Hehehe!

GORGY RULA

Nagiging infotainment na ang newscast ngayon. Mabuti naman yun para sa ating mga kabataang estudyante, at sa lahat na rin.

Naikuwento ni Kuya Kim na kahit mahirap ang pagbibigay ng araw-araw na trivia sa 24 Oras, nae-enjoy niya, lalo ngayong mas marami nang nakakapanood sa kanya sa GMA-7.

Si Iya Villania-Arellano naman ay mas magpo-focus na lang sa Mars Pa More at pagbibigay ng showbiz-tsika sa 24 Oras.

Kaya malabo na raw siyang makatanggap ng ibang projects, kagaya ng drama series, dahil sa iba na ang set-up ngayon, at maaapektuhan itong daily show niya, lalo na ang sa 24 Oras.

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mas pinalakas ng TV Patrol ang bago nitong infotainment segments kasama sina Winnie Cordero, Boyet Sison, at Marc Logan.
PHOTO/S: TV Patrol
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results