PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Awra Briguela undergoes nose enhancement to fulfill "Latina" look

Awra Briguela: "Pag naayos na or nagawa na yung ilong ko, buo na talaga."
by Arniel C. Serato
Published A day ago
Awra Briguela undergoes nose job
Awra Briguela on rhinoplasty journey: "Matagal ko na talaga siyang gusto. And feeling ko talaga guys, eto na lang yung kulang para maging sobrang Latina na ako."
PHOTO/S: Instagram / YouTube

Sinimulan nang tuparin ni Awra Briguela ang pangarap niyang magmukhang "Latina."

Sa YouTube ngayong Martes, July 14, 2026, ibinahagi ni Awra ang kanyang rhinoplasty journey.

Hindi malinaw kung kailan nangyari ang operasyon niya.

Saad niya (published as is): "And yes, tama po, surgery day ko today and magpapagawa po ako ng nose.

"Matagal ko na talaga siyang gusto. And feeling ko talaga guys, eto na lang yung kulang para maging sobrang Latina na ako."

Paglilinaw ni Awra, hindi naging insecurity ang kanyang ilong dahil hindi naman ito pango. Kailangan lamang daw niya ng kaunting pagpapaganda pa.

"Pero kidding aside, hindi naman sa sobrang insecurities ko yung nose ko kasi maganda naman siya, and maganda siya pag naayusan, but feeling ko talaga guys, kilangan niya ng enhancement.

"And feeling ko pag naayos na or nagawa na yung ilong ko, buo na talaga, like yun nalang yung kulang, I feel like."

Ipinakita pa ni Awra sa kanyang Instagram Story ang last selfie niya sa luma niyang ilong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Awra Briguela's last selfie with his old nose

Read: Matthew Lhuillier "crazy" about Jolie, answers Chie question

AWRA WANTS HER NOSE TO LOOK LIKE Cindy Kimberly

Bago nagdesisyong magpaayos ng ilong, kinonsulta muna raw ni Awra ang kanyang mga magulang at malalapit na kaibigan.

Lahad niya: "Isa lang yung sinasabi nila sa akin, wag masyado and wag masyadong mataas, yung sakto lang, ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"After kong sabihin sa kanila guys, of course, sa family ko din sinabi ko. Nagpaalam ako sa parents ko, sa papa ko.

"Actually, hindi naman sobrang nagpaalam kasi wala naman na silang pakialam sa desisyon namin.

"Pero importante pa rin na magsabi sa kanila. But yeah, umuwi ako ng house.

"Walang reaction si Papa, pero I know, 50/50 na tanggap niya or hindi. But no matter what happens, super supportive kasi ng Papa ko, and at the end of the day tatanggapin pa rin.

"And wala naman siyang magagawa kasi yun ang gusto ko. And kung saan naman ako masaya and kung saan ang ikakaganda ng anak niya, doon din siya. Ganun naman si Papa.

"But yeah, so far lahat naman sila is happy."

Nagsabi rin daw siya sa malapit niyang kaibigan na si Zeinab Harake, at suportado raw nito ang kanyang journey.

Dapat daw hindi kasama ang bridge ng ilong niya sa ipapaayos ni Awra, pero ayon sa doktor, mas magandang itodo na niya para wala na raw revision pagdating ng araw.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Today is my surgery day and ilang oras na lang, mag-iiba na yung looks ko, mag-iiba na yung itsura ko.

"And eto na yung huling beses na makakita niyo yung face na to. Like yung ganitong face."

Bago sumalang sa kanyang operasyon, sinabi ni Awra kung kaninong ilong ang nais niyang ipagaya.

"Ang gusto kong talagang nose or yung peg ko talaga si si Cindy Kimberly," pagtukoy niya sa Spanish influencer and model.

"She's so pretty and her nose is so beautiful, like gorgeous. Hindi siya ganun kabongga pero ang lakas ang dating. At feeling ko bagay siya sa akin."

Awra Briguela healing
Photo/s: Awra Briguela on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala pang ipinakitang final look si Awra sa kanyang ilong dahil may Part 2 pa raw ang kanyang rhinoplasty vlog journey.

Pero sa dulo ng first vlog niya, makikitang magang-maga pa ang ilong niya at kailangan pa raw ng "total healing" bago makita ang resulta.

Awra post operation look

Read: Edu honors stranger who returned mistakenly transferred money

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Awra Briguela on rhinoplasty journey: "Matagal ko na talaga siyang gusto. And feeling ko talaga guys, eto na lang yung kulang para maging sobrang Latina na ako."
PHOTO/S: Instagram / YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results