Napalitan ng labis na kalungkutan ang masaya sanang healing journey ni Awra Briguela dahil sa nakalulungkot na balita tungkol sa inang si Marivic Briguela.
Sa Instagram ngayong Miyerkules, July 15, 2026, nagbahagi si Awra ng short Reel niya tungkol sa kanyang dasal tuwing sasapit ang 11:11.
Sabi niya sa caption ng video: "this video is not for the weak… because imagine praying at exactly 11:11, believing everything will be okay, only to receive the news that changes everything."
View this post on Instagram
Sa 40-second video, nagsimula si Awra sa dasal na sana magiging maayos ang operasyon ng ina at patuloy na rin ang kanyang paggaling.
Sabi ni Awra sa kanyang dasal, "Lord God, sana maging successful ang operation ng Mama ko, sana gumaling din ako ng maayos. Sana mabilis ang recovery namin.
"Sana walang mai-infection. Sana Lord God, magiging maayos ang lahat. Sana mag-align na stars ko universe. This we pray in Jesus' name, Amen."
Matapos nito ay tinawagan niya ang isang kamag-anak na kasama ng ina at inilagay sa loud speaker.
Maririnig sa video na pagsagot pa lang nito sa telepono ay umiiyak na ito.
Kinausap na raw siya ng doktor at sinabing cancer ang sakit ng ina niya.
Dahil naka-cast pa ang ilong ni Awra dahil sa nose enhancement niya, pinagbawalan daw siya ng doktor na umiyak.
Kasunod nito ay tinanong ni Awra kung ano raw ang gagawin base sa sinabi ng doktor.
Tatanggalin na daw ang buong suso nito.
Halatang nagpipigil si Awra sa natanggap na balita. Pero nang matapos ang kanilang pag-uusap, hindi na niya napigilang umiyak at tuluyan nang tumulo ang luha niya.

Read: Bea Alonzo, Vincent Co quietly wed in civil rites
AWRA FRIENDS SEND PRAYERS FOR HIS MOM
Sa comments section, nagpaabot ng simpatiya ang followers ni Awra, kabilang ang kapwa celebrities.
Kabilang na rito sina Benedict Cua, Anita Rose Gomez, at Ayn Bernos.


Kahapon lamang, July 14, ay ibinida ni Awra ang kanyang rhinoplasty procedure para magmukha na siyang sobrang "Latina."
Read: Awra Briguela undergoes nose enhancement to fulfill "Latina" look
