PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angel questions Robin after his "Komunista po ako" declaration

Angel Locsin also challenges Robin Padilla's stand on national issues.
by Erwin Santiago
Published 4 hours ago
angel locsin robin padilla red-tagging
Angel Locsin publicly reacts to Senator Robin Padilla's declaration that he is a "komunista," recalling conversations they had while working together and questioning why he remained silent when she was being red-tagged.
PHOTO/S: Instagram / Facebook

Pinuna ng aktres na si Angel Locsin ang pag-amin ng kanyang dating leading man at ngayo'y senador na si Robin Padilla na isa siyang "komunista."

Idineklara ni Robin na "Komunista po ako" sa ikalimang araw ng paglilitis sa impeachment trial ni Vice-President Sara Duterte sa Senado noong Hulyo 14, 2026.

Nangyari ang deklarasyon ng actor-politician habang nagtatanong siya sa nakaupong witness noong araw na iyon, si National Bureau of Investigation (NBI) Regional Director Atty. Jeremy Lontoc, tungkol sa "Operation Romanov."

Nagkatambal sina Angel at Robin sa primetime series na Asian Treasures (2007), na nagsilbi ring huling teleserye ng aktres sa GMA-7 bago siya lumipat sa ABS-CBN.

Read: Bea Alonzo, Vincent Co quietly wed in civil rites

robin padilla angel lcosin asian treasures
Robin Padilla and Angel Locsin starred together in the 2007 GMA-7 primetime series Asian Treasures.
Photo/s: GMA Network
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ANGEL LOCSIN ON ROBIN PADILLA's "KOMUNISTA AKO" DECLARATION

Sa pamamagitan ng kanyang official Facebook page ngayong Huwebes ng madaling-araw, Hulyo 16, naglabas ng saloobin si Angel kaugnay ng deklarasyon ni Robin na siya ay komunista.

Ibinahagi ng aktres na noong magkatrabaho sila ay madalas ikuwento ni Robin ang pamumundok at pag-aarmas nito para ipaglaban umano ang bayan. Dinadalaw pa nga raw si Robin ng kanyang ex sa bundok.

Kahit daw paano ay natuwa si Angel sa naging pahayag ng senador dahil nakita raw niya ulit "yung dating Robin Padilla na nakilala ko."

Sabi pa ni Angel, "At least, honest ka ngayon, Kuya."

Kasunod nito ay diretsahang kinuwestiyon ni Angel si Robin kung nasaan daw ito noong panahong nire-red tag siya ng mga kasamahan ng actor-politician.

Saad ng aktres: "Ang tanong ko lang, nasaan ka nung panahong nirered-tag ako kahit alam mong hindi totoo?

"Actually, kasama mo pa nga at kachikahan yung mga nangre-red-tag. Naghugas-kamay at pumikit sa katotohanan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ombudsman indicts ex-OWWA chief Arnell Ignacio over land deal

Ang red-tagging ay ang pag-uugnay sa isang mamamayan sa outlawed groups gaya ng Communist Party of the Philippines (CPP), New People's Army (NPA), at National Democratic Front (NDF). Kadalasan, ginagawa ito sa mga mamamayang may kritisismo sa gobyerno.

Ang delikado sa red-tagging ay maaaring maging target ang taong na red-tag ng judicial system at pati na rin ng extra-judicial moves.

Taong 2020, noong kasagsagan ng pandemic, nadawit ang pangalan ni Angel sa isyung red-tagging nang paratangan ni Lt. Gen. Antonio Parlade Jr., dating spokesperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), ang nakatatandang kapatid ng aktres na si Ella Colmenares.

Ayon kay Parlade, dati umanong miyembro ng CPP, NPA, at NDF si Ella.

Idinawit din ni Parlade ang pangalan ni Angel.

Aniya, noong panahong nasa underground movement si Ella, alam daw ito ni Angel at suportado raw ng aktres ang kapatid.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mariin itong pinabulaanan ni Angel sa maraming pagkakataon.

Sa panayam niya sa Teleradyo noong October 31, 2020, hindi napigilang mapaluha ni Angel sa walang katotohanang akusasyon sa kanya.

Pahayag niya sa naturang panayam: "I never associated myself with the NPA. He [Parlade] associated me with the NPA.

"Bakit hindi po nila kami idinemanda kung sure na sure sila? Pero hindi, e. Gusto nila, sirain kami sa social media.

"So, wala kaming choice, e. Kino-consider po ng legal team ko ang pagdedemanda rin po.

"Wala po akong masamang hangarin, wala po akong hidden agenda."

Read: Angel Locsin, napaluha sa paratang na may kaugnayan siya sa NPA

ANGEL LOCSIN QUESTIONS ROBIN PADILLA'S STAND ON NATIONAL ISSUES

Sa pagpapatuloy ng Facebook post ni Angel Locsin, direkta nitong kinuwestiyon ang posisyon ni Robin Padilla sa ilang mahahalagang isyu sa bansa.

Kabilang na rito ang pagkampi ng senador kay Apollo Quiboloy, ang religious leader at founder ng Kingdom of Jesus Christ na idineklara ang sarili bilang "Appointed Son of God" and the "Owner of the Universe."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Quiboloy ay kasalukuyang nakakulong sa Pasig City Jail habang dinidinig ang mga kaso niyang human trafficking at child/sexual abuse.

Pagkastigo ni Angel kay Robin: "Isa sa mga pinakamalaking dahilan kung bakit ka binoto ng maraming Pilipino ay dahil inasahan nilang magiging matapang kang boses para sa mga kapatid nating Muslim.

"Pero bakit parang mas ipinaglalaban mo pa si Quiboloy? Naniniwala ka ba talaga na siya ang 'appointed son of God'?"

Pinuna rin ni Angel ang sinasabing pagiging "pro-China" ni Robin.

Aniya: "Isa ka sa pinaka-makabayang taong nakilala. Ikaw si Andres Bonifacio.

"Kaya nakakalungkot pag nakakabasa ako ng stand mo pagdating sa China. Hindi ito ang Robin Padilla na nakilala at hinangaan ko."

Gumanap si Robin bilang bayaning si Andres Bonifacio sa pelikulang Bonifacio: Ang Unang Pangulo (2014).

Sa huling bahagi ng kanyang post ay hinimok ni Angel si Robin na gumising na dahil "hindi pa huli ang lahat."

Mensahe ng aktres para sa kaibigan at kasamahan sa trabaho: "Kahit paano, alam kong halos pareho tayong landas na dinaanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Galing sa hirap, nagtrababo ng maaga, tinangkilik at nakapagpasaya ng mga tao.

"Ang utang na loob natin ay sa ating diyos at sa lahat ng Pilipino —hindi lamang sa isang tao.

"Tama na, Kuya. Gising na. Hindi pa huli ang lahat. @robinhoodpadilla"

Habang isinusulat ang artikulong ito ay mayroon nang 108K reactions, 9K comments, at 15K shares ang post ni Angel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Who is Margarita Gutierrez? Meet Brian Poe Llamanzares' fiancée and DOJ undersecretary

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angel Locsin publicly reacts to Senator Robin Padilla's declaration that he is a "komunista," recalling conversations they had while working together and questioning why he remained silent when she was being red-tagged.
PHOTO/S: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results