PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Awra Briguela proudly launches her new "Latina" look

Awra Briguela: "Be kind to me, my face still has a lot of healing to do."
by Arniel C. Serato
Published 7 hours ago
Awra Briguela proud of her new "Latina" look
SOBRANG LATINA.After undergoing nose enhancement, Awra Briguela revealed that she wanted a nose similar to that of Spanish influencer and model Cindy Kimberly (inset).
PHOTO/S: Instagram

Ipinakita na ng trans woman na si Awra Briguela ang kanyang bagong hitsura matapos sumailalim sa nose enhancement surgery may sampung araw na ang nakalilipas.

Sa Instagram ngayong Huwebes, July 16, 2026, ibinahagi ni Awra ang mga larawan niya habang rumarampa sa Ho Chi Minh City, Vietnam.

Ito ang unang bahagi ng kanyang "Latina" look reveal dahil hindi pa tuluyang umiimpis at gumagaling ang naoperahan niyang ilong.

Kaya naman nakiusap si Awra sa netizens na maging marespeto sa pagbibigay ng komento.

Buong post ni Awra: "first time wearing makeup since surgery. [butterfly emoji] Be kind to me, my face still has a lot of healing to do. Day 10 post-op. [face hilding back tears, heart emoji]"

View this post on Instagram

A post shared by AWRA (@awrabriguela)

Read: Angel questions Robin after his "Komunista po ako" declaration

NETIZENS, CELEBS REACT TO AWRA'S NEW LOOK

Base sa comments section ng post ni Awra, maraming netizens at kaibigan ang nagandahan sa kanyang bagong look.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May nagsabi pang kamukha na niya ang young Catriona Gray at si Kendra Kramer.

Reactions on new look of Awra Briguela

May sumang-ayon ding "sobrang Latina" na ang kanyang ganda, habang may nagkomento ring "manilka" ang kanyang hitsura.

Reactions on new look of Awra Briguela
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Angelica Panganiban's latest post fuels AngBeKi speculation

AWRA WANTS TO LOOK LIKE CINDY KIMBERLY

Noong July 14, ibinahagi ni Awra sa YouTube ang kanyang rhinoplasty journey na matagal na niyang pinangarap.

Gusto raw kasi niyang magmukhang "Latina" kaya susubukan niya itong ma-achieve sa pamamagitan ng nose enhancement.

Aniya, "Matagal ko na talaga siyang gusto. And feeling ko talaga guys, eto na lang yung kulang para maging sobrang Latina na ako."

Hindi naman sa pangit ang kanyang ilong, kailangan lamang daw niya ng kaunting pagpapaganda pa.

"Pero kidding aside, hindi naman sa sobrang insecurities ko yung nose ko kasi maganda naman siya, and maganda siya pag naayusan, but feeling ko talaga guys, kilangan niya ng enhancement.

"And feeling ko pag naayos na or nagawa na yung ilong ko, buo na talaga, like yun nalang yung kulang, I feel like."

At ang ipinagaya niyang ilong ay ang kay Spanish influencer and model C indy Kimberly.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Spanish model and influencer, Cindy Kimberly.
Spanish model and influencer, Cindy Kimberly.

"Ang gusto kong talagang nose or yung peg ko talaga si si Cindy Kimberly.

"She's so pretty and her nose is so beautiful, like gorgeous. Hindi siya ganun kabongga pero ang lakas ang dating. At feeling ko bagay siya sa akin."

Read: Awra Briguela undergoes nose enhancement to fulfill "Latina" look

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
SOBRANG LATINA.After undergoing nose enhancement, Awra Briguela revealed that she wanted a nose similar to that of Spanish influencer and model Cindy Kimberly (inset).
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results