Mukhang malayo na talaga ang nilalakbay ng relasyon ng rumored couple na sina Mika Salamanca at Will Ashley.
Nang tanungin kung ano na ang real score sa pagitan nila, sagot ni Mika: "Real score? High score...
"Actually, yung relationship po namin ni Will, parang mas nagiging deep po. Mas nakikilala ko pa siya.
"Kasi si Will is someone na consistent sa akin after my PBB.
"And hanggang ngayon, sobrang consistent pa po sa akin na pag-pursue.
"So, inaano ko na po, parang hinihilot na. Pero, yeah, nagpe-pursue po."
Umaasa rin si Mika na makatrabaho muli si Will sa upcoming projects sa GMA-7.
Aniya, "Praying po ako kasi, una sa lahat, even before PBB, pangarap ko na po yung makatrabaho siya.
"Kasi hinahangaan ko po siya, e, magaling talaga siya na aktor. So, gusto ko po siyang makatrabaho."
Nagkasama sina Mika at Will, at ang iba pang housemates ng PBB: Celebrity Collab Edition, sa defunct GMA-iWant series na The Secrets of Hotel 88.
Nakakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro ng media si Mika sa opening ng ika-siyam na branch ng Awesam Smile Dental Clinic ni Dr. Samantha Rose Bernardo sa 3rd floor ng Venice Grand Canal Mall noong Sabado,J uly 18, 2026.
Kasama ni Mika sa opening ang mga kapwa niya ambassadors na sina Daniel Matsunaga, Jaz of G22, at Bianca de Vera.

Read: Baron Geisler’s wife hints at actor's drug relapse
MIKA ON WILL: "he's been consistently pursuing me."
Noong April 5, 2026, pinabulaanan nina Will at Mika na “hard launch” ng kanilang rumored relationship ang mga post nila sa Instagram na mga larawang kuha sa bakasyon nila sa Bangkok, Thailand.
Sa mga larawan, makikitang naka-school uniform sina Mika at Will habang kinukunan ang isa’t isa sa iba’t ibang tourist at food spots sa nasabing bansa.

Sa panayam nina Will at Mika sa 24 Oras noong April 27, iginiit nilang hindi lamang silang dalawa ang nasa Bangkok nang kunan ang kanilang mga litrato.
Pahayag ni Will: "Masaya kasi kasama din namin yung ibang friends namin, so talagang naikot namin yung Bangkok, tapos nakakain din kami ng masasarap na food.
"Kumbaga, na-enjoy din namin yung day off namin after ng napaka-busy na schedule."
Dagdag naman ni Mika, "Nagpahinga po talaga."
Nang matanong ang tungkol sa kanila umanong pagha-hard launch, napangiti ang dalawa at itinanggi na ito'y may katotohanan.
Ani Mika, "Ha, hard launch? Hindi naman."
Ayon kay Mika sa panayam ng media noong Sabado, talagang sinusuyo pa lamang siya ni Will.
Sobrang close lang daw talaga nila sa ngayon.
Aniya, "To be honest po, kung may scoring, highest score.
"Kasi sobrang close po namin talaga ngayon. And yun, uulitin ko po yung sinabi ko, he's been consistently pursuing me."
Read: Will Ashley, Mika Salamanca deny rumors of “hard launch” Thailand
