May pakiusap si Claudine Barretto sa kanyang mga tagahanga sa social media.
Sa kanyang Instagram at Facebook accounts kagabi, July 22, 2026, nagbahagi ng photo message si Claudine para sa fans na patuloy na gumagawa ng fan pages gamit ang kanyang pangalan.
Payo niya, dapat nasa dulo na ang kanyang pangalan sa mga social media handles na kanilang gagawin para hindi daw malito ang mga tao.
Sabi niya [published as is], "to my Claudinians pls stop using Claudine or Clau or Clau barretto or Claudine Barretto for your Accounts.
"na co confuse po followers ko.
"unahin nyo nalang po official fanpage or Fan page of Claudine Barretto to avoid any confusion or problems. thank u A"

Sa caption, hiniling din ng aktres na tigilan na ng kanyang mga tagahanga ang mag-follow ng hindi verified accounts niya sa social media.
Yung mga may blue check lamang daw katabi ng kanyang pangalan ang pag-aari niya.
Sabi ni Claudine [published as is], "pls stop following accounts using my name especially if not verified.
"yung Claudine Barretto na may BLUE CHECK & Clau Barretto na may BLUE CHECK at VERIFIED po ang REAL ACCOUNT ko."
Dagdag pa na pakiusap niya, huwag na raw sana dagdagan ang kalituhan ng mga kaibigan at followers niya, lalo na iyong mga nasa ibang bansa.
Pagtatapos niya (published as is), "please stop its confusing my friends & Followers especially sa mga Claudinians abroad [praying hands emoji] maraming salamat po [praying hands, heart emojis]"
View this post on Instagram
Read: Senator Robin Padilla: "Sana hindi one-sided ang prosekusyon."
CLAUDINE'S FANS REACT
Naintindihan naman ng kanyang fans ang kanyang pakiusap, lalo na yung gamit mismo ang kanyang pangalan.

Sa Facebook, sinabi naman ng isang netizen na yung ibang fan page na gamit ang pangalan niya ay mas marami pa raw followers kaysa account ni Claudine.

Suhestiyon ng isa, idugtong na lamang ang pangalan ng aktres sa pangalan nila.

Nitong nakaraang July 20, 2026, ipinagdiriwang ni Claudine ang kanyang ika-47 na kaarawan.
View this post on Instagram
Read: Pag-aaway ng aktor at ng misis, humantong sa pisikalan
