PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ipaglaban Mo host Atty. Jose Sison dies at 88

Atty. Sison is known for his line: “Kapag nasa katuwiran, ipaglaban mo."
by Khryzztine Joy Baylon
Published 5 hours ago
Ipaglaban Mo! host Atty. Jose Sison passes away at 88
Atty. Jose Sison, known for hosting Ipaglaban Mo and championing legal awareness, died at the age of 88.
PHOTO/S: ABS-CBN Entertainment on YouTube

Pumanaw na ang beteranong abogado at dating Ipaglaban Mo host na si Atty. Jose "Ping" Sison, nitong Huwebes, July 23, 2026.

Siya ay 88.

Ang malungkot na balita ng kanyang pagpanaw ay inanunsyo mismo ng anak niyang si Atty. Jopet Sison sa isang social media post.

Sa kanyang pahayag, nagbigay-pugay si Atty. Jopet sa buhay at pamana ng kanyang ama, na naglaan ng maraming taon sa paglilingkod sa batas at sa sambayanang Pilipino.

Read: Kathryn Bernardo admits big adjustment working with James Reid

Mababasa sa kanyang post: "This morning, July 23, 2026, our Papa Ping peacefully joined our Creator.

"We are comforted that he lived a full life as a lawyer, a husband to Josie, a father to his six children, and a grandfather to his sixteen grandchildren.

"Please keep him in your prayers and remember him with love and fond memories.

Ipaglaban Mo! host Atty. Jose Sison passes away at 88
Photo/s: Atty. Jopet Sison on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakatakdang iburol ang beteranong abogado at TV host sa Ascension Chapel ng Immaculate Conception Cathedral sa Cubao, Quezon City, simula bukas, July 24, bago siya ihatid sa kanyang huling hantungan sa Heaven's Gate Memorial Park 1 sa Antipolo City sa July 28.

ATTY. JOSE SISON'S LEGACY

Sa loob ng maraming taon, isa si Atty. Sison sa mga kinikilalang personalidad sa larangan ng batas at broadcasting.

Read: Ipaglaban Mo: The Anatomy of a Legal Drama

Nakilala siya sa pagbibigay ng legal na kaalaman sa publiko sa pamamagitan ng kanyang makabuluhang papel bilang host ng legal drama anthology na Ipaglaban Mo mula 1988 hanggang 1999 na umere sa IBC-13 at kalaunan sa ABS-CBN.

Dito niya unang binigkas ang kanyang tanyag na linyang, "Kapag nasa katuwiran, ipaglaban mo."

Pansamantalang tumigil ang programa. At nang muli itong maibalik sa ere noong 2013, sa GMA-7's news channel at GMA News TV, kasama na niya ang anak niyang si Jopet bilang co-host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong June 2014, muling lumipat sa ABS-CBN ang Ipaglaban Mo hanggang sa magtapos ito noong 2020.

Ipaglaban Mo! host Atty. Jose Sison passes away at 88
Atty. Jose Sison (left) and Atty. Jopet Sison (right).
Photo/s: ABS-CBN Entertainment on YouTube

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na opisyal na detalye hinggil sa sanhi ng pagpanaw ng beteranong abogado.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Atty. Jose Sison, known for hosting Ipaglaban Mo and championing legal awareness, died at the age of 88.
PHOTO/S: ABS-CBN Entertainment on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results