Inamin ni Kathryn Bernardo na nanibago at dumaan siya sa maraming adjustment sa paggawa ng bago niyang teleseryeng Someone, Someday, kung saan unang beses niyang makakatambal si James Reid at makakatrabaho si Maja Salvador.
Sa exclusive event ng Netflix para sa Someone, Someday noong July 21, 2026, inamin ni Kathryn na mas matagal siyang naka-adjust sa bago niyang karakter, gayundin sa bago niyang mga katrabaho.

Saad niya: "There were a lot of adjustments. And actually I think ito yung longest na parang usually kasi it takes like, you know, a couple of taping days to warm up and to feel homey on set.
"But for this one, it took a while.
"Maybe because matagal na rin since my last serye. And when you say you're doing a TV series, we all know that it's a different world, di ba, kumpara sa movie.
"And ito sa serye, siguro new environment din for me, kasi first time ko working with James, with Ate Maja, with our directors as well.
"And then I'm back with Dreamscape Entertainment after Mara Clara, which was sixteen years ago.
"So you know, ang daming bago. So medyo matagal akong nag-warm up and also to get to know my character."
Huling napanood si Kathryn sa teleseryeng 2 Good 2 Be True noong 2022, kung saan nakatambal niya ang dating ka-loveteam at nobyo si Daniel Padilla.
Read: Kathryn Bernardo and Daniel Padilla eyed for a reunion movie?
KATRYN FIRST IMPRESSION OF JAMES
Marami ang nagulat nang ipares sina Kathryn at James sa isang proyekto sa unang pagkakataon.
Lalo na't kapwa sila nanggaling sa magkaibang loveteams sa ABS-CBN.
Read: Kathryn Bernardo excited to work with James Reid
Si Kathryn ay 12 years na nakatambal si Daniel, at 11 years silang naging magkasintahan sa tunay na buhay.
Habang si James naman ay pitong taong nakatambal si Nadine Lustre, at apat na taon silang naging magkasintahan.
Read: James Reid, hindi pa open sa reunion project with Nadine Lustre
Dahil dito, natanong si Kathryn kung ano ang naging unang impresyon niya kay James nang malaman niyang magsasama sila sa Someone, Someday.
Aniya, "First impression, I expected James to be really shy, and I was right. He's very shy."

Isa raw ito sa mga dahilan kung bakit nahirapan siyang makipag-usap at makipag-connect kay James noong una dahil, gaya ng aktor, mahiyain din siya.
Ngunit sa tulong ng kanilang mga co-star, unti-unti raw silang naging komportable sa isa't isa.
Pahayag ng Kapamilya A-lister: "I'm the type of person pa naman na, you know, it takes a while for me nga to warm up, and usually may isa na magbe-break ng ice.
"So the problem with us, sino? So parang, I'm shy, he's shy. Pano to?
"Kasi dapat supposed to be best friends kami sa series."
Bagamat matagal bago sila naging komportable sa isa't isa, sinabi ni Kathryn na hindi nila pinilit na mapabilis ang pagbuo ng kanilang samahan dahil naniniwala siyang makikita ng audience kung pilit ang chemistry ng dalawang artista.
Lalo pa't childhood best friends ang kanilang mga karakter sa serye.
Read: James Reid serenades Kathryn Bernardo with "Randomantic"
Gagampanan ni Kathryn ang karakter ni Billy, habang si James naman ay si Jordan.
"Also, I think nagwork din yung we didn't force anything.
"Because I think anything that's forced, the audience will see it, and we don't want to parang ano, arte mo lang. Na, okay, you're best friends, very comfortable.
"So I think personally, kung anong nakatulong sa akin, I tried to create a world ni Billy and ni Jordan.
"So when we are on set and then when the director says action, it's like, okay, this is Billy and Jordan talking.
"And then once cut na, back to, you know, James and Kath.
"And I think it worked naman kasi. Yun din kasi ang maganda kapag sa series, you have time to create and get to know each other," ani Kathryn.
KATHRYN: "Very unfamiliar si James sa akin."
Ayon pa sa aktres, nakatulong din na hindi niya gaanong kilala noon si James, lalo na pagdating sa paraan nito ng pagtatrabaho.
Gayunman, habang tumatagal ang kanilang taping, mas nakilala raw niya ang aktor at kung paano ito naghahanda para sa bawat eksena.
Lahad ni Kathryn: "Now I'm more, parang I know James. Not so much still, ang hirap kasi wala kaming common friends.
"Wala kaming common projects din together. So wala talaga.
"Very unfamiliar si James sa akin.
"But now, every taping, I got to know him more, and then I'm just curious about him.
"I think it helped too, kasi if you're too familiar with the person, iba yun kung paano mo siya tignan.
"So I think nakatulong din siya na hindi ko naman siya intention. When I look at James, naiisip ko, 'Ah, okay, ganito pala siya. Ganito siya mag-prepare for a role, mag-process ng emotions,' and it's nice to witness that during taping.
"So yeah, it helped create the world of Billy and Jordan na it's really different from Kath and James."
Bukod kay James, unang beses ding makakatrabaho ni Kathryn si Maja Salvador.

Read: How Maja Salvador, Rambo Nunez look after daughter Maria
Kahit matagal na silang magkakilala at magkaibigan, aminado ang aktres na nagkaroon pa rin sila ng adjustment nang magsimula ang taping.
Saad niya: "I've known Ate Madge for quite some time now, but I know her as, like, you know, my sister in the industry, and Ate Dimps [Dimple Romana] also.
"Pero iba naman talaga kapag nasa set kayo.
"So, iba kung paano mo kilalanin yung isang artistang nakatrabaho mo. And siyempre may adjustments din doon kung paano kami.
"But you know, overall, siguro one thing in common sa aming lahat, we're all hungry.
"We want this to work, and it's the project that we're all parang fully committed to. So, ayun yung humahawak sa aming lahat.
"Parang lahat sila first time [kong maka-work].
"Si Ate Dimpls lang, actually, ang nakatrabaho ko sa lahat ng cast, I think. Pero lahat kami, first."
Noong 2010 unang nagsama sina Kathryn at Dimples sa ABS-CBN's remake na Mara Clara, kung saan gumanap silang mag-ina.

Read: Mara Clara stars Julia, Kathryn, Dimples celebrate 10-year friendship
