PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kakai Bautista considers legal action over Apple David backlash

Kakai Bautista: "I did not do anything wrong by enabling happiness."
by Khryzztine Joy Baylon
Published 4 hours ago
Kakai Bautista considers legal action over Apple David backlash
Kakai Bautista (left) stands by Apple David and Chad Gammad's (right) relationship: "Ano ang problema natin, by being happy for other people and celebrating other people's happiness?"
PHOTO/S: Ogie Diaz on YouTube/Chad Gammad on Instagram

Pinag-iisipan ng singer-actress na si Kakai Bautista na sampahan ng reklamo ang netizens na patuloy umanong umaatake sa kanya sa pamamagitan ng masasakit at hindi makatarungang mga komento online.

Nag-ugat ang bashing kay Kakai matapos niyang ipagtanggol ang pakikipagrelasyon ng 33-year-old PBA courtside reporter na si Apple David sa 18-year-old basketball player na si Chad Gammad.

Noong July 4, 2026, sinagot ni Kakai ang isang post ng isang content creator.

Sa naturang post, mapapanood ang video clip mula sa TikTok Live ni Apple kung saan isa-isa nitong sinagot ang kaliwa't kanang pambabatikos ng mga hindi pabor sa relasyon nila ni Chad.

Kabilang sa mga ibinabatong komento kay Apple ang pagtawag sa kanya ng "gurang" para umano sa teenager na nobyo nito.

May iba ring nag-akusang "groomer" ang dalaga dahil sa laki ng agwat ng edad nila ni Chad.

Read: Apple David hits back at critics of relationship with Chad Gammad

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi napigilan ni Kakai na ipagtanggol si Apple matapos mabasa ang samu't saring akusasyon laban dito.

Pamumulis ni Kakai sa comments section: "Bakit galit na galit kayo kung nagkagusto ang 18-year-old sa kaniya.

"Buhay niya yan. Pinakialaman niya ba yung buhay niyo noong naglandi kayo?

"Yung mga pinupuri niyo nga nang husto sa social media na mga hitad dahil namimigay ng pera, e kabit ng mga politikong magnanakaw, tapos yung masaya lang, ayaw niyong tigilan?

"Kung ikakasama ng buhay niyo, pineperwisyo kayo, or apektado yung ekonomiya dahil sa relasyon nila, doon kayo mag-aklas."

Read: Kakai Bautista calls on “bida-bida” politicians to act after quakes

Dahil dito, nakatanggap din si Kakai ng mga negatibong komento.

Tinawag siya ng ilang netizens na "enabler" at "pedophile" o taong may sekswal na atraksyon sa mga batang hindi pa umaabot sa yugto ng puberty o pagdadalaga at pagbibinata.

Nag-upload si Kakai ng video sa kanyang social media account upang pabulaanan ang mga akusasyong ibinabato sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya: "Guys, anong enabler ang pinagsasabi niyo.

"Mga galit yung LGBTQ na mga people, I love you guys, mahal ko kayo. Pero bakit sinasabi niyo enabler ako?

"Hindi ba kayo masaya? Fifteen-year age gap, tini-treat niyo as grooming.

"Kung sa tingin niyo nga masama yung ginagawa nila, e, mag-file kayo ng complaint.

"But I researched everywhere, wala namang nag-complain about their relationship. Kayo lang ang maingay.

"Whatever it is that they have, I'm happy for them.

"Nakakaloka kayo. Hayaan niyo nang maging masaya yung tao. Kayo lang ang nag-iisip ng ganyan.

"I-block niyo man ako, wala akong pakialam. Awayin niyo ako kapag may nag-complain na, may kaso na. Pero nag-research ako, wala namang nagkaso.

"Kayo lang yung galit na galit. Hindi ko maintindihan. Masyado kayong malungkot sa buhay.

"I think wala namang problema if they love and like each other. And they're happy. Walang problema dun."

Joy Barcoma says Kakai lookalike remarks now offend her

Imbes na humupa, tila lalo pang lumala ang pambabatikos kay Kakai matapos niyang ipakita ang suporta sa relasyon nina Apple at Chad.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Isa sa mga nagpahayag ng saloobin ay si Miss Earth Philippines 2025 Joy Barcoma.

Ini-repost ni Joy sa kanyang X account ang isang quote card ni Kakai at nilagyan ito ng caption na: "Simula ngayon mao-offend na ako kapag sinabing kamukha ko siya.

"Madam, what is this?"

Kakai Bautista considers legal action over Apple David backlash
Photo/s: Joy Barcoma on X
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KAKAI ADDRESSES BACKLASH OVER HER DEFENSE OF APPLE

Nakapanayam ni Ogie Diaz si Kakai sa vlog niya sa YouTube noong July 20, at dito ipinaliwanag ng actress-singer ang kanyang panig sa pagdepensa kay Apple.

Kakai Bautista considers legal action over Apple David backlash
Photo/s: Ogie Diaz on YouTube

Saad niya: "Unang-una, when I said that and commented that on this Facebook page, alam mo yung masaya ka lang na parang, 'Huy, anong nangyayari? Sino na namang inaaway niyo?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I said that with thinking na wala lang yon, hindi big issue.

"Pangalawa, nag-video ako and I researched if there is a case na inihain para kay Apple, for anything, wala naman."

Para mas makatiyak si Kakai, kinausap pa raw niya si Apple para itanong sa kanya kung nasa hustong gulang na ba si Chad nang ligawan siya nito.

Pahayag niya: "After that video, may show ako noon, e. I reached out to Apple, and I asked everything I can about their relationship.

"Everything's fine naman, with her work, with the parents of the guy, and her family. Everything is okay.

"And ito pa, [tinanong ko], 'How old was he when you met him?'

"[Sagot niya], 'He's eighteen already. And hindi ko siya nilapitan. Siya ang lumapit sa akin. He courted me.'

"And through a friend kaya sila nagkakilala."

Dahil dito, wala raw nakikitang mali si Kakai sa relasyon ng dalawa, lalo na nang malaman niyang nasa hustong gulang na si Chad nang maging kasintahan nito si Apple.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: 17 Filipino celebrity couples with big age gaps (female edition)

Ani Kakai, "So what's your problem? Ano ang problema natin, by being happy for other people and celebrating other people's happiness?

"Why do we have double standards? Kapag lalaki ba yung older, sisitahin din natin?"

Hindi rin daw matanggap ni Kakai kung bakit ganoon na lamang ang masasakit na komentong ibinabato sa kanya, gayong masaya lang naman siya sa kaligayahang mayroon ngayon ang magkasintahan.

"Ang dami kong mga hate messages sa Instagram. They call me names, ganito ganyan.

"[Though] hindi ako nasasaktan kasi it’s not true. I won’t be hurt by something that is not true. That is not me.

"Pero yung tinatawag nila akong pedophile, groomer, enabler.

"Pedo is a very strong word."

Ito rin daw ang dahilan kung bakit minabuti ni Kakai na kumonsulta sa kanyang legal counsel.

Hindi na raw kasi niya kaya pang kunsintihin ang mga panlalait at pamba-bash sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Rebelasyon niya: "Before all of this, and consulting and reaching out to Apple David, I already talked to my lawyer.

"Nakakalimutan kasi ng mga content creator ngayon na there is a Cybercrime Act, di ba? Na puwede kayong makulong, puwede kayong masita.

"Minsan nakakalimutan na rin kasi natin yon, kaya sige lang kayo nang sige.

"Para sa akin, before you throw a lot of hateful words sa akin, please verify and validate all your facts.

"Kasi for me, I did not do anything wrong by enabling happiness.

"And sinabi ni Ms. Apple sa akin, when she met Chad, kagagaling lang ni Chad sa Canada.

"So, Canadian boy. Laking Canada. Medyo liberated."

KAKAI ON CANCEL CULTURE

Ayon pa kay Kakai, hindi lamang ang mga negatibong komento laban kay Apple ang ikinababahala niya, kundi maging ang mabilis na paghuhusga ng mga tao nang hindi muna inaalam ang buong katotohanan.

"Sabi ko nga, bakit ganun, porket thirty-three na siya, e, hindi naman, hello, ang fresh-fresh.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Gigil na gigil yung sinasabi sa kanya, I cannot. It’s very alarming that we normalized na sa tao, lalo na sa social media, yung mga hateful."

Read: Why a 15-year age gap is not a problem to Beauty Gonzalez and Norman Crisologo

Dagdag pa niya, nakababahala na rin ang pagiging normal ng mapanirang komento sa social media.

Sabi ni Kakai, "Katulad niyan, hindi tayo natatakot na puwede tayong makasuhan. And the cancel culture is so OA.

"Dahil lang sa mga ganun, without even verifying the facts."

Sa huli, may paalala si Kakai sa mga patuloy siyang bina-bash.

Saad niya: “Ang take ko diyan is, pabayaan ko na. Hayaan ko na lang.

"Pero once pumitik ako at grabe na kayo, there’s a lawyer who is just waiting.

"I can do that [file a case]."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kakai Bautista (left) stands by Apple David and Chad Gammad's (right) relationship: "Ano ang problema natin, by being happy for other people and celebrating other people's happiness?"
PHOTO/S: Ogie Diaz on YouTube/Chad Gammad on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results