Nanawagan ang comedienne-singer na si Kakai Bautista sa mga opisyal na gobyerno na tuparin ng mga ito ang lahat ng ipinangako nilang tulong sa taong-bayan noong nagdaang eleksyon.
Ito'y matapos tamaan ng sunud-sunod na lindol ang ilang parte ng bansa nitong mga nagdaang linggo.
Read: Celeste Cortesi donates PHP10 million to quake victims
Sa isang video sa Facebook noong October 12, 2025, kinalampag ni Kakai ang mga politikong nangako ng malalaking proyekto, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin natutupad.
Saad ng singer-comedienne: "Yung mga bida-bida diyan noong eleksyon, it’s your time to shine. Now is the time to serve the people dahil nag-serve na kami sa inyo noong eleksyon.
"Niluklok na namin kayo sa inyong mga posisyon.
"Kayong mga nasa LGU [local goverment unit], munisipyo, ang mga namumuno sa bawat bayan at bawat lungsod dito sa buong Pilipinas.
"This is not a request, it’s your job to serve the people."
Himutok ni Kakai, dahil sa sunud-sunod na kalamidad sa Pilipinas ay kailangang maging handa na ang lahat.
Oras na rin daw para ipamudmod ng LGUs ang emergency bag o Go Bag na naglalaman ng emergency kits sa bawat pamilyang Pilipino, gaya ng ginawa ng Pasig City.
Read: NETIZENS REACT: Vico Sotto praised for mura, de-kalidad go bags
Laman ng Go Bag ang mga pangunahing pangangailangan gaya ng biskwit, tubig, gamot, kumot, radyong de-baterya, flashlight, whistle, at kung anu-ano pa na mahalaga sakaling may emergency at hindi agad available ang services.

Ani Kakai: "Mamigay na kayo ng mga Go Bags, mga emergency kits dahil Philippines is shaking.
"Nanginginig na tayo, kailangan na nating maging handa and prepare kung ano man ang mangyayari sa Pilipinas.
"Use this as an opportunity to serve the people. It's your time to shine.
"Serve the people, we deserve it. Don't take it personally, because it's your job.
"Gayahin natin si Mayor Vico [Sotto] na hindi kailangang utusan, nagkukusa.
"Sa Taguig, mayroon daw hindi ko naman naramdaman; sa QC [Quezon City] mayroon na; sa San Juan, I think mayroon na rin."
Read: Here are 3 materials that make houses more earthquake-resistant
Kakai SAYS every household SHOULD have an emergency kit
Panawagan pa ni Kakai, hindi dapat mamili sa pagbibigyan ng emergency kit.
Dapat lahat ng pamilya ay mayroong kahit tig-iisa nito, lalo na ang mga mahihirap na pamilyang walang kakayahang makabili ng mga ito.
"Dapat lahat ng households, bigyan niyo. Hindi lang mga estudyante at hindi niyo ibibigay kung kailan niyo lang gusto.
"Tsaka hindi niyo ibibigay sa mga gusto niyo lang bigyan, padrino, panyero, sa mga kamag-anak, no!
"I think, sa lahat ng Filipino households, sa buong Pilipinas kailangan mayroon noon," saad ni Kakai.
Read: Regine Velasquez, muling umalma sa matinding korapsyon
Kasunod nito ang pasaring niya sa mga korap na opisyal ng gobyerno.
Sabi ni Kakai, "You know better, hindi talaga kaya ng bawat Pilipino na magkaroon ng Go Bag on their own. Kasi nga, di ba, minatmat niyo na yong mga salapi.
"Paano pa bibili yung mahihirap? So, kilos na. It’s your time to shine."
Read: Kathryn's Influential award draws mixed reactions from netizens
Samantala, sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mahigit 125,000 pamilya na ang naitalang apektado ng "doublet earthquake"—magnitudes 7.4 at 6.9 na tumama sa Davao Oriental noong October 10.
Kasunod ito ng magnitude 6.9 na lindol na tumama naman sa northern Cebu noong September 30, kunsaan mahigit 170,000 pamilya ang naapektuhan, dahilan para ilagay sa state of calamity ang buong probinsya.
