Labis na nasaktan ang aktres at dating Pinoy Big Brother housemate na si Say Alonzo matapos matupok ng apoy ang kanilang family restaurant.
Nasunog ang family business ni Say at ng asawang si Ryan Tordesillas, ang Aidalicious Chicken Inasal by Aida’s Bacolod, sa may Arcadia 2, Paseo Outlets ng Greenfield City, Laguna, noong July 25, 2026.

Taong 2024 ito binuksan sa publiko, ngunit nadisgrasya ito matapos lamang ang dalawang taon.
View this post on Instagram
Kasalukuyan pang inaantay nina Say ang resulta ng imbestigasyon sa dahilan kung bakit nasunog ang kanilang restaurant.
Read: Say Alonzo asks for prayers after fire destroys family's resto
SAY ALONZO, HUSBAND REASSURE EMPLOYEES
Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Say, sa pamamagitan ng direct Instagram messaging ngayong gabi ng Martes, July 28, nagpahayag siya ng labis na kalungkutan sa nangyari.
Saad niya: "Malungkot, kasi pinag-ipunan at pinaghirapan.
"Everyday routine namin ni Ryan yung pagdaan sa resto bago magbukas, taste test kami, cleanliness sa kitchen, ganyan.
"Tapos siyempre, madami umaasa sa business namin, hindi lang kami, pero yung staff namin lalo."
Nabigla raw ang mga empleyado nila sa nangyari, ngunit tiniyak ng mag-asawa na sasahod pa rin ang mga ito sa takdang oras.
"In shock din sila, nangangamba," pagbabahagi ni Say.
"Pero we reassured them naman na on schedule pa rin release ng payroll, tips, service charge.
"Then, madami kami inaayos ni Ryan ngayon para, hopefully soon, may income na ulit ang staff kahit temporary setup muna.
"We really care for our staff. Matagal na sila amin kaya we don’t want to lose them.
"And sana maging okay talaga lahat at makabangon para kasama pa rin namin sila."

Sinabi rin ni Say na hindi nila susukuan ang pagmamahal sa kanilang negosyong chicken inasal.
Pangako niya: "Yes, we will move forward and rebuild the restaurant, Aidalicious Arcadia 2.0, sabi nga ni Ryan. Same location.
"Gagalingan pa namin lalo. We owe it to the Laguna community who has been really supporting us over the past 19 months.
"Sobrang daming nagmi-message na customers every day, encouraging us to rebuild.
"Kasi naghihintay sila—we read them all, and doon kami nakakahugot ng inspiration to keep going and rebuild, kaya maraming salamat sa inyo!"
Mensahe pa ni Say sa kanilang staff: "Kapit lang.
"And sabi nga namin kanina, patuloy nila kaming ipagdasal para guided yung mga susunod naming desisyon.
"Sa GC namin, we keep sending inspiring messages para positive vibes lahat.
"We will be back! Hihintayin namin kayo sa aming pagbabalik."
Read: Julie Anne San Jose on first love: "Naaning talaga ako."
