Masaya si Sugar Mercado na marami ang nakapanood ng life story niya, na pinamagatang "Ang Laban at Bawi ni Sugar Mercado," sa Magpakailanman ng GMA-7.
Itinampok ang kanyang buhay sa drama anthology noong July 25, 2026.
Sa kuwento, ibinahagi ni Sugar ang naging sakripisyo at paghihirap niya mula noong bata pa siya hanggang siya ay magkaanak.
Mataas ang ratings nito.
Read: Former ABS-CBN reporter Ryan Chua marries longtime partner in BKK
SUGAR MERCADO: "lahat ng pagkakamali, PUwede mong itama."
Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Sugar, sa pamamagitan ng Facebook messaging, kagabi, July 29, sinabi nitong natuwa siya sa feedback ng mga tao.
"All glory to God!" sambit niya.
"Ang dami pong magagandang komento ang mga kababayan natin kaya po blessing po, mataas po ang ratings.
"Mas lalo daw nila ako nakilala, nakapulutan ng aral yung buhay ko. Bitin daw po, sabi ko nga puwedeng gawin Netflix life ko, kulang ang 1 hour 30 minutes."
Noong napanood daw niya ang kanyang life story sa telebisyon, mas lalo siyang naging masigasig lumaban pa sa buhay.
Saad ni Sugar, "Hindi susuko sa hamon ng buhay at magtiwala na Ama sa langit Hesus, di Niya tayo pababayaan."
Nanariwa rin daw muli ang sakit na naramdaman niya noong pumanaw ang kanyang ama.
At natutunan niyang lahat ng pagkakamali ay maaaring ituwid pagdating ng araw.
Mensahe niya sa mga taong naiintindihan na siya ngayon: "Pag-ibig, totoong pag ibig.
"Kahit madilim na mundo nilalakadan niyo, huwag niyo babaguhin yung kabutihan ng puso niyo dahil yan ang tinitingnan ng Diyos.
"Liliwanag din ang dilim, lilipas ang sakit, sasaya ka din. Tiwala ka lang sa may Lalang."
SUGAR MERCADO'S MERALCO BILL
Sa kabilang banda, nagtataka naman si Sugar sa laki ng bill niya sa kuryente gayong tatlo lang daw sila sa bahay.
Umabot sa halos PHP22,000 ang bill niya nitong buwan ng Hulyo.
Aniya, "Ngayon lang ako, ang bill P22K sa tanang buhay ko hahahaha, natulala ako talaga sabi ko, 'Baka pati kapitbahay ko sa akin pinaako hahaha."
Pero hindi na raw siya nagreklamo sa Meralco.
"Hindi po, dasal ko na lang sila lahat, buti may work po," pagtatapos ni Sugar.
Read: MTRCB gives It's Showtime 7 days to explain "Memerimar" issue
