Maglilimang taon nang kasal si Glaiza de Castro at ang Irish husband niyang si David Rainey.
Kaugnay nito, hindi maiwasang tanungin ang Kapuso actress tungkol sa baby plans nilang mag-asawa.
Hindi tulad ng ibang celebrity couples na hangga't maaari ay ayaw matanong tungkol dito, bukas si Glaiza na pag-usapan ito.
Aniya, "Okay lang naman. I think, siyempre parte ng pagiging mag-asawa din.
"And mas gusto naming mag-save muna bago so pinag-uusapan naman namin yun."
Dagdag pa niya tungkol sa alinlangan ng iba na baka tumaba kapag nabuntis, "No, parang I don't think magiging issue sa amin yun."
Hindi raw nila tina-target kung anong taon o edad siya mabubuntis. Kung ipagkakaloob daw ito ng Panginoon ay mangyayari naman.
Sabi ni Glaiza: "Hindi ko alam. Para sa amin, huwag muna ring isipin sa ngayon.
"Kung mangyari siya, mangyari siya sa tamang panahon, di ba? Pagka okay na lahat."
Ilang anak ba ang nais niya?
"Siguro, dalawa lang sa akin. Okay na. Pagka babae, babae at lalaki, okay na."
Nakapag-adjust na ba siya sa buhay may-asawa?
Tugon ng aktres: "I think so, kasi medyo matagal na rin naman kami mag-asawa, since 2021.
"So, I think marami na rin kaming mas nalaman sa isa't isa.
"Mas nakapag-adjust na rin kami sa isa't isa, especially him, staying here, getting toknow culture natin, mga lifestyle sa Pilipinas.
"And ganun din ako sa kanya."
Nanibago lang daw si David sa traffic.
"Siguro lang, minsan sa traffic lang. Yun lang siguro yung, I think, minsan challenge for him.
"And traffic, oo. Food, I don't think... hindi malaking issue kasi hindi naman siya pihikan sa mga pagkain. He loves Filipino food.
"So, ayun lang traffic lang siguro."
Eksklusibong nakausap ng Real Talk ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Glaiza sa launching ng Clever Skin Time Saver Perfection Cream Gel at Clever Cleanse Hydrating Gentle Cleanser Gel sa Quezon City noong July 30, 2026.
Kasama rin sa pagtitipon ang kapwa niya Kapuso at cast member ng Taskforce Firewall ng GMA-7 na si Cheska Fausto, ang unang endorser ng nasabing brand.

Read: I'mPerfect makes historic European premiere in Italy
GLAIZA ON DAVID JOINING SHOWBIZ: "hindi ko masabi."
Anong klaseng adjustments ang ginawa ni Glaiza nang ikasal sila ni David?
Tugon niya: "Siguro dahil may iba ka nang pinakikisamahan, ganun, may ibang tao sa buhay mo na parang ang tagal mong hindi na-witness yung buhay niya mula pa nang bata, di ba?
"Siyempre may... he has his own ways of living, of thinking."
Noong nakilala niya si David at naging sila, naisip ba niyang ito na ang "the one" sa kanya?
Ayon kay Glaiza: "It took a while for me to parang realize that.
"Kasi una, parang hindi ko nga nai-imagine yung sarili ko na mag-e-end up with someone not from here.
"Parang siyempre, nagkaka-crush ako sa mga foreigners, ganyan, sa mga boy band, sa mga actors.
"Pero never ko nai-imagine yung sarili ko na mag-aasawa ng ano, ng taga-ibang bansa."
Paano nag-adjust si David sa buhay ni Glaiza bilang aktres, halimbawa may taping siya o trabaho?
Lahad ng aktres: "Sinasama ko siya. Nakikita niya first hand yung na-experience ko kasi iba yung kuwento ko sa kanya sa nakikita niya, di ba?
"So, kapag nakikita ni David, kumbaga hindi ko na kailangan masyadong i-explain.
"Kumbaga, shared yung experience namin. Mas naiintindihan niya."
Kasama ni Glaiza sa event ang asawang si David na game na game namang nagpa-picture sa PEP.ph.

May balak bang pumasok sa showbiz ang kanyang asawa?
"He's also modeling, ganyan, pero pagdating sa acting baka ayun yung hindi ko masabi," ani Glaiza.
