Dinepensahan ni Glaiza de Castro ang Irish husband niyang si David Rainey laban sa mga kumukuwestiyon sa katapatan nito sa pagsasama nila ng Kapuso actress.
Noong December 2025, naintriga si David matapos kumalat online ang isang video clip mula sa premiere night ng MMFF 2025 entry na UnMarry, na pinagbidahan nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo.
Read: REVIEW: UnMarry is mature, sensitive look at the end of love
Sa nasabing video, binigyang-malisya ng ilang netizens ang panay umanong pagsulyap ni David sa Kapamilya actress na si Maris Racal habang nasa entablado.

Nasa stage noon si Glaiza kasama ang kanyang asawa, na kapansin-pansing nakatingin kay Maris habang nagsasalita ito.

Dumalo sina Glaiza at David sa premiere night bilang suporta sa kanilang kaibigang si Angelica Panganiban.
Dahil dito, may ilang komento ang nagsabi na dapat umanong bantayan ni Glaiza ang kanyang asawa dahil may posibilidad daw itong mangaliwa.
GLAIZA SHARES STORY BEHIND VIRAL VIDEO CLIP
Sa pagbisita ni Glaiza, kasama ang Encantadia 2016 co-stars na sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia, at Sanya Lopez, sa Fast Talk with Boy Abunda noong Biyernes, February 6, 2026, hiningan siya ng reaksiyon ng host na si Boy Abunda tungkol sa viral video ni David.
Ayon sa aktres, ang una niyang ginawa matapos makita ang video ay ipakita ito sa kanyang mister.
Natatawang pag-alala ni Glaiza: "Ang first reaction ko, e, pinakita ko kay David.
"Sabi ko, 'You're trending.' Sabi niya, 'What? Bloody hell.' Gumanun lang siya."
Paliwanag ni Glaiza, hindi sanay sa public exposure ang kanyang non-showbiz husband kaya natural lamang umano ang naging kilos nito.
Saad niya: "Actually, hindi po talaga siya sanay sa public.
"It was so awkward kasi magkahawak po kami ng kamay habang papunta kami sa stage.
"So, ang iniisip ko, 'Ano ba? Sabihin ko ba sa kanya na pupunta muna ako sa stage, ako muna, tapos mag-wait ka na lang.'
"E, noong time na yon, parang wala na kong time mag-isip at mag-decide.
"So, isinama ko na lang siya sa stage kasi pumunta naman kami doon to support our friend, si Angelica.
"Tapos pinaakyat din si Maris, tapos nandoon din si Kean [Cipriano].
"So, siyempre ang tendency ni David, parang, 'Anong gagawin ko rito?'
"Hindi naman din po siya kinakausap, kumbaga, parang wala namang nagtanong sa kanya.
"Ang nagsalita lang nun, e, si Kean, ako, and si Maris.
"So, nung time na nagsasalita si Maris, of course, tumitingin siya kay Maris. So, iyon yung explanation."
GLAIZA REACTS TO COMMENTS ON DAVID’S ALLEGED INFIDELITY
Ibinahagi rin ni Glaiza na ikinagulat niya ang ilang negatibong komento na nabasa online tungkol sa kanyang asawa.
Ani Glaiza: "Dumating yung time na binabasa ko lahat ng comment... 'Oh my God, yung asawa mo Glaiza bantayan mo kasi may tendency siyang mag-cheat.'"
Read: Bong Revilla on malversation and graft cases: "Laban lang."
Sinabi raw niya ito sa kanyang ina at mga pamangkin, at hiningi ang kanilang payo.
"Sinabi ko talaga sa mga pamangkin ko, sa nanay ko, 'Nay, tingnan niyo oh, mayroong trending si David. Sasagutin ko ba na parang ang gagaling niyong mag-imbento,' ganun.
"Gusto ko na talagang sumagot. But I didn't kasi, especially, e, for David din, for David's sake.
"And sa mga pamangkin kong nagsasabi na 'Huwag na, Tita. Huwag na. Hayaan mo na yan,'" kuwento ni Glaiza.
Sa huli, nanindigan si Glaiza na wala silang problema ni David at masaya at matatag ang kanilang relasyon.
Read: Glaiza de Castro handa nang magka-baby sa asawang si David Rainey
