Wala na raw balak pumaimbulog muli sa pulitika ang asawa ni Korina Sanchez na si Mar Roxas.
Diretsong saad ni Korina: "Ayaw na niya, e. And I get it, you know.
"Inaalok nga maging talk show host, sabi ko, 'Tumigil ka. Naging presidential candidate ka na, huwag ka na mag-host-host ka ng programa diyan.'"
Si Mar ay tumakbo sa presidential election noong 2016, kung saan tinalo siya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Napabalita rin dati na may alok kay Mar na maging bahagi ng gabinete ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.
May katotohanan ba ito?
Ayon kay Korina: "Ang alam ko, may mga alok siya. Pero alam mo, pati ako hindi yan sinasabi sa akin.
"May mga alok siya pero alam ko ayaw na talaga niya."
Ayaw na ba ni Mar ng public service?
Saad ni Korina: "Gusto niya ng public service, but it has to be the right position.
"Maybe, I guess, the positions offered to him are 'been there, done that,' you know.
"So, siya naman, inaasahan din naman niya, tulad natin lahat, di ba? Gusto natin magtagumpay ang administrasyon."
Si Mar ay naging kongresista sa first district ng Capiz mula 1993 hanggang 2000.
Naupo siyang secretary ng Department of Trade and Industry mula 2000 hanggang 2003, at bilang senador noong 2004 hanggang 2010.
Read: Dimples Romana dodges questions on Bea Alonzo, Kathryn Bernardo
KORINA'S 2 SHOWS ON TV5: FACE TO FACE AND RATED KORINA
Dalawa na ang magiging programa ni Korina sa TV5.
Nauna na rito ang nagbabagong-bihis na Face to Face at ang Rated Korina na tatlumpung (30) taon na sa ere.
Sabi ng veteran broadcaster sa bagong yugto ng Face to Face: "Ngayon, bawas bakbakan na.
"More love. More yakapan. More kantahan. I'm really very inspired.
"Oo, every day, sabi ko, 'Parang ang ganda rin ng positive vibes, ano?'
"Kausap ko yung mga batang genius. And then, we talk about problems of mothers.
"And then we talk to mga celebrities. Ang dami naming mga tips for business.
"So, maraming natututunan at maraming inspirasyon na mapupulot."
Kasama ni Korina sa Face To Face ang co-hosts niyang sina radio and TV personality Laila Chikadora at content creator Cheena Crab, na may bansag na "Pera Godmother."

Magsisimula namang umere ang Rated Korina sa TV5 sa darating na Linggo, August 9.
Tatlong dekada na ang show niyang ito na nagsimula bilang Balitang K sa ABS-CBN.
"Oo, nagsimula po ako two years old lang," biro ni Korina.
Bawi niya, "Thirty years of telling ordinary stories dahil ang ginto talaga sa bawat istorya ng ordinaryong Pilipino is extraordinary.
"Napakaraming nakukuhang kuwento at habang may kuwentong Pinoy, nandiyan ang Rated Korina.
"From Balitang K. Huwag kayong magmaang-maangan, naabutan ninyo ang Balitang K.
"Balitang K to Rated K and now Rated Korina with TV5."
Read: Jeric Gonzales reacts to Rabiya Mateo-Jake Cuenca relationship
