PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ryza Cenon makes Kapuso comeback in Hari ng Tondo

Ryza Cenon returns to GMA-7 after nearly a decade away.
by Arniel C. Serato
Published 6 hours ago
Ryza Cenon says going bald before served its purpose
Actress Ryza Cenon says going bald in 2024 for the film Lilim has served its purpose: "Nag-enjoy naman po ako sa pagiging kalbo. At saka ang dami pong napuntuhan yung pagpakalbo ko noon, e. After pakalbo, nag semi-kalbo ako sa Lumuhod Ka Sa Lupa. And then after po, nag-military cut naman ako para sa... yung AFP [project] namin about sa Philippine Sea."
PHOTO/S: Arniel Serato / File

Balik sa kanyang original home network, GMA-7, ang aktres at Ultimate Female Survivor ng StarStruck Season 2 (2004) na si Ryza Cenon.

Kasama si Ryza sa cast ng upcoming action-drama na Hari ng Tondo na pagbibidahan nina Dennis Trillo at Ruru Madrid.

"Yes, after ten years," bungad ni Ryza nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa sideline ng Multi-Media Press Society (MMPress) block screening ng pelikulang Spider-Man Brand New Day sa VIP Theater ng Robinsons Magnolia noong August 7, 2026.

Dagdag niya, "After ten years... naging ano po [work] ako, ABS-CBN then TV5."

Umalis si Ryza sa bakuran ng GMA-7 noong 2018 kaya mahigit walong taon siyang hindi napanood dito.

Kumusta ang pagbabalik niya sa Kapuso network?

Nakangiting tugon ni Ryza, "Masaya. Parang ano lang, OG."

Nag-storycon na raw sila para sa Hari ng Tondo kung saan kontrabida ang role niya.

Okay lang ba sa kanya ang kontrabida roles?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot niya: "Okay lang naman. Basta may work, di ba? Oo, basta may work po.

"Okay lang naman po. Tsaka mas nag-e-enjoy po ako sa pagiging kontrabida po."

Tumatak nang husto sa mga manonood ang pagganap niya bilang kontrabidang si Georgia sa Kapuso afternoon drama series na Ika-6 Na Utos, na tumagal sa ere ng mahigit isang taon — mula December 5, 2016 hanggang March 17, 2018.

RYZA CENON STILL NEEDS TO OWRK

Biniro si Ryza kung bakit pa siya nagtatrabaho samantalang mayaman na siya. Ang ganda rin ng bahay na naipundar nila ng kanyang partner na si Miguel Antonio Cruz.

Reaksiyon niya: "Grabe naman yung mayaman! Sila Heart [Evangelista] nga nagtatrabaho, e, ako pa kaya.

"Si Kuya Dong [Dantes] nga nagtatrabaho, e. Kahit hindi na nila kailangan pero nagtatrabaho sila. Paano pa ako, di ba?"

Na-miss niyang magtrabaho?

Sagot ni Ryza: "Oo naman. Kasi siyempre hindi naman ako yung parang regular na mayroong work.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siyempre kailangan ko rin, may anak na ako, so kailangan din ako ng anak ko.

"At saka siyempre gusto ko rin ano, mabantayan yung paglaki niya kasi minsan lang silang magganyan kaliit.

"Pag lumaki na yan, hindi na yan magpapa-hug, hindi na magpapahalik yan.

"So, ngayon pa lang nilulubus-lubos ko na yun."

Read: Ryza Cenon, muling tumuntong sa GMA-7 makalipas ang pitong taon

RYZA CENON ON GOiNG BALD FOR A PROJECT

Naging usap-usapan noong 2024 ang pagpapakalbo ni Ryza para sa isang proyekto.

Matagal na raw itong nasa bucket list ng aktres.

At natupad ito nang tanggapin niya ang karakter ng madre sa Lilim, ang horror movie ng Studio Viva na mula sa direksiyon ni Mikhail Red.

Ryza Cenon in her bald look for the movie Lilim in 2024.
Ryza Cenon in her bald look for the movie Lilim in 2024.
Photo/s: Jojo Gabinete
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi niya: "Wala pong bayad yun. Alang-alang po yun sa character yun. Kahit hindi po ako lead doon pero kailangan.

"Parang kasi mas maganda po kasi kung kalbo talaga dahil medyo limited po yung galaw kasi makikita po yung lukot.

"Kasi kailangang kalbung-kalbo talaga, e."

Kahit masasabing sakripisyo, nagbunga naman daw ito dahil sunud-sunod ang proyekto niya na kailangang kalbo siya.

Aniya: "Nag-enjoy naman po ako sa pagiging kalbo.

"At saka ang dami pong napuntuhan yung pagpakalbo ko noon, e.

"After pakalbo, nag semi-kalbo ako sa Lumuhod Ka Sa Lupa [TV5, 2024-2025].

"And then after po, nag-military cut naman ako para sa... yung AFP [project] namin about sa Philippine Sea [Alon ng Kabayanihan, 2025].

"Every level ng hair ko meron [purpose]."

Ayon kay Ryza, baka sa Setyembre 2026 umere ang Hari ng Tondo sa GMA.

Read: Ara Mina reveals Rita Avila is her "first and last” female kiss

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Ryza Cenon says going bald in 2024 for the film Lilim has served its purpose: "Nag-enjoy naman po ako sa pagiging kalbo. At saka ang dami pong napuntuhan yung pagpakalbo ko noon, e. After pakalbo, nag semi-kalbo ako sa Lumuhod Ka Sa Lupa. And then after po, nag-military cut naman ako para sa... yung AFP [project] namin about sa Philippine Sea."
PHOTO/S: Arniel Serato / File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results