PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nikki Valdez recalls decision to separate from ex-husband

Nikki Valdez on failed marriage: “Huwag maging tanga sa pag-ibig."
by Rachelle Siazon
Published 10 hours ago
Nikki Valdez recalls separation from her first husband; says she's now happy with eight-year marriage
Nikki Valdez on decision to separate from her first husband: "Nagkaroon ako ng mas malinaw na desisyon because I didn't want to love my daughter noon na half-hearted or hindi ako buo. Kasi paano ko mamahalin yung anak ko ng buo kung basag ako, di ba? Or kung, kung wala ako sa sarili ko. So you can't give from an empty cup."
PHOTO/S: Rachelle Siazon

"Huwag maging tanga sa pag-ibig."

Ito ang diretsong payo ni Nikki Valdez tungkol sa pakikipagrelasyon nang humarap siya sa presscon para sa The Art of Breaking Up, ang upcoming play ng Teatro Kapamilya at PETA.

Malalim ang hugot ni Nikki na naranasan ang sakit ng hiwalayan nang tuldukan niya ang kanyang first marriage noong 2007.

Dalawang taon silang nagsama at nanirahan sa Canada ng kanyang first husband. Mayroon silang isang anak, si Olivia.

Taong 2011 nang sila ay opisyal na nadiborsyo.

Read: Nikki Valdez breaks down as she reveals real status of her marriage

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), binalikan ni Nikki ang yugtong iyon ng kanyang buhay.

"Naka-relate ba kayo doon?" napangiting saad niya tungkol sa panahong naging "tanga" siya sa pag-ibig.

"Based on my personal experience, there were times before na, kapag ka let's say break na kayo or parang on the verge of breaking up, it doesn't really get easy, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yung the more iniwasan mo yung tao, di ba, the more para kang tini-tease na... kaya hirap na hirap ka tuloy mag-move on.

"So I guess that's what I wanted to say din kanina na, huwag tayong masyadong maging tanga kasi nasabihan na ako ng ganun na, 'Nikki, alam mo hindi ka mabait, tanga ka.'"

Ang tinutumbok ni Nikki ay yung pagkakataong hindi pa niya agad napanindigan ang desisyong hiwalayan ang asawa.

"When I look back, yung, 'Oo nga ano.' And now, kaya ko nasi-share yun sa mga nakakabata sa akin, like, kung ano lang naman yung itinulong sa akin ng mga nakakatanda kong kaibigan noon para lang hindi na ako masyadong masaktan.

"So they would always tell me na, 'You know, when you're about to break up or during a breakup, it really gets harder because temptation is always there to...'

"Parang nililito ka ng sitwasyon, e, di ba? Yung parang binibigyan ka niya ng thoughts na, 'Tama ba ito?' May confusion, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Or baka mamaya, yung inaano ka niya para ma-miss mo yung tao. Pero gusto mo na talaga mag-move on.

"So, yun talaga payo ko, huwag tayong maging masyadong tanga."

Ano ba yung sukdulan ng pagiging tanga sa pag-ibig?

"Yung pag wala na yung respect," sagot ng 47-year-old actress.

"The love will always be there, I guess. There's all kinds of love naman.

"Pero pagka yung nawala na yung respeto ko sa kanya and vice versa or there's no respect left in the relationship, I think for me that's really the end of it all.

"Kasi pag wala ka nang respect, wala ka nang takot, di ba, sa pwede mong gawin. Kaya mo na lang siguro i-take for granted yung relationship ninyo. So, yeah."

Read: Nikki Valdez confesses being traumatized by her failed marriage

NIKKI VALDEZ ON WANTING TO BE WHOLE FOR HER CHILD

Tinanong din ng awtor na ito kung mahirap magdesisyon para sa kanya dahil hindi lang naman sila basta magkasintahan kundi mag-asawa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pagsang-ayon ni Nikki: "Yes, correct. Everybody knows naman that I came from a failed marriage.

"I guess the difference noon sa boyfriend lang at saka sa marriage, we have a child.

"So, I guess nagkaroon ako ng mas malinaw na desisyon because I didn't want to love my daughter noon na half-hearted or hindi ako buo.

"Kasi paano ko mamahalin yung anak ko nang buo kung basag ako, di ba? Or kung, kung wala ako sa sarili ko. So you can't give from an empty cup.

"So yung noon, when I was going through my divorce and my failed marriage, I turned my back and I never looked back kasi tinapangan ko yung loob ko na kahit alam kong hindi magiging madali.

"But, I guess it's also nice to have an inspiration, to have that goal why, why you have to go through this separation."

Ngayon ay 18 taong gulang na ang kanyang anak na si Olivia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At masasabi raw ni Nikki na hindi niya pinagsisisihan ang desisyon niya gaano man kahirap iyon.

"Alam mo, at one point tinanong ako ng anak ko rin, e, na bakit kami naghiwalay, yung sa first marriage.

"I really had to explain that to her. But, now that she's old enough to understand, she knows. She supports my decision."

Dagdag ng aktres: "E, tingnan mo naman, pag nag-total surrender ka and allowed yourself to go through the process of falling and failing and getting hurt, the healing will come.

"Siguro napatibay ka lang niya bilang isang tao.

"So now, when I surrendered everything and I told myself na I'm doing this not only for me but for my daughter, I was blessed with another with another relationship and a good one at that."

Read: Charo Santos recalls Mike de Leon's fiery temper in Kisapmata

NIKKI VALDEZ ON FINDING LOVE AGAIN

Taong 2014 nang maging magkasintahan sila ng non-showbiz husband niya ngayong si Luis Garcia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ikinasal sila sa Hong Kong noong August 2018.

"I'm happily married. This August, my husband and I, we're turning eight years sa marriage namin.

"I know there's a long, long way to go, but, there's this one...

"You know, kami ng asawa ko, may ugali kami ngayon na we forward each other yung how grateful we are for having him.

"Like ako, him as a husband, and then siya, me as his wife."

Dito raw natutunan ni Nikki ang tunay na pagmamahal.

"What's a secret daw to a long and happy marriage. There's no secret. It's just really choosing each other every single time.

"Kasi magbabago at magbabago ang isang tao and you're two individuals put together or nagpakasal, di ba?

"So marriage talaga or any relationship is a work in progress every single day.

"Di ba, you solve something today, tomorrow may bago na namang pagdadaanan."

Aminado si Nikki na hindi naman daw puwedeng puro saya lang sa marriage.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I always tell him this also, 'Sana pag dumating yung araw na magkaroon tayo ng mga hindi pagkakaunawaan...'

"Kasi, di ba, ang marriage umaabot yan sa point na yung you just get used to it, to what happens between the two of you.

"And I told him that, 'Sana pag dumating yung araw na yun, yung piliin pa rin natin na ayusin at mahalin ang isa't isa. Hindi yung napipilitan ka na lang kasi wala ka nang choice, di ba?'

"And that's what marriage is about. Yung it's really choosing each other."

Sabay diin din ni Nikki, "Wag lang yung intentional yung pananakit, di ba, in any form.

"Pero ako, ang challenges, ang struggles sa isang relationship, that's what makes you ano talaga, e, matibay."

Nikki Valdez with husband Luis and daughter Olivia
Nikki Valdez with husband Luis and daughter Olivia
Photo/s: @nikkivaldez_ Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Grace Poe recalls FPJ's ingenuity in the making of Panday movies

UPCOMING PLAY

Samantala, pinaghahandaan ngayon ni Nikki ang play na The Art of Breaking Up.

Makakasama niya rito sina Jake Cuenca, Brent Manalo, Janella Salvador, Carlitos Siguion-Reyna, Bibeth Orteza, Ruby Ruiz at iba pang artista.

Iikot ang play sa iba-ibang kuwento ng pag-ibig pero bawat karakter ay pagtatagpuin ng story arc nito.

"This is my first straight play. Last year, I did Next to Normal, which is a musical.

"This year, ito yung gagawin ko. Puro salita, puro emosyon. So it's a different kind of challenge na naman," ani Nikki.

Excited si Nikki sa pag-arte sa live theater dahil kita raw ang instant reaction ng audience.

"Kung anong makita ng audience mo, yun ang nilagay mong trabaho.

"Ang sarap sa pakiramdam nung nasa isang lugar lang kayo, at napi-feel niyo yung energy ng isa't isa as the performer and from the audience."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang The Art of Breaking Up ay base sa play na isinulat ng namayapang playwright na si George de Jesus. Ang direktor ay si Dudz Terana.

Ipapalabas ang The Art of Breaking Up sa PETA Theater Center simula November 6 hanggang December 6, 2026. Mabibili ang tickets sa TicketWorld.

Read: Gabby Lopez sells 25.7% Lopez Inc. stake to Ramon Ang for “family peace”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nikki Valdez on decision to separate from her first husband: "Nagkaroon ako ng mas malinaw na desisyon because I didn't want to love my daughter noon na half-hearted or hindi ako buo. Kasi paano ko mamahalin yung anak ko ng buo kung basag ako, di ba? Or kung, kung wala ako sa sarili ko. So you can't give from an empty cup."
PHOTO/S: Rachelle Siazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results