PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rita Gaviola calls out KoolPals over viral Badjao remarks

Rita: "...hindi niyo kami pinapalamon para bastusin niyo kami."
by Khryzztine Joy Baylon
Published A day ago
Rita Gaviola calls out KoolPals over viral Badjao remarks
Rita Gaviola (left) expresses anger over viral KoolPals comments about Badjao people: "Pare-parehas lang tayong mga Pilipino. Pare-parehas lang tayong mga tao, pero bakit sobrang liit ng tingin niyo sa aming mga katutubong Badjao na wala namang ginawang masama sa inyo."
PHOTO/S: Rita Gaviola/James Caraan on Facebook

Galit na galit ang dating Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Rita Gaviola, a.k.a Badjao Girl, nang maglabas siya ng saloobin tungkol sa isang viral clip mula sa podcast na KoolPals na tumalakay sa mga Badjao.

Noong August 10, 2026, sa Episode 1014 ng podcast, naging bisita ng mga host-comedian na sina Nonong Ballinan, James Caraan, Muman Reyes, at Ryes Rems si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon.

Isa sa pinag-usapan nila ang patuloy na pagbaha sa bansa, partikular na sa Metro Manila.

Dito ay nagtanong si Nonong tungkol sa matagal na raw niyang napapansin tuwing bumabaha sa Kamaynilaan.

Tanong niya kay Dizon, "Di ba lagi po tayong binabaha. Bakit wala pa po akong nakikita sa news na nasalantang Badjao?"

Imbes na sumagot agad, napakamot muna sa kanyang ulo si Dizon, sabay sagot na, "Sanay na. Sanay sa tubig."

Read: Jinggoy Estrada charged with plunder in flood control issue

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maaaring ang nais patungkulan ni Dizon ay ang karanasan ng mga katutubong Badjao sa kanilang komunidad.

Ang mga Badjao ay kabilang sa indigenous maritime ethnic group.

Kilala sila sa tradisyunal nilang pamumuhay na malapit sa dagat, kaya madalas silang tinatawag na "sea nomads” o “sea people.”

Sa Pilipinas, matatagpuan ang mga komunidad ng Badjao sa Mindanao at Sulu Archipelago, bagamat mayroon ding mga Badjao sa ibang bahagi ng bansa, lalo na sa Metro Manila.

Read: Badjao Floating integrated School, nagsimula sa isang balsa

Balik sa podcast, komento ni Nonong sa sagot ni Dizon: "Kasi, di ba, laging nasa streets sila palagi, pero wala pa akong nakita sa news."

Humirit naman ang isang kasamahang host ni Nonong na si Muman.

Sabi nito: "Kapag lumusong ka sa baha, puwedeng makatapak ka ng Badjao."

Dagdag naman ni James: "Nonong, kasi yung tambol nila, floating device din nila yon e."

Natatawag sagot dito ni Nonong: "Ganon pala yon. Kaya pala gawa sa PVC pipe."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Rita GAVIOLA fumes over KoolPals remarks about Badjao

Ang mga pahayag na ito nina Nonong ang dahilan ng galit ni Rita nang mag-upload siya ng video sa kanyang Facebook nitong Huwebes, August 13, 2026.

Ayon kay Rita, inis at galit ang kanyang naramdaman nang mapanood niya ang viral video.

Para sa kaniya, minaliit sa show ang mga Badjao na kagaya niya.

Read: Badjao Girl Rita Gaviola hits back at bashers telling her "bumalik ka sa pamamalimos."

Direkta rin niyang tinukoy si Nonong, na gaya niyang naging housemate sa PBB na pasimuno raw na gawing katatawanan ang mga katutubong Badjao.

Saad ni Rita sa video: "Grabe kayo sa mga Badjao, ha. Grabe yung gigil ko.

"Ang ini-name-drop ko rito, actually, PBB siya before. Grabe kung paano nila maliitin yung mga Badjao, kung paano nila maliitin yung mga katribo ko.

"Sila na nga yung may pinag-aralan pero nagiging b*bo sila sa sinasabi nila."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Idiniin din ni Rita ang naging biro ni Muman tungkol sa posibilidad na makatapak ng Badjao kapag lumusong sa baha.

Galit niyang pahayag: "Yung mga sinabi ng isang lalaki na kapag lumusong sa baha, e, puwede kang makatapak ng mga Badjao. Ano tingin niyo sa amin, mga basura?

"Nakakagigil! Wala kaming ginawa o ipinakitang masama sa inyo, tapos sasabihan niyo lang kami ng ganon.

"Pare-parehas lang tayong mga Pilipino. Pare-parehas lang tayong mga tao, pero bakit sobrang liit ng tingin niyo sa aming mga katutubong Badjao na wala namang ginawang masama sa inyo?

"Nakakagigil, nakakaiyak. Kasi wala naman kaming pinakitang [masama] tapos sasabihin niyo na puwede niyo kaming tapak-tapakan. Bakit, sino ba kayo?"

Pagpapatuloy pa ni Rita: "Unang-una sa lahat, hindi niyo kami pinapalamon para bastusin niyo kami.

"Kung bastos kayo sa mga katutubo, e, di sige, maging bastos na rin kami.

"Kayo yung nakapagtapos ng pag-aaral, kayo yung may pinag-aralan, pero yung utak niyo patapon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RITA CALLS OUT NONONG

Nagpatuloy rin si Rita sa pagkastigo kay Nonong.

Galit niyang sabi: "Shoutout sa yo, Nonong. PBB [housemate] ka before, pero sana bago ka magsalita ng mga ganyan, sana inisip mo muna.

"Ang utak mo pabaliktad, e. Nakakagigil, e, wala kaming ipinakitang masama tapos kung bara-barahin niyo kami, parang kilala niyo kami."

Si Nonong ay dating housemate sa Pinoy Big Brother: Lucky Season 7.

Nonong.
Nonong.
Photo/s: Noel Orsal
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi rin pinalampas ni Rita ang naging biro ni James tungkol sa tambol na madalas dalhin ng ilang Badjao habang namamalimos.

Lahad ni Rita: "May sinasabi pa na yung mga tambol namin kesyo floating. Anong gusto niyo, magnakaw kami?

"Aminado kami na nagmamalimos kami, pero ginagamit namin sa tama.

"At kung sino pa yung matatanda, sila pa yung pasimuno na magsalita ng mga ganyan.

"Kapag tulad niyan, may bagyo o anumang sakuna na dumarating, wala kaming natatanggap na tulong. Nagreklamo ba kami? Hindi.

"Binabastos niyo kami, hindi kami nagsasalita. Kung anu-anong content ang ginagawa niyo sa amin, hindi kami nagsasalita."

Dagdag pa niya, "Porke't mga Badjao, ginag*go niyo?"

Read: Rita Gaviola’s medical result shows “no discrete mass lesion” on her breasts

NETIZENS' REACTion

Samantala, iba-iba ang naging reaksiyon ng netizens sa video na ibinahagi ni Rita.

May ilang pumabor sa kanyang paninindigan, habang mayroon ding nagsabing hindi umano dapat seryosohin ang mga pahayag dahil kilala ang KoolPals bilang isang comedy podcast.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Komento ng isang netizen sa video na in-upload ni Rita (published as is): "Galit na galit. Ate, ikalma mo, comedy yung content nila, huwag mong sineseryoso."

Saad pa ng isa: "Kalma ka lang teh. Wala sa harap mo yung pinangigigilan mo. Tas i-inform ka lang namin na komedyante po yung mga kinokomentaryuhan niyo. Comedy show po ang meron sila."

Mayroon ding mga netizen na hindi sumang-ayon sa sinabi ni Rita na walang ginagawang masama ang kanyang mga katribo.

Sabi ng isa: "Hindi naman lahat kaparehas mo ng kapalaran, Miss Rita. Yung ibang kalahi or katribo mo are being aggressive to the point na halos saktan na ang ibang tao kapag hindi napagbibigyan.

"I have this multiple experience na once nabigyan ko yung isa, magugulat ako na iba naman yung nasa likod ko and hindi ako tinitigilan hangga't hindi ko nabibigyan lahat.

"So hindi mo masisisi ang ibang tao kung ganoon ang initial reaction nila sa mga katribo mo, lalo't hindi mo naman kilala lahat ng mga Badjao kung katulad mo sila ng pag-iisip o hindi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Just my opinion. No hate, just love."

Dagdag pa ng isa: "Since commuter din ako maraming beses na ako naka experience na nakakita ng pambabastos ng ibang Badjao, lalo na kapag hindi mo nabigyan nagagalit, sasabihan pa kayong, 'Mamatay na sana kayo.'

"Sana alamin din ni Ms. Rita lahat ng paguugali ng ibang Badjao.

"Hindi naman sa nilalahat ang Badjao na ganon.

"Walang masamang maging boses ka ng mga Badjao. Pero sana alamin mo rin yung mga bad experience ng ibang tao sa mga katribo mo."

WHO IS RITA GAVIOLA?

Nakilala si Rita nang mag-viral noon ang kanyang larawang namamalimos sa Pahiyas Festival sa Lucban, Quezon, noong 2016.

Badjao Girl, Rita Gaviola
Photo/s: Topher Quinto Burgos
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa parehong taon, napabilang siya bilang isa sa mga housemate ng Pinoy Big Brother 7 Teen Edition.

Kalaunan ay pinasok niya ang showbiz at pagiging social media influencer.

Sa ngayon ay kasal na si Rita sa kanyang non-showbiz boyfriend na siya ring ama ng kanyang mga anak.

Read: Ex-PBB housemate Rita Gaviola ties knot with non-showbiz fiancé

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rita Gaviola (left) expresses anger over viral KoolPals comments about Badjao people: "Pare-parehas lang tayong mga Pilipino. Pare-parehas lang tayong mga tao, pero bakit sobrang liit ng tingin niyo sa aming mga katutubong Badjao na wala namang ginawang masama sa inyo."
PHOTO/S: Rita Gaviola/James Caraan on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results