PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Awra: “Ang isang tao ay hindi dapat habambuhay na husgahan.”

Awra Briguela: "Oo, nagkamali ako. Nagkasala ako. Pero tao lang din ako."
by Arniel C. Serato
Published 1 Hour ago
Awra Briguela appeals for second chance amid bashing and hate comments
Awra Briguela appeals to netizens: "Naniniwala akong ang isang tao ay hindi dapat habambuhay na husgahan sa pinakamasama niyang nagawa, kundi sa kung paano siya bumangon, natuto, at nagbago pagkatapos nito."
PHOTO/S: Instagram

Matapos ang no-holds-barred interview ni Awra Briguela sa Fast Talk with Boy Abunda noong August 7, 2026, nagbahagi siya ng isang mahabang open letter sa Instagram kung saan inilahad niya ang kanyang saloobin.

Mabigat pa rin para sa tansgender woman na tila nakatatak na sa mga tao hanggang ngayon ang hindi pakikipagbugbugan niya sa isang bar sa Makati noong 2023.

Read: Awra Briguela bar brawl incident: A timeline

AWRA: "hindi naging madali ang lahat..."

Sa Instagram kinagabihan, naglabas ng saloobin niya si Awra tungkol umano sa pinagdaanan niya.

"Hindi ko ito alam kung paano sisimulan dahil hindi naging madali ang lahat ng pinagdaanan ko.

“Mahigit tatlong taon na ang lumipas, pero hanggang ngayon pakiramdam ko hindi n’yo pa rin ako pinapakawalan sa pagkakamaling nagawa ko noon.

“Alam kong hindi madaling makalimot, at lalong hindi madaling magpatawad.

“Pero maniwala kayo, hindi rin naging madali para sa akin na patawarin ang sarili ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inalala rin ni Awra ang edad niya noong nasangkot siya sa gulo kung saan tila naging mapusok siya at hindi tama ang naging desisyon.

"Sa totoo lang, 19 years old lang ako noong nangyari ang lahat ng iyon.

"Hindi ko sinasabi ito para gawing dahilan ang edad ko para takasan ang responsibilidad ko.

"Sinasabi ko dahil bata pa ako noon, marami pa akong hindi alam, marami pa akong marami pa akong maling desisyon, at marami pa akong kailangang matutunan sa buhay.

"Isa iyon sa pinakamabigat na leksyon na natanggap ko."

Awra 1
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Miss Earth Indonesia 2025 Putri Andriani Juficha dies at 25

AWRA on physical injuries case

Nahaharap si Awra sa physical injuries case noon dahil sa bar brawl incident sa Makati.

Isang taon daw ang itinakbo ng kaso bago ito na-dismiss ng judge.

"Sa halos isang taon na hinarap ko ang kaso hanggang sa tuluyan itong ma-dismiss, marami akong natutunan.

"Natutunan kong tanggapin ang pagkakamali ko, patawarin ang sarili ko, at humingi ng tawad sa lahat ng taong nasaktan at nadismaya ko—lalo na sa mga taong direktang naapektuhan ng nangyari.

"Hinarap ko ang lahat kahit napakahirap. Inamin ko ang pagkakamali ko at ginawa ko ang responsibilidad kong humingi ng tawad.

"Kaya hanggang ngayon, hindi ko maintindihan kung bakit parang habang-buhay na lang akong ikukulong sa isang pagkakamaling matagal ko nang inako.

"Oo, nagkamali ako. Nagkasala ako. Pero tao lang din ako. Nagkakamali ang tao, at naniniwala akong may karapatan din itong matuto at magbago."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Awra 2

Marami faw siyang leksiyong natutunan dahil sa pangyayari.

"Sobrang dami kong natutunan sa nangyari. Napakaraming leksyon ang iniwan sa akin ng pagkakamaling iyon.

"Natutunan kong huwag ikulong ang sarili ko pagkakamaling nagawa ko dahil hindi iyon ang buong pagkatao ko.

"Ang pagkakamali ay dapat magsilbing gabay at aral, hindi habambuhay na pagkakakilanlan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Naniniwala rin ako na ang tunay na pagsisisi ay hindi lang nasusukat paghingi ng tawad. Nasusukat ito sa pagbabago.

"Kapag totoong nagsisi ka, sisikapin mong huwag nang maulit ang pagkakamaling iyon.

"At sa loob ng mahigit tatlong taon, ginawa ko ang lahat para patunayan iyon."

Awra Briguela 3

Read: Cinemalaya 2026 box-office ranking

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

AWRA ON PRONOUNS, BRONNY JAMES

Ang pagbabalik sa pag-aaral daw ang naging sandalan ni Awra para unti-unting bumangon sa kontrobersiyang kinaharap.

Pero labis daw siyang nasaktan dahil imbes na ang pagtatapos niya ng pag-aaral sa high school ang pag-usapan sa kanya, sumentro raw ang mga tao sa pronouns niya.

Isama pa raw tito ang pagtawag sa kanyang "Bronny James" o ang paghahalintulad sa kanya kay LeBron Raymone "Bronny" James Jr., isang professional basketball player na naglalaro para sa Los Angeles Lakers ng NBA.

Siya ay anak ng basketball superstar na si LeBron James.

"Mahigit isang taon ang ginugol para unti-unting makabangon. Isa sa pinakamalaking hakbang na ginawa ko ang bumalik sa pag-aaral para bumawi sa sarili ay at ko ayusin ang buhay ko.

"Pero kahit ang pag-graduate kong Senior High School, may nasabi pa rin kayo.

"Hindi ninyo narinig ang kahit isang salita mula sa akin kahit sobrang nasaktan ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sa halip na maging masaya kayo para sa naabot ko, mas naging usapan pa ang pronouns ko-kung 'Sir' ba ako o 'he/him.'

"Isama n'yo na rin ang pagtawag n'yo ng 'Bronny James' at kung anu-ano pang pangalan.

"Ang masakit, noong una, ang intensyon ko lang naman ay magpasaya ng tao. Pero ang bagay na minsang naging dahilan ng saya ng iba, ginawa n'yong paraan para bastusin at saktan ako."

Awra 4
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sa totoo lang, wala naman akong pakialam kung ano ang itawag n'yo sa akin.

"Hindi ko kailanman ipinilit sa kahit sino kung paano n'yo ako dapat tawagin o kung paano n'yo ako dapat tingnan.

"Tanggap ako ng pamilya ko, tanggap ko ang sarili ko, at para sa akin, sapat na iyon.

"Kaya ipinagpatuloy ko lang ang pagiging totoo sa sarili ko at ang pagtutok sa pag-aaral.

"Hanggang sa dumating ang taong ito, sinabi ko sa sarili ko na hindi na ito ang taon na mananahimik lang ako habang araw-araw akong binu-bully.

"Hindi ko na rin maintindihan kung saan nanggagaling ang sobrang galit ng ibang tao sa akin."

Awra 5
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Heart Evangelista gets candid about “hindi ko ma-take” influencer

"NAPAGDESISYUNAN KONG MAGSALITA."

Ilang taon daw nanahimik si Awra sa kabila ng pambabastos at panghuhusga sa kanya.

Pero, napagdesisyunan na niyang magsasalita ngayong taon.

"Sa loob ng ilang taon, pinili kong manahimik. Hindi ko pinatulan ang masasakit na salita, ang pambabastos, at ang panghuhusga.

"Pero ngayong taon, napagdesisyunan kong magsalita. Sinabi ko sa sarili ko na panahon na para tumayo para sa sarili ko.

"Hindi lang dahil pagod na akong manahimik, kundi dahil pagod na rin akong panoorin na ibang tao pa ang laging nagtatanggol para sa akin.

"Doon nagsimula ang routine ko. Kapag may oras ako, sumasagot ako sa mga basher. May mga bina-block ako.

"At sa dami ng natatanggap kong pambabatikos araw-araw, kahit wala naman akong ginagawa, unti-unti akong nagkaroon ng trauma response."

Awra 6
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Heroes star Hayden Panettiere dies at 36

"kailangan kong maging matapang para sa sa sarili ko."

Dumating na raw ang pagkakataong hindi na maintindihan ni Awra kung ang mga nababasa ba niya ay pag-atake sa kanya o pagdepensa.

Minsan, napanghihinaan na raw siya.

Kailangan daw niyang maglabas ng saloobin dahil napagod na siya at muntink nang sumuko.

"Dumating sa punto na halos lahat ng nababasa ko, iniisip kong pag-atake na agad sa akin.

"Dahil sa sobrang dami ng natanggap kong panghahamak sa loob ng maraming taon, naging automatic na ang depensa ko.

"May mga pagkakataong bumababa ang kakayahan kong umintindi dahil mas na nangingibabaw agad ang pakiramdam kailangan kong protektahan ang sarili ko.

"Nasasabi ko ang lahat ng ito dahil kailangan kong maging matapang para sa sa sarili ko. Kailangan kong aminin inyo na napapagod na rin ako.

"Maraming beses na akong umabot sa puntong gusto ko nang sumuko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Awra 7

Sa huli, sinabi ni Awra na tao lang siya at labis na nasasaktan sa mga pangyayari.

Ang hinihiling lang daw niya ngayon ay pang-unawa para magpatuloy sa napili niyang buhay.

"Ayokong magsinungaling at sabihin na malakas ako sa lahat ng oras.

"Ayokong magpanggap na kaya ko pa ang lahat. Kasi ang totoo, sukong-suko na rin ako minsan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nakakapagod na kahit anong gawin kong tama, may masasabi at masasabi pa rin ang iba.

"Kahit anong pilit kong bumangon, pakiramdam ko lagi pa ring may magpapaalala sa akin ng pinakamasakit na bahagi ng buhay ko.

"Hindi ko hinihingi na kalimutan n'yo ang nangyari. Hindi ko rin hinihingi na sang-ayunan n'yo ako.

"Ang na ay hinihiling ko lang sana bigyan n'yo rin ako ng pagkakataong patuloy na ipakita ang taong pinili kong maging pagkatapos ng lahat ng iyon.

"Dahil naniniwala akong ang isang tao ay hindi dapat habambuhay na husgahan sa pinakamasama niyang nagawa, kundi sa kung paano siya bumangon, natuto, at nagbago pagkatapos nito."

Awra 8
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: ABS-CBN Broadcasting Center's main gate permanently closed

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Awra Briguela appeals to netizens: "Naniniwala akong ang isang tao ay hindi dapat habambuhay na husgahan sa pinakamasama niyang nagawa, kundi sa kung paano siya bumangon, natuto, at nagbago pagkatapos nito."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results