Magbabalik na sa ere ang talk show ni Vice Ganda na Gandang Gabi Vice smula sa darating na Setyembre 2026.
Ngunit hindi sa Kapamilya Channel ito mapapanood, kundi sa GMA-7 na.
Sa ulat ni Nelson Canlas ng 24 Oras ngayong Huwebes, August 20, 2026, sinabi ni Vice na super excited siya sa panibagong collaboration na ito ng GMA-7 at ng kanyang home network, ang ABS-CBN.
Saad ng Unkabogable Superstar: "Super, super excited. Dinasal ko to, e. Winish ko.
"When I had the chance to talk to both Ma'am Annette [Gozon-Valdes] and the ABS management, tinanong nila, 'Anong gusto mong show ba?
"Nung meeting ko with GMA, sinabi ko, 'GGV ang gusto ko.'"
Mga bagong episode ang mapapanood sa show simula sa susunod na buwan.
Mas lalawak din daw ang viewership nito dahil bukod sa mga Kapamilya, sakop na rin nito ang Kapuso viewers.
Makakapanayam na rin ni Vice ang GMA stars na hindi naigi-guest dati sa kanyang programa.
Dagdag ni Vice, "Yung pinaka naka-excite, yung mga Kapuso stars na gusto kong interbyuhin at makasama sa show ko, posibleng-posible na.
"Tapos marami rin akong mga GMA stars na nakakausap na gusto rin nilang magkaroon ng GGV experience.
"So ito na, hindi na siya imposible, mangyayari na siya."

Sinu-sino ang Kapuso stars na nais niyang ma-interview sa show?
"Madami, e, siyempre meron akong wish list na Michael V. Si Michael V. lagi kong nasa listahan yan, e.
"Si Marian [Rivera], si Dingdong [Dantes] kasi na-experience ko na sa GGV, naka-twice na ata siya.
"Sila Alden [Richards], yung maraming sikat na Kapuso stars."
Read: Kean Cipriano breaks silence on MRLD, Arthur Nery controversies
VICE on doing GGV: "Ito yung pagod na gusto ko."
Looking forward si Vice sa pagbabalik ng Gandang Gabi Vice.
Sabi niya, "Tumaas ulit yung energy ko, gusto kong mapagod ulit dito sa GGV. Ito yung pagod na gusto ko.
"Nanggigigil ako, kinakati ako, kinikilig ako. Ang ganda ng nararamdaman ko ngayon."
Nagsimula ang GGV noong 2011 sa ABS-CBN.
Pagkatapos ng siyam na taon, March 2020, nahinto ito sa ere dahil sa COVID-19 pandemic.
Mapapanood din ang GGV sa iWant.
Read: Mekayla Li dethroned as Miss Grand USA 2026
