PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gela Atayde hard-launches relationship with Zaijian Jaranilla?

Gela Atayde and Zaijian Jaranilla are now Instagram official.
by Arniel C. Serato
Published 17 hours ago
Gela Atayde posts thrilling birthday message for rumored boyfriend Zaijian Jaranilla
Gela Atayde’s sweet birthday message for Zaijian Jaranilla sparks hard-launch speculation after the rumored couple was spotted holding hands at a Mandaluyong mall.
PHOTO/S: Instagram / Gorgy Rula

Ayon sa netizens, mukhang hard-launch ng kanilang relasyon ang ginawang birthday message ni Gela Atayde, 24, para kay Zaijian Jaranilla.

Sa ika-25 kaarawan ng dating child star kahapon, August 23, binati siya ng rumored girlfriend na si Gela sa Instagram.

Kalakip ng dalawang larawan, nag-post si Gela ng nakakakilig na mensahe para kay Zaijian, na tinawag niyang "Sungit."

Mensahe ni Gela, na may kasamang star at heart emojis: "hbd to my idol since ‘09 Love you, sungit"

Read: Shirley Kuan resigns as Bea Alonzo’s manager after six years

gela-zaijian spotted holding hands

Noong August 14, spotted ni Gorgy Rula ng PEP Troika sina Zaijian at Gela sa Shangri-La Mall na magka-holding hands habang nasa isang restaurant.

Ni-record ito ni Gorgy habang nasa escalator.

Noong papalapit na siya sa kinaroroonan ng dalawa, nagtakip ng bibig si Zaijian na umaktong naghihikab.

Gela Atayde, Zaijian Jaranilla spotted holding hands at Shangri-La Mall in Mandaluyong.
Gela Atayde, Zaijian Jaranilla spotted holding hands at Shangri-La Mall in Mandaluyong.
Photo/s: Gorgy Rula
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Caption sa post: "Hmmm may ka holding hands si Santino #ZaijanJaranilla #GelaAtayde #Cinemalaya22"

Read: Miss Universe Thailand 2026 names Catriona Gray her inspiration

GELA ATAYDE-ZAIJIAN JARANILLA RUMORED RELATIONSHIP

July 2025 pa hinihinalang may relasyon sina Gela at Zaijian.

Ito ay matapos mag-post ni Gela sa TikTok ng isang video niya kasama ang isang lalaki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi kita ang buong mukha ng kanyang kasama, ngunit may ilang clips mula sa video na kita ang mahigit kalahating mukha na kahawig ni Zaijian.

Sabi sa makahulugang caption ni Gela: “Soft love, safe arms, zero doubts. I got the best one. He makes me laugh ’til I cry, not cry ’til I have to laugh.”

Sa media conference at special screening ng Prime Video series na The Silent Noise noong March 10, 2026, natanong si Gela kung may “nagpapa-blooming” sa kanya.

Nakangiting sagot ng dalaga, “Siguro po.”

Sundot na tanong sa kanya, “In love ka na ba?”

Bakas sa mukha ng anak ni Sylvia Sanchez ang hiya nang sagutin niya ito ng, “Opo.”

Bagamat hindi pinangalanan ni Gela kung sino ang lalaking nagpapasaya sa kanya, inilarawan niyang nasa showbiz ito at kagaya rin niyang artista.

Saad niya, “Yes po. I think it’s not something I’m hiding naman po.

“Medyo matagal na rin po [kami]. I mean, recent but not too long.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Is Zaijian Jaranilla the guy Gela Atayde is in love with?

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gela Atayde’s sweet birthday message for Zaijian Jaranilla sparks hard-launch speculation after the rumored couple was spotted holding hands at a Mandaluyong mall.
PHOTO/S: Instagram / Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results