Batikos ang inabot ni Ronnie Alonte sa bashers na naglipana sa kanyang Instagram account.
Taliwas daw kasi sa kanyang pasasalamat sa suporta ng Pinoy sa kanilang grupo ang nangyari sa katatapos lamang na Star Magic All-Star Games 2026.
Naganap ang friendly basketball game sa pagitan ng Team Star Magic Shooting Stars at Team GMMTV Thailand sa Mall of Asia (MOA) Arena noong August 23, 2026.
Kabilang si Ronnie sa Team Star Magic Shooting Stars, kasama sina Gerald Anderson, JM Ibarra, Emilio Daez, River Joseph, Jeremiah Lisbo, Ashton Salvador, Argel Saycon, Elyson de Dios, Young JV, at Tristan Ramirez.
Naglaro naman para sa Team GMMTV Thailand sina Joss Way-ar, Gawin Caskey, Neo Trai, Ryu Phudtripart, Aston Luengvoraphan, Marc Natarit, Ping Krittanun, Teshow Promsaka Na Sakolnakorn, AJ at JJ Jutamas.
Sila ang mga pangunahing bituin sa mga BL series na ipinapalabas sa Thai local channel na GMMTV.
Tinalo ng Team Star Magic ang Team GMMTV sa score na 68-43.
Read: Dolly Parton’s cause of death revealed
RONNIE alonte: "Maraming salamat grabeng pagmamahal sa min..."
Sa Instagram nitong nakaraang August 24, nagbahagi si Ronnie ng ilang larawang kuha sa Star Magic All-Star Games.
Kasama na rito ang medalyang natanggap niya bilang bahagi ng Mythical Five.

Caption ni Ronnie sa kanyang post: "Maraming salamat grabeng pag mamahal samin mga kabayan! solid niyo! labyu all! [heart heands emoji]"
View this post on Instagram
Sa comments section, sa halip na suporta ay batikos ang tinanggap niya mula sa ilang netizens.
Komento ng isa: "Lols Pinoy audience sa arena and Team Bahay were supporting team Gmmtv Thailand kaya. Walang pinoy na nag support sa inyo. Lols"
Biro na lamang ni Ronnie: "sana pina tv patrol mo koya homer."

Sabi ng isa pa: "walang nagmamahal sa mga taong cheater na maasim na Amoy putok"
Pabirong sagot muli ni Ronnie: "love mko naka follow ka e."

May ilan namang nagtanggol kay Ronnie, na inakusahan ng ilan na nanulak umano ng kalabang player.
Ayon sa isang komento (published as is): "Basket ball yan hindi maiiwasan mag kasakitan galit na galit kayo sa mga kapwa nyo pinoy dapat hindi basket ball nilaro nila kung ayaw nyong masaktan dapat barbie barbiehan. suri na agad sa mga BL THAI FANs dyan."

Dagdag ng isa pa: "kht sabihing friendly game part n tlga ng basketball ang physical, sikuhan tulakan balyahan. ..kya nga larong panlalaki yun..mahirap bang intindihin yun"

Nauna na ring binatikos ng ilang netizens si Fyang Smith dahil sa viral videos kung saan prinangka niya ang mga Pinoy fans na tumili at hayagang sinuportahan ang Team GMMTV.
Read: Fyang faces backlash over “ang kakapal ng mukha niyo” remarks
