Nabigla ang maraming netizens sa Instagram post ni Matteo Guidicelli ngayong Huwebes, Agosto 27, 2026, kung saan tila nagpa-ultrasound ang actor-TV host.
Sa unang bahagi ng 12-second Intagram Reel, makikita ang screen ng ultrasound machine.
Sa next scene ay makikitang si Matteo ang nakahiga sa hospital bed na inu-ultrasound.
Kapag izinoom ang ultrasound screen, makikitang pangalan ni Matteo ang nakalagay na nagpapatunay na siya nga ang inu-ultrasound.

Ang caption ni Matteo ay tungkol sa kanyang online show.
View this post on Instagram
Read: Niño Muhlach visits Antipolo crash victim to personally apologize
NETIZENS REACT TO MATTEO'S POST
Maraming netizens ang tila na-prank sa post na ito ni Matteo.
Akala raw kasi nila ay ang misis ni Matteo na si Sarah Geronimo ang inu-ultrasound, lalo pa't usap-usapang nagdadalantao na umano ang singer-actress.
Komento ng isang netizen: "Hahahahahahahah potek naisigaw ko pa buntis si Sarah G dito sa office, tapos biglang lumabas si Mateo hahaha"

Sabi ng isa pa: "feeling ko preggy na si sarah. kasi di naman nila papaglaruan ang feelings natin hahaha!"

Napamura pa ang isa: "Tang*na akala ko buntis na si Sarah hayup hahahahaha"

Ang iba pa ay muntik na raw sumigaw dahil sa excitement na buntis na ang kanilang idolong si Sarah.


Read: Thai actors call Team Star Magic "very handsome... and buff"
MATTEO'S BIRTHDAY GREETING SPARKS PREGNANCY RUMOR
Anim na taon nang kasal sina Matteo at Sarah.
Ikinasal sila noong February 20, 2020 sa isang private ceremony sa Taguig.
Sa ika-38 kaarawan ni Sarah noong July 25, binati ni Matteo ang asawa at sinabihang ito ang kanilang "best year."
Aniya, "Happy birthday my love! This will be the best year ever [heart emoji]."
Doon na naghinala ang maraming neatizens na baka ito na ang taong magiging kumpleto na ang pamilya nila.
Read: Fans read into Matteo’s birthday message; Is Sarah pregnant?
