Nagkaayos na ba ang aktres na si Claudine Barretto at ang hard-hitting broadcaster na si Mon Tulfo?
Muling naging usap-usapan ang pangalan nina Claudine at Mon matapos ang social media exchange ng aktres at ng anak ni Mon na si Ramon "Bon" Tulfo III.
Noong gabi ng Agosto 27, 2026, nag-repost si Claudine sa Facebook ng isang ulat tungkol sa pagkikita nila ng bunsong anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Kitty Duterte sa Davao City.
Mababasa sa naturang post ang reaksiyon ng manunulat na si Krizette Chu sa pagkikita nina Claudine at Kitty.
Dagdag pa sa ulat: "Sa kanyang Instagram post, tinawag na 'pretty little baby sister' ni Barretto si Duterte at nagpasalamat sa hapunan na inihanda ng dating presidential daughter.
"Ayon kay Chu ay wala na silang problema kung mapunta sa kabilang kampo ang mga Tulfo dahil sa nasa kanilang panig na si Barretto.
"Matatandaang naging malaking isyu noon ang naging engkwentro sa pagitan ng kolumnista na si Ramon Tulfo at ni Barretto kasama na si Raymart Santiago noong 2012 na nakuhanan ng footage."
Read: Janus del Prado urges public to hear Bea Alonzo’s side first’
CLAUDINE BARRETTO TAGS MON TULFO'S SON IN REPOST
Mas naging kapansin-pansin ang repost dahil sa caption na inilagay mismo ni Claudine.
Itinag niya rito si Bon at tinukoy ang kanilang malalim na pagkakaibigan.
Mensahe ng aktres: "Ramon Tulfo III Bro di pa rin tayo tinitigilan.di nila alam malalim friendship natin bro"

Agad namang nagkomento si Bon at tila nagbiro tungkol sa mga taong patuloy na pinag-uusapan ang kanilang pagkakaibigan.
"Tawanan mo lang sila Kapatid na Claudine!"
Hindi naman nagpahuli si Claudine sa pagsagot.
"Ramon Tulfo III Ano pa nga ba Kapatid. Mahal kita bro," tugon ng aktres.

Dahil dito, may isang netizen na nagkomento na tila nagkaayos na sina Claudine at Mon at hindi na dapat idamay ang aktres sa anumang usaping pulitikal.
Sabi nito: "OK NA CNA Claudine Barretto AT MON, NAGKAINTINDIHAN AT OBVIOUSLY NAGKAPATAWARAN NA, WAG NA NATEN CLA ISALI SA GULO NG POLITIKA"

Gayunman, base sa kanilang palitan, si Bon Tulfo ang direktang kausap at tinatawag ni Claudine na “kapatid,” kaya hindi malinaw kung nangangahulugan itong nagkaroon na rin ng pagkakaayos sa pagitan niya at ng ama ni Bon na si Mon.
Read: Edu Manzano, 70, proves age is no limit as he stars in 3 TV shows
CLAUDINE-RAYMART-MON AIRPORT INCIDENT
Ang pangalan nina Claudine at Mon ay matagal nang nauugnay sa isang kontrobersiyang naganap sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Mayo 6, 2012.
Mahigit 14 taon na ang nakalilipas nang magkaroon ng kaguluhan sa pagitan nina Mon, Claudine, at ng estranged husband ng aktres na si Raymart Santiago.
Ayon sa eyewitness, nakita ni Raymart na kinukunan ni Mon ng video sa pamamagitan ng cellphone camera ang pagwawala ni Claudine.
Ito raw ang pinagsimulan ng gulo.
Sa panayam ng dzMM kay Mon, sinabi nitong awang-awa siya sa ground steward na tinalakan daw ni Claudine.
Sa hiwalay na interview naman ng dzIQ kay Tulfo, sinabi nitong pilit daw kinukuha ni Raymart at ng mga kasama nito ang kanyang cellphone.
Nauwi ito sa palitan ng mga suntok.
Namula ang mga mata at namaga ang mukha ni Tulfo dahil sa mga suntok na natamo niya mula sa mag-asawa.

Nadamay rin sa gulo ang mga kapatid ni Mon na sina Erwin, Ben, at Raffy dahil sa hayagang pagkampi ng mga ito sa kanilang kuya at ang pagbabanta ng mga ito sa mag-asawa sa kanilang TV5 program na T3.
Dahil sa insidente ay nagsampa ng kaliwa’t kanang reklamo ang magkabilang partido.
