PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jackie Gonzaga mourns death of her mother, Luisa

Jackie Gonzaga's It's Showtime co-hosts offer prayers and condolences.
by Khryzztine Joy Baylon
Published 6 days ago
Jackie Gonzaga grieves death of her mother, Luisa
Jackie Gonzaga (right) to her late mother, Luisa Gonzaga (left): "Mahal na mahal kita ng sobra sobra mommy ko!! I love you forever!!!!"
PHOTO/S: Jackie Gonzaga on Instagram

Nagluluksa ang It's Showtime co-host na si Jackie Gonzaga dahil sa pagpanaw ng kanyang inang si Luisa Gonzaga.

Sa Instagram nitong Miyerkules, September 2, 2026, nag-post si Jackie ng mga larawan at video nila ng kanyang pinakamamahal na Mommy Luisa.

Makikita sa mga video na karamihan sa mga ito ay kuha sa ospital, kung saan naka-confine ang kanyang ina.

Jackie Gonzaga grieves death of her mother Luisa
Photo/s: Jackie Gonzaga on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Jackie Gonzaga grieves death of her mother Luisa
Photo/s: Jackie Gonzaga on Instagram

Sa caption ng post, inihayag ni Jackie ang kanyang pagmamahal at pagpupugay sa yumaong ina.

Saad niya sa caption (published as is), "Pinakamatatag. Pinakamaganda. Pinaka-mapagmahal.

"Mahal na mahal kita ng sobra sobra mommy ko!! I love you forever!!!!"

Habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na detalye si Jackie tungkol sa dahilan ng pagpanaw ng kanyang ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Condolences and prayers for JACKIE’s family

Nagpaabot ng panalangin at pakikiramay ang ilang kaibigan at kasamahan ni Jackie sa It's Showtime.

Komento ni Anne Curtis, "My heart breaks with yours. Big hug @jackiegirlg."

Saad ni Vhong Navarro, "Pls be strong, Jackie!"

Mensahe naman ni Ogie Alcasid, "Nakikiramay, Jackie….Yakap na mahigpit."

Read: Jackie Gonzaga quashes pregnancy rumor with Ion Perez

"Jackie, I’m so sorry. Nandito lang ako if you need anything. Let me know anytime. Love you! Sending you a big hug. Praying for Tita and your family,” sabi ni Ryan Bang.

"Mahigpit na yakap, Jackie! Pls be strong. We mourn with you right now. Mommy will surely be missed," dagdag ni Teddy Corpuz.

Read: Ryan Bang gets emotional recalling memories with Yeng Constantino

Sina Amy Perez, Lassy Marquez, at Jugs Jugueta ay inalala rin ang kabutihang ginawa at naibigay sa kanila ng ina ni Jackie.

Pahayag ni Amy, "Salamat ng marami Mommy ma miss ko ang pasalubong mo na avocado. Love you!"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Saad naman ni Jugs: "Yakap para sa buong pamilya. Aalagaan ko ang mga patani na bigay sa akin ni Mommy.

"Madalas kaming magkatabi ni Mommy sa upuan tuwing nasa studio siya ng It's Showtime. Tapos tawa lang siya nang tawa sa akin tuwing kakuwentuhan niya ako.

"At tuwing may magandang nangyayari sa buhay ko, isa siya sa mga masaya para sa akin.

"Tapos lagi niya akong sinasabihan tungkol sa health na magpahinga naman daw ako kapag may time.

"Mamimiss kita, Mommy. Salamat, Mommy, sa memories at kahit papaano ay minsan napatawa at napasaya kita.

"Condolences, Jackie, and sa family mo. Nakikiramay ako,” ani Lassy.

Read: Former Sampaguita star Jean Lopez dies at 86

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jackie Gonzaga (right) to her late mother, Luisa Gonzaga (left): "Mahal na mahal kita ng sobra sobra mommy ko!! I love you forever!!!!"
PHOTO/S: Jackie Gonzaga on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results