PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ryan Bang gets emotional recalling memories with Yeng Constantino

Ryan Bang: "Nag-flashback sa akin lahat ng memories."
by Khryzztine Joy Baylon
Published 2 days ago
Ryan Bang gets emotional recalling memories with Yeng Constantino
Ryan Bang breaks down while recalling his sweet memories with Yeng Constantino and opening up about finding love again after his breakup.
PHOTO/S: ABS-CBN Entertainment on YouTube

Hindi napigilang maging emosyonal ng TV host-comedian na si Ryan Bang nang balikan niya ang mga alaala nila ng OPM singer na si Yeng Constantino.

Nangyari ito sa isang segment ng It's Showtime nitong Miyerkules, September 2, 2026, nang kumustahin siya ni Vice Ganda matapos mag-trending sa social media ang mga video at larawan nila mula sa concert ni Yeng noong August 29.

Sa nasabing concert, naging bukas si Yeng tungkol sa nakaraan nila ni Ryan noong 2010.

Pag-amin ni Yeng, crush na crush niya noon si Ryan, kaya naman ganoon na lamang daw ang saya at kilig niya tuwing inaaya siya ng It's Showtime co-host na lumabas para kumain, magkape, o magsimba.

Ngunit sa hindi malamang dahilan noon ni Yeng, bigla na lamang daw siyang si-neen zone ni Ryan.

Ito raw ang naging dahilan kung bakit natigil ang noo'y panliligaw sa kanya ng South Korean comedian.

Read: Yeng Constantino reveals Ryan Bang ghosted her; Heart Evangelista, Vice Ganda snub each other?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngunit sa kabila ng kanilang nakaraan, masaya raw si Yeng na nanatili silang magkaibigan ni Ryan.

Bilang patunay, bumaba pa sa entablado si Yeng upang puntahan si Ryan at alayan ito ng kanyang kantang "Sabihin Mo Na."

Ryan Bang gets emotional recalling memories with Yeng Constantino
Photo/s: Cornerstone Entertainment on TikTok
Ryan Bang gets emotional recalling memories with Yeng Constantino
Photo/s: Cornerstone Entertainment on TikTok
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ryan turns emotional after Yeng's concert

Muling naungkat ang mga tagpong ito sa It's Showtime nitong September 2, nang kumustahin ni Vice Ganda si Ryan.

Pahayag ni Vice: "Laman ka ng balita lately ha. Sa TikTok, mukha mo. Sa Facebook, mukha mo. Sa Instagram, mukha mo.

"Kumusta, bakit parang sikat na sikat ka ngayon?

"Pero alam mo, ang common na nababasa ko sa comments section ay ang pogi ni Ryan Bang.

"Nag-bloom ka raw. Napapansin mo ba sa salamin ang mukha mo?"

Nakangiting sagot ng anak-anakan niyang si Ryan, "Hindi, Mommy.

"Pero siguro nag-mature lang kasi nakikita nila ako simula noong 18 years old ako noong lumalabas kami ni Yeng… nagdi-dinner kami, nagkakape, ganon."

Ryan Bang gets emotional recalling memories with Yeng Constantino
Photo/s: ABS-CBN Entertainment on YouTube
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Napuno ng hiyawan ang studio audience at kinantiyawan ng kanyang mga co-host si Ryan dahil sa pagbanggit nito sa pangalan ni Yeng, gayong wala naman daw ibang pangalan na binanggit si Vice nang kumustahin niya ito.

Gayunman, ipinaalala ni Vice kay Ryan kung gaano raw siya kaguwapo ngayon at kung paano siya nakikita at minamahal ng kanyang mga tagahanga.

Ani Vice: "Alam mo ba na ang pogi-pogi mo? Aware ka ba?

"Pogi ka. You are valued, and you are enough. And there's so many people who appreciate you."

Sa puntong ito, hindi na napigilang maging emosyonal ni Ryan at nagpasalamat sa kanyang nanay-nanayang si Vice dahil sa pagsama nito sa kanya sa concert ni Yeng.

"Thank you, Mommy, kasi isinama mo ako sa concert ni Yeng. Nag-flashback sa akin lahat ng memories," saad ni Ryan.

Paliwanag naman ni Vice, ang asawa niyang si Ion Perez dapat ang ka-date niya noong mga oras na iyon, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, inabutan daw ng bagyo si Ion sa Quezon Province kaya hindi ito nakauwi sa Maynila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento ni Vice: "Date dapat namin ni Ion yon... Noong pinu-promote pa lang ni Yeng yung concert niya, gusto na namin ni Ion na manood.

"Gusto kasi marinig ni Ion nang live yung kantang 'Ikaw.'"

"E, nabulok siya sa Quezon kasi bumagyo, so si Ryan ang dinate ko."

Sagot dito ni Ryan, "Thank you, Mommy. It was one of my best moments."

Sa sumunod na tagpo, tuluyan nang hindi napigilan ni Ryan ang pagpatak ng kanyang luha nang balikan niya ang simpleng nakaraan nila ni Yeng.

Tinanong pa ni Ryan si Vice kung makakahanap pa ba siya ng babaeng gaya ni Yeng na kayang samahan at gustuhin siya kahit noong panahong wala pa siyang gaanong pera at ari-arian.

Umiiyak na sabi ni Ryan, "Sabi ko, makakahanap kaya ako ng, siyempre, tulad ni Yeng na noong nag-uumpisa ako, wala akong pambayad ng date, wala akong kotse, wala akong pera, paulit-ulit yung damit ko, pero may chance pala ako sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Makakahanap pa kaya ako ng ganoon?"

Ryan Bang gets emotional recalling memories with Yeng Constantino
Photo/s: ABS-CBN Entertainment on YouTube

Maging si Vice ay napaluha na rin sa sinabi ni Ryan, kaya mabilis niya itong nilapitan para hagkan.

Ryan Bang gets emotional recalling memories with Yeng Constantino
Photo/s: ABS-CBN Entertainment on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Payo ni Vice: "Hindi ka makakahanap, ikaw ang hahanapin ng pag-ibig. Kaya hindi mo kailangang maghanap.

"Love will find you. Just wait. We just wait.

"Don't cry, as I told you, so many people appreciate and value you.

"We see you. Nakikita namin ang kagandahan ng puso mo at ang kapogian ng panlabas mong kaanyuan.

"Lalo na ngayon na ang pogi-pogi mo,."

Ryan's past with Yeng

Sa isang panayam noon ni Ryan sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ina min nitong may mga panahong nakaramdam siya ng insecurity habang nililigawan niya si Yeng.

Noong mga panahong iyon, nagsisimula pa lamang daw siya sa showbiz, kaya maging ang panggastos sa mga date nila ni Yeng ay hindi niya ma-afford.

Read: Yeng Constantino, Ryan Bang put closure to their "love story"

Dahil dito, nagdesisyon siyang itigil na ang panliligaw sa singer-songwriter, kahit ang totoo ay gustung-gusto rin niya si Yeng.

Kalaunan, napangasawa ni Yeng ang kapwa musician niyang si Yan Asuncion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Yeng Constantino reveals how husband Yan reacted to her closure with Ryan Bang

Ryan still heartbroken over Paola Huyong split?

Samantala, marami ang naantig sa naging emosyonal na tagpo ni Ryan, lalo pa't kamakailan lamang ay dumaan siya sa matinding pagsubok matapos makipaghiwalay sa kanyang ex-fiancée na si Paola Huyong.

Halos tatlong taon ang itinagal ng relasyon nina Ryan at Paola.

Noong August 29, 2023, inamin ni Ryan sa It's Showtime na may girlfriend na siya, matapos ang ilang taong pagiging single.

At ito nga ay si Paola.

Fast forward, na-engage sila noong June 2024.

Read: Ryan Bang invites Yeng Constantino to his wedding

Ngunit sa panayam ni Vice Ganda sa kanya sa YouTube noong June 6, 2026, inamin ni Ryan na tinuldukan nila ni Paola ang kanilang relasyon.

Ang pagkakaiba sa paniniwala at perspektibo sa paglagay sa tahimik ang ilan daw sa mga dahilan ng kanilang breakup.

Saad ni Ryan: "Magkaiba pala yung paniniwala, magkaiba pala yung gawi, tsaka magkaiba pala yung thinking, lalo na pagdating sa marriage.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tinray ko, e, tinray ko na ayusin. Kasi alam ko, nung panahon na yon, hindi ko maintindihan ba't di umabot ng ganito."

Read: Ryan Bang gets emotional recalling cancelled wedding to Paola

Noong September 2025 pa, pinaghihinalaang hiwalay na ang dalawa matapos mabura ang engagement photos nila sa Instagram.

Read: WHAT PEP KNOWS: Did Ryan Bang and Paola Huyong reconcile?

Wala namang third party sa hiwalayan nila?

"Siyempre sa relationship, meron din akong kasalanan, pero I never cheat. Hindi totoo yun, yung sinasabi ng mga tao.

"I never cheat. Even before, I never cheat. Hindi ako ganun. Serious din ako sa relationship."

Read: Ryan Bang breaks silence on breakup with Paola Huyong

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ryan Bang breaks down while recalling his sweet memories with Yeng Constantino and opening up about finding love again after his breakup.
PHOTO/S: ABS-CBN Entertainment on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results