PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gigi de Lana talks about collapsing during live performances

Gigi de Lana: "Even if I'm dying, I wanna sing on my deathbed."
by Arniel C. Serato
Published 19 hours ago
Gigi de Lana on reasons for collapsing twice during live performances
Gigi de Lana on collapsing during her live performances: "For the love of music. Because alam mo yun, kung mamamatay na lang ako, gusto ko yung kakanta ako. Tapos sinabi pa kay Lord nun, 'Lord, let me finish this. Then if you're going to take me then take me after na lang.' Ganun ako."
PHOTO/S: Arniel Serato

Dalawang beses nang nag-collapse ang singer na si Gigi de Lana sa gitna ng live performance niya.

Una itong nangyari sa “Himala Sa Buhangin” event sa Paoay, Ilocos Norte, noong 2023.

Pangalawa ay sa 28th founding anniversary ng Island City of Samal sa Davao del Norte noong Marso 7, 2026.

GIGI DE LANA'S FIRST ONSTAGE COLLAPSE

Sa pagbabalik-tanaw ni Gigi sa unang insidente, ikinuwento niyang nangyari ito matapos ang isang car accident noong 2023.

"Wait, 2023... Ay, yun yung na-car accident kami. Yeah. Tapos yung last is this year.

"So, 2023, naaksidente kami. So, malakas yung hampas sa akin. So, talagang gumanun [parang tumilapon] ako.

"Pero yung time na yun, hindi ko pa siya napi-feel. Because siyempre pag naaksidente ka, hindi mo naman agad mapi-feel or hindi naman lalabas agad yung pasa mo.

"So, ang nangyari, nagpa-checkup naman kami sa doctor. So, tsinek naman ako.

"Parang na-CT scan din ata ako nun or parang MRI. Wala naman nakita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, nagkaroon ako ng doctor's clearance na puwede akong mag-perform. So, tinuloy ko."

Pero pagsapit ng gabi, nagsimula na raw siyang makaramdam ng pananakit sa kaliwang bahagi ng kanyang mukha, na siyang napuruhan sa aksidente.

"Nung medyo parang pagabi na, may napi-feel na ako.

"Na sabi ko, 'Sumasakit na tong [left face] ko kasi ito yung napuruhan, e, yung left side ko.

"So, sinabi ko ituloy ko pa rin kasi sabi ko for the people. Ganun ako, e.

"Alam mo ba, even if I'm dying, I wanna sing on my deathbed.

"Yun yung, ganun ako because I love singing so much and I love, I love making people happy."

Habang nagpapatuloy ang kanyang performance, nakaramdam pa raw siya ng matinding sakit na inilarawan niya na parang kuryente.

"So, going back to the story, nung time na yun parang may na-feel ako parang electric, electricity na masakit.

"Naka-ganyan na siya, e, nakabalot na to [braso]. Ano tawag doon [arm bandage]?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Naka-ganun na siya kasi hindi ko na siya magalaw. It's, it's painful. And then while I'm on stage, kaya ko pa.

"Nakakanta pa ako."

Sa kabila nito, bigla raw siyang nakaramdam na parang mawawalan ng malay.

"And then parang suddenly, traydor talaga ang mga ganyang aksidente, e. Minsan bigla ka na lang bubuhusan ng parang magpa-pass out ka.

"Yeah. Yung pass out ko is para siyang nangitim yung paligid mo and then yung sa tenga mo wala ka na marinig para ka nakalublob sa tubig.

"Ganun siya. So yun yung na-feel ko."

Read: Singer Gigi de Lana faints during performance in Ilocos Norte

GIGI'S SECOND COLLAPSE

Samantala, nangyari naman ang ikalawang insidente noong 2026 dahil sa kondisyon niyang pericarditis.

Lahad ni Gigi: "Ito naman second, this 2026 lang or 2025 because of my pericarditis.

"Bago ito. It's a heart disease. Yeah.

"It's not really malala, pero when you feel the pain, it's really painful. It's like a pressure, e.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Pressure siya sa chest mo. And minsan umakyat siya here [balikat]. It's not just a chest pain.

"So, meron akong gamot doon."

Noong panahong iyon, kagagaling lamang ni Gigi sa ospital bago siya muling nag-perform.

"Yes. Yes. So, yun yung time na kagagaling ko lang sa hospital noon, e.

"Tapos bigla akong nagpa-release kasi meron akong show two days before.

"Tapos yun, yun yung time. Pero siyempre galing ka sa hospital, nag-perform ka, tumalon-talon ka doon."

Sa gitna ng show, naramdaman daw niyang parang mahihimatay na siya. Gayunman, pinili pa rin niyang ituloy ang performance.

"Actually in the middle of the show, I was feeling na, na I think mahihimatay na ako.

"Pero tinuloy ko pa rin for the people. Pasaway po, pasaway ako. I'm really stubborn."

Aminado si Gigi na nagagalit sa kanya ang mga taong nagmamalasakit sa kanya dahil sa kanyang desisyong magpatuloy sa kabila ng kanyang kondisyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nagagalit na nga sa akin yung mga kasama ko because, e, yung mga taong nagki-care talaga sa akin because I'm really stubborn.

"Nagagalit na sila sa akin, 'Bakit mo pa kasi tinuloy? Alam mo namang meron kang sakit.'"

Ipinaliwanag naman ni Gigi na pag-ibig sa musika ang dahilan kung bakit ayaw niyang sumuko sa gitna ng performance.

"Because for the love of music. Because alam mo yun, kung mamamatay na lang ako, gusto ko yung kakanta ako.

"Tapos sinabi pa kay Lord nun, 'Lord, let me finish this. Then if you're going to take me then take me after na lang.' Ganun ako.

"Ganun po ako."

Nang tanungin kung ano ang mangyayari sa show sakaling tuluyan siyang mawalan ng malay habang nasa entablado, simple ang sagot ni Gigi: "Kung doon ako nahimatay? I cannot do anything about it. It happened."

Read: Gigi de Lana, nag-collapse matapos mag-perform sa Davao del Norte

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GIGI DE LANA JOINS LIYAB

Eksklusibong nakausap ng Real Talk ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gigi pagkatapos ng presscon ng Unang Siklab LIYAB: Mga Himig ng Dakilang Pag-lbig concert noong Setyembre 1, 2026.

Ang LIYAB ay selebrasyon ng musika, pag-ibig, pagkakaibigan, at pagkamatiisin ng mga Pilipino sa pamamagitan ng mga awitin ng National Artist na si Ryan Cayabyab.

Isa si Gigi sa mga inimbitahan ni Mr. C para sa concert, bagay na labis niyang ipinagpapasalamat.

Aniya: "Yeah. I'm really excited.

"And alam mo yun, I'm really, really grateful being part of this show kasi sobrang bihira na makasama sa ganitong [kalaking show]... di ba?

"It's like big names and hindi naman lahat makakasama sa ganito.

"So I'm really, really grateful na napasama ako here. So, grabe, grabe."

Bukod sa kanyang upcoming performances, sinabi rin ni Gigi na marami siyang bagong proyekto sa musika.

"Marami po. I'm going to be releasing my own songs this year and next year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And siguro sa buong buhay ko magre-release ako ng maraming original songs because I want the people to know my story and I want them to feel me, and I want them to know me."

Ang Unang Siklab LIYAB: Mga Himig ng Dakilang Pag-lbig ay gaganapin sa September 20, 2026, sa Theatre at Solaire.

Kasama ni Maestro Ryan Cayabyab ang Philippine Philharmonic Orchestra, sa ilalim ng baton nina conductors Jonathan Velasco at Toma Cayabyab.

Bukod kay Gigi, kasama rin sa concert sina Martin Nievera, Lea Salonga, Ogie Alcasid, Jed Madela, Bituin Escalante, Sofronio Vasquez, at Arman Ferrer.

Tampok din ang 200-member LIYAB Grand Chorale, na binubuo ng walong tinitingalang choir sa bansa: Ateneo Chamber Singers, Imuscapella, Konsertus, Mass Appeal, Novo Concertante, PCSO Chorale, UP Concert Chorus, at UP Manila Chorale.

Sold out na ang 7 P.M. gala performance, habang available pa ang tickets para sa 2 P.M. matinee show sa parehong araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mabibili ang tickets sa TicketWorld.

Read: Gigi de Lana reveals being diagnosed with pericarditis

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gigi de Lana on collapsing during her live performances: "For the love of music. Because alam mo yun, kung mamamatay na lang ako, gusto ko yung kakanta ako. Tapos sinabi pa kay Lord nun, 'Lord, let me finish this. Then if you're going to take me then take me after na lang.' Ganun ako."
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results