PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gigi de Lana reveals being diagnosed with pericarditis

Gigi: "It can be uncomfortable and scary at times..."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Mar 14, 2026
Gigi de Lana reveals being diagnosed with pericarditis
Gigi de Lana on pericarditis diagnosis: "Recently, my doctors actually confirmed that I have pericarditis, which means the lining around my heart is inflamed. Because of that, I sometimes experience sudden chest pain or attacks that can come randomly."
PHOTO/S: Gigi de Lana on Facebook

"I'm getting better. I'm okay."

Ito ang siniguro ng singer na si Gigi de Lana sa mga tagahanga niyang nag-alala sa kanyang kalagayan matapos niyang isugod sa ospital nang mawalan siya ng malay.

Viral na usap-usapan online ang kuhang video ng netizens kunsaan makikitang nahimatay si Gigi matapos niyang magtanghal sa 28th founding anniversary ng Island City of Samal sa Davao del Norte noong March 7, 2026.

Sa video, pababa na ng entablado ang singer nang tila makaramdam siya ng pagkahilo at panghihina.

Agad naman siyang inalalayan ng mga marshal at staff. Ngunit hindi pa man siya tuluyang nakakababa ng entablado ay bigla na lamang siyang natumba.

Dahil dito, mabilis siyang binuhat ng isang staff at dinala sa medic ng backstage.

Gigi de Lana reveals being diagnosed with pericarditis
Photo/s: Screengrab on TikTok
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Labis na ikinabahala ng mga nanood ng concert ang nangyari kay Gigi.

Ilang oras lamang matapos ang insidente, naglabas ng opisyal na pahayag ang kinabibilangan niyang talent management na Tritone Entertainment.

Ayon sa kampo ng singer, “extreme fatigue” ang dahilan ng kanyang pagkakahimatay.

Read: Gigi de Lana, nag-collapse matapos mag-perform sa Davao del Norte

Gigi De Lana Confirms Pericarditis Diagnosi

Ilang araw matapos ang insidente, nagbalik sa social media si Gigi upang personal na sabihin sa kanyang fans na maayos na ang kanyang kalagayan.

Sa mahigit limang minutong Facebook Live noong March 12, nagpasalamat ang singer sa lahat ng nag-alala at nagdasal para sa kanyang agarang pagre-recover.

Read: Singer Gigi de Lana blames herself for mother's death

Saad niya sa Live: "I just wanna take a moment to thank all of you who have been checking on me.

"Thank you so much. You know, it means more to me than words can express.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Maraming salamat po sa inyong lahat. I'm getting better. I'm okay."

Read: Manager ni Hidilyn Diaz, kinontra ang statement ng Phoenix

GIGI DE LANA ON HER MEDICAL CONDITION

Kasunod nito ang pag-amin ni Gigi na kamakailan lamang ay kinumpirma ng kanyang mga doktor na siya ay mayroong pericarditis.

Ayon sa Mayo Clinic, ang pericarditis ay isang kondisyong medikal na nailalarawan sa pamamaga ng pericardium—isang manipis at "sac-like tissue" na nakapalibot sa puso.

Ang pericardium ay may mahalagang papel sa pagprotekta sa puso at sa pagbigay ng lubrication o pampadulas upang maging maayos ang paggalaw nito habang tumitibok.

Gayunpaman, kapag ang pericardium ay namamaga, maaari itong magdulot ng mga sintomas tulad ng pananakit ng dibdib, hirap sa paghinga, at pagkapagod.

Pahayag ni Gigi: "Actually, I forgot to tell you, recently, my doctors actually confirmed that I have pericarditis, which means the lining around my heart is inflamed.

"Because of that, I sometimes experience sudden chest pain or attacks that can come randomly.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"It can be uncomfortable and scary at times, but the good news is that I'm being closely monitored by my doctors and I am following their guidance carefully.

"What they advised me is to continue living my life as normally as possible while giving my body the time it needs to recover."

GIGI: "I am okay and I am under proper medical care."

Aminado si Gigi na hindi biro ang kondisyong kanyang nararanasan.

Bagamat nais niyang agad gumaling, sinabi niyang mahalagang sundin ang mga payo at utos ng kanyang mga doktor.

Tiniyak din niya sa kanyang fans na wala silang dapat ipag-alala dahil siya ay nasa ilalim ng tamang pangangalagang medikal.

Read: Nikko Natividad admits video scandal: "Nademonyo ako, natukso."

Mananatili rin daw siyang aktibo sa pagkanta at pagpe-perform, habang patuloy na nag-iingat sa kanyang kalusugan.

Lahad ni Gigi: "Healing from this condition takes patience. Some days are better than others, but recovery is a process, and I'm taking it. I'm taking it one step at a time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"For those who have, you know, been worried, please know that I am okay and I am under proper medical care.

"So please don't worry, don't worry about me.

"My doctors are allowing me to continue performing and doing my daily activities as long as I listen to my body and take the rest I need when necessary.

"You know, music and performing have always been a huge part of my life.

"And being able to share that with all of you gives me so much strength and joy.

"Your support, your messages, your care, and your love help me more than you know."

Read: Alvin Aragon stands by remarks about husbands of SexBomb Girls

GRATEFUL FOR PRAYERS

Sa huli, nagpasalamat si Gigi sa lahat ng patuloy na nagdarasal at sumusuporta sa kanya.

Dagdag pa niya, ginagawa niya ang lahat upang maalagaan ang kanyang sarili at tuluyang gumaling.

Aniya: "Thank you for standing by me, for understanding, and for continuing to support me through everything.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"You know, I truly appreciate each and every one of you. And please continue to keep me in your prayers as I recover.

"I promise I'm taking care of myself and doing everything I can to get better. I love you all so much.

"Thank you for always supporting me through everything. I hope to see you very soon."

Samantala, bukod sa kanyang kapansin-pansing pangangayayat, hindi ito ang unang pagkakataong nahimatay si Gigi sa gitna ng kanyang pagtatanghal.

Noong May 14, 2023, nakunan din ng mga video nang mahimatay sa show nito sa Paoay, Ilocos Norte.

Sa mga kumalat noong video sa social media, mapapanood si Gigi na kumakanta ng "Noypi" ni Bambo habang nakaupo at may shoulder brace sa kaliwa niyang braso.

Ngunit hindi pa man natatapos ang kanta ay bigla na lamang napayuko ang singer at napakapit sa microphone stand sa kanyang harapan.

Gigi de Lana collapses onstage during performance in Ilocos Norte
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kapansin-pansin ding pilit pa niyang tinatapos ang kanta nang tuluyan siyang mawalan ng malay.

Read: Singer Gigi de Lana faints during performance in Ilocos Norte

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gigi de Lana on pericarditis diagnosis: "Recently, my doctors actually confirmed that I have pericarditis, which means the lining around my heart is inflamed. Because of that, I sometimes experience sudden chest pain or attacks that can come randomly."
PHOTO/S: Gigi de Lana on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results