Hindi inatrasan ni Jelai Andres ang content creators na nag-uungkat ng masakit na hiwalayan nila ng ex-husband niyang si Jon Gutierrez.
Read: Jelai Andres’ marriage to Jon Gutierrez officially annulled
Nagsimula ang isyu nang maging usap-usapan online ang pagtatanggol ng isang content creator sa isa sa dalawang babaeng naugnay kay Jon.
Diumano, hindi dapat sisihin ang babaeng naging mitsa ng hiwalayan nina Jelai at Jon dahil menor de edad pa ito nang maging karelasyon ng Ex Battalion member.
Inalmahan ni Jelai ang aniya'y maling naratibo tungkol sa babaeng nag-aastang "victim" sa kabila ng diumano'y pakikiapid nito noon.
Base ito sa Facebook post niya noong August 22, 2026.
Hindi raw dapat basta umasta ang di pinangalanang babae na parang wala itong pananagutan sa nangyari.
Sabi ni Jelai: "Clear ko lang about sa rumors going around again. Ayaw ko sana to. Dahil hindi ako ganito. Hindi ako pala salita o pala patol kahit sa sarili ko nang issue.
"But I think kailangan ko magsalita kahit minsan lang. Dahil tutal naopen nanaman to ngayon & may maling story nanaman kasi na lumalabas at nagtretrending eh.
"Minsan life teaches us a difficult lesson nasaktan ka, well probably. But that does not automatically mean you are completely innocent and calling yourself a victim doesn’t erase the consequences of the choices you made.
"Yes we call it CONSEQUENCES, FYI."
Nalaman pa raw niyang inuuwi umano ng mister niya ang babae sa kanilang bahay.
Mahihinuha sa mga salita ni Jelai na nagtagal ang relasyon ng babae sa kanyang mister.
At idiniin niyang umabot sa puntong nasa hustong edad na raw ang babae para magdesisyon nang tama at manindigan sa consequences ng actions nito.
Patutsada pa niya sa diumano'y mistress noon ni Jon: "Ginusto mo yan.
"Ginusto mong gumawa ng choices kahit alam mong may ibang taong masasaktan, may babaeng asawa na namamatay sa sakit, may kapwa ka babaeng na gabi gabing umiiyak dahil sa ginagawa niyo at may asawang babae na naghihinagpis at nagkkwestyon ng worth niya, at alam mo na may marriage na masisira.
"Nasa edad ka naman na para malaman ang tama at mali.
"Hindi ka naman grade school. Those are basic values we learn while growing up, tinuro yan ng mga magulang natin or ng mga nakakatanda."
Ayon pa kay Jelai, lubos na naapektuhan ang kanyang mental health nang madiskubre niya ang relasyon ng babae sa kanyang asawa.
Hanggang ngayon ay dala-dala raw niya ang epekto nito.
"Nasaktan ka pero that doesn’t give you a free pass from accountability. Naggagamot ako noon at pabalik-balik sa hospital halos mamatay ako, while kayo naglalandian lang sa bed namin ng ex-husband ko.
"Yes dun ka din umuuwi kapag wala ako, imagine that. Antagal na panahon na nangyayare yun na wala akong kaalam alam."
Dagdag pa ni Jelai: "Pinagtutulungan niyo pa nga ako remember.
"Pero tapos na yun, e, masaya nako ngayon at super thankful dahil nakawala ako sa ganung sitwasyon na yon sobrang natauhan nako. Salamat sa Diyos.
"I'm grateful dahil binigay ni God ang pinapangarap kong annulment."
Hindi pinangalanan ni Jelai ang babaeng tinutukoy niya, pero nagpahiwatig siya na trending ang isyu at usap-usapan online.
Hindi lang daw siya nagsalita noon dahil pinili niyang magkaroon ng peace of mind.
Ani Jelai: "But silence doesn’t mean I agree with the other versions of the story.
"I believe this was my story too and I know the truth and im the one who experienced it.
"Marriage ko yun. Andun ako mismo. Ako ang andun. I know what really happened."
TONI FOWLER FRIENDS WITH WOMAN WHO CAUSED JELAI-JON BREAKUP
Pagpasok ng Setyembre, naungkat naman ang kontrobersiya sangkot si Toni Fowler, na dati ring naugnay kay Jon.
Sinasabing nag-post si Toni ng video at larawan kasama ng babaeng tinutukoy ni Jelai sa kanyang FB post noong August 22.
Hindi ito nagustuhan ng ibang netizens.
Tinawag si Toni na "kabit enabler" dahil daw sa pagsama niya sa babaeng dawit sa past issue ni Jelai.
Bunsod nito, pati history nina Toni at Jelai ay muling napag-usapan ng netizens.
PAST ISSUE of jelai andres, jon gutierrez, toni fowler
Taong 2019 nang isapubliko ni Jelai na nagkarelasyon sina Jon at Toni noong 2016, o noong panahong magkasintahan pa lang sina Jon at Jelai.
Bumalik sa alaala ni Jelai ang panloloko sa kanya ng mister nang malaman niyang nagkrus muli ang landas nina Jon at Toni noong 2019. Kasal na sina Jelai at Jon noon.
Kalaunan ay lumantad sina Toni at Jon para ilahad ang bersyon nila ng mga pangyayari.
Read: Internet star Jelai Andres breaks up with Ex Battalion member Jon Gutierrez
Depensa noon ni Toni, hindi niya alam na may girlfriend si Jon nang maging sila noong 2016.
Read: Dancer Toni Fowler reveals version of past relationship with Ex Battalion's Jon Gutierrez
Pero ayon naman kay Jon, alam daw noon ni Toni na "Number 2" lang ito nang maging sila noong 2016.
Nanindigan naman si Toni na mali raw ang iniisip ni Jelai na nagkaugnayan ulit sila ni Jon noong 2019.
Pero naghiwalay noon sina Jon at Jelai dahil sa kontrobersiya.
Read: Ex Battalion rapper Jon Gutierrez speaks up about reported breakup with Jelai Andres
WHEN DID JELAI ANDRES AND JON GUTIERREZ BREAK UP FOR GOOD
Taong 2020 ay muli silang nagkabalikan at sinubukang ayusin ang buhay mag-asawa nila.
Read: Is a Jelai Andres-Jon Gutierrez reconciliation in the works?
Pero first quarter of 2021, nabuking umano ulit ni Jelai ang pambababae ni Jon, at tila iyon yung nagdulot ng matinding mental health problem sa kanya.
Lubha ikinagalit ni Jelai ang panloloko ni Jon, at muling nakipaghiwalay rito.
Read: Jelai Andres on Jon Gutierrez for defending his mistress
Nagsampa siya ng concubinage complaint o pakikiapid laban kay Jon sa Department of Justice noong June 1, 2021.
March 16, 2022, pormal nakasuhan si Jon.
Read: Jon Gutierrez charged with concubinage for alleged betrayal of wife Jelai Andres
Boluntaryo siyang sumuko sa Quezon City Regional Trial Court para magpiyansa kaugnay ng kasong concubinage.
Hanggang sa nitong July 2026, inanunsiyo ni Jelai na opisyal nang na-annul ang marriage nila ni Jon.
JELAI ANDRES REPOSTS FANS' OPEN LETTER FOR TONI FOWLER
At ngayong nauungkat ang isyu sa babaeng mitsa umano ng final separation nina Jelai at Jon noon, mahihinuhang hindi nagustuhan ni Jelai na nakikisawsaw pa si Toni.
Sunud-sunod na ni-repost ni Jelai sa TikTok ang ilang mensahe mula sa kanyang fans bilang sagot niya sa isyu.
Isa rito ay open letter ng isang fan na binigyang-diin kung paano pinili ni Jelai na mag-move on sa kabila ng pinagdaanan nilang kontrobersiya noong 2019.
Hindi na raw ginambala ni Jelai si Toni, na noo'y nagsisimula pa lang ng career nito online.
"For 10 years of your relevance, you never heard anything from her regarding you.
"She never posted at all about you. Just this once, she broke her silence to tell the truth about the other issue; it's not even about you, but you still chose to interfere.
"You think it's another way of publicity to earn money from monetization, continue the 'laro ng social media,' but you forgot the boundaries..."

Ni-repost din ni Jelai ang mensahe ng fan na nagsasabing wala umano siyang kailangang hingan ng tawad dahil wala naman siyang ginawang masama sa mga ito.
Saad sa post: "Kapag Diyos na ang nagsabing 'Maghintay ka, ako ang gaganti para sa iyo.' Wala na akong kailangang gawin kundi magtiwala.
"Tita Jelai, you don't owe them anything."

