Jon Gutierrez charged with concubinage for alleged betrayal of wife Jelai Andres

by Rachelle Siazon
Mar 17, 2022
Jelai Andres, Jon Gutierrez
Ex Battalion rapper Jon Gutierrez posts bail for concubinage charge, while his estranged wife Jelai Andres is determined to face him in court for allegedly destroying their marriage.
PHOTO/S: @easymoneybadger / Nice Print Photo via @jelaiandresofficial Instagram

Pormal na nakasuhan ng concubinage o pakikiapid ang Ex Batallion rapper at songwriter na si Jon Gutierrez.

Idinemanda si Jon ng asawang si Jelai Andres noong June 2021, dahil nakitaan umano ng ebidensiyang matagal nang may itinatagong kalaguyo ang kilalang rapper at social media personality.

Si Jelai ay isa ring vlogger at aktres na napapanood sa mga programa sa GMA-7.

Nakilala ang tambalan nina Jon at Jelai, o mas kilala sa uniname na JoLai, dahil sa kanilang YouTube Channel na may three million followers.

Sa ulat ng GMANetwork.com kahapon, March 16, 2022, nakasaad na naglabas ng impormasyon ang kampo ni Jelai hinggil sa kaso.

Boluntaryong sumuko si Jon sa Quezon City Regional Trial Court para magpiyansa kaugnay ng kasong concubinage.

Sangkot umano ang isang babaeng menor de edad pa nang makarelasyon ni Jon.

Hindi malinaw kung ano ang posisyon ni Jon sa kinahaharap na kaso.

Nanindigan naman ang abogado ni Jelai, si Atty. Faye Sison, na determinado ang kanyang kliyenteng ituloy ang kaso.

Continue reading below ↓

"Nararapat lamang na makamit ni Jelai ang hustisya't katarungan, sapagkat hindi naging madali ang pinagdaanan niya.

"Tunay ngang siya ay nahirapan at matinding trauma ang naranasan niya dahil sa sakit na dulot ng pagtataksil ni King Badger at [name of alleged third party]," saad ni Faye.

Bukod sa concubinage, una nang naghain si Jelai ng reklamong paglabag sa Violence Against Women (VAWC) Act laban kay Jon.

JELAI ON JON'S ALLEGED EXTRAMARITAL AFFAIR

Sa ulat ng PEP Troika noong June 2021, humarap sa media si Jelai upang manindigang nayurakan ang kanyang pagkatao dahil sa panloloko sa kanya ni Jon.

Hindi raw nito nirespeto ang sagrado nilang kasal nang makiapid ang rapper sa isang babaeng hindi tinukoy ang pangalan.

Hinaing ni Jelai, "We all know na yung pakikiapid ay nasa utos ng Diyos na kasalanan talaga siya, at sa batas ng tao ay krimen talaga siya."

Ang lalo raw niyang ikinamangha: "Yung kabilang panig pa yung naghahamon at parang matatapang."

Continue reading below ↓

Read: Jelai Andres nag-file ng concubinage complaint laban sa asawang si Jon Gutierrez

JELAI AND JON'S controversial RELATIONSHIP

Taong 2015 nang maging magkasintahan sina Jelai at Jon.

October 2018, nagpakasal ang dalawa sa Fernwood Gardens sa Tagaytay.

Nagkahiwalay sila noong 2019 dahil sa isyung third party, pero muling sinuyo ni Jon si Jelai.

Taong 2020, tuluy-tuloy ang pagba-vlog ng dalawa na magkasama subalit hindi pa rin sila nakatira sa iisang bahay.

Bago matapos ang 2020, isinama sina Jelai at Jon sa cast ng GMA Public Affairs romantic-comedy series na Owe My Love.

Noong February 2021, nagbigay ng birthday surprise si Jon para kay Jelai habang sila ay nasa lock-in taping ng programa.

At noong March 23, 2021, nag-upload pa ang JoLai ng vlog na magkasama sila, kung saan naging personal assistant for a day ni Jelai si Jon sa set ng Owe My Love.

Nagkabalikan ang mag-asawa nang gawin nila ang Kapuso serye.

Continue reading below ↓

Pero noon ding March 2021, napag-alaman ni Jelai ang tungkol sa panibagong pambababae umano ni Jon.

"July 2020" pa lamang, noong panahong sinusuyo siya ni Jon, ay may kalaguyo na umano ito.

Read: Jelai Andres reveals alleged cheating of Jon Gutierrez amid supposed reconciliation

Read: Jelai Andres lashes back at husband Jon Gutierrez for defending his mistress: "Pag kabit mo na-hurt, magwawala ka."

Kaya raw ganoon na lamang ang sakit na naramdaman ni Jelai nang isapubliko niya noong March 2021 kung paano raw siya niloko at pinagmukhang "tanga" ng mister.

Read: Jelai Andres reacts to husband Jon Gutierrez being reprimanded by his mother about their breakup

Bukas ang PEP.ph sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ex Battalion rapper Jon Gutierrez posts bail for concubinage charge, while his estranged wife Jelai Andres is determined to face him in court for allegedly destroying their marriage.
PHOTO/S: @easymoneybadger / Nice Print Photo via @jelaiandresofficial Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results