PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Manny Pacquiao appointed anti-poverty chief by President Marcos

Manny Pacquiao: “Hindi ito pulitika. Ito ay totoong serbisyo publiko..."
by Khryzztine Joy Baylon
Published 21 hours ago
President Ferdinand Marcos Jr. appoints Manny Pacquiao as National Anti-Poverty Commission NAPC chief
Former senator Manny Pacquiao (right) returns to government service as President Ferdinand Marcos Jr. (left) appoints him as National Anti-Poverty Commission secretary and lead convenor.
PHOTO/S: Bongbong Marcos on Facebook

Balik-serbisyo sa gobyerno ang boxing legend at dating senador na si Manny Pacquiao.

Itinalaga siya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang bagong kalihim at lead convenor ng National Anti-Poverty Commission (NAPC).

Pinangunahan ng Pangulo ang panunumpa ni Pacquiao ngayong Martes, September 8, 2026, sa Malacañang.

Pinalitan ni Pacquiao sa puwesto si Lope Santos III, na nagsilbing lead convenor ng NAPC mula noong 2023.

President Ferdinand Marcos Jr. appoints Manny Pacquiao as National Anti-Poverty Commission NAPC chief
President Ferdinand Marcos Jr. (left) led the oath-taking of former senator Manny Pacquiao (right) as the new secretary and lead convenor of the National Anti-Poverty Commission.
Photo/s: Bongbong Marcos on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Pangulong Marcos, kumpiyansa siyang mabibigyan ni Pacquiao ng patas na pagkakataon ang maraming Pilipino na magkaroon ng mas magandang buhay.

Mababasa sa post ni Marcos sa Facebook (published as is): "A champion for the Filipino people.

"Congratulations to Manny Pacquiao as he takes on a new fight as Secretary and Lead Convenor of the National Anti-Poverty Commission.

"Together, we will bring government programs closer to our communities and give more Filipinos a fair shot at a better life."

Read: Kim Chiu's sister Lakam charged in PHP44.4M qualified theft case

Labis naman ang pasasalamat ng Pinoy boxing legend sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya ni Pangulong Marcos.

Ani Pacquiao sa isang panayam, masaya siyang muling makapagbigay ng serbisyong malapit sa kanyang personal na karanasan sa buhay.

Pahayag niya: “Sa nakalipas na mga taon, may posisyon man ako sa gobyerno o wala, hinding-hindi ko itinigil ang pagtulong at pagpapatayo ng libreng pabahay para sa ating mga kababayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero ngayong pinagkatiwalaan tayo sa NAPC, sa tulong ng Panginoon, mas malaki pa ang magagawa natin."

Read: HOW MUCH? Queenie Pacquiao’s U.S. college education

Tiniyak din ni Pacquiao na hindi niya sasayangin ang pagkakataon at tiwalang ibinigay sa kanya.

Sisikapin daw niyang maihatid ang mga programa at serbisyo ng gobyerno sa bawat pamilyang Pilipino, lalo na sa mga mahihirap.

Saad niya: “Hindi ito pulitika. Ito ay totoong serbisyo publiko upang siguruhin na ang bawat programa ng gobyerno ay direktang mararamdaman ng 14 basic sectors at ng pinakamahirap nating mga kababayan at mga pamilya sa buong bansa."

WHAT IS THE ROLE OF NAPC CHIEF?

Ang NAPC lead convenor ay pangunahing responsable sa pamumuno sa secretariat ng komisyon at pag-coordinate ng mga programa at polisiya ng pamahalaan na naglalayong mabawasan ang kahirapan.

Kabilang din sa mandato ng NAPC ang pagmo-monitor sa implementasyon ng poverty-alleviation programs, pagrerekomenda ng mga hakbangin sa polisiya, at pagtitiyak na nakikilahok ang mga basic sector sa proseso ng paggawa ng mga polisiya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa madaling salita, nakatuon ang trabaho ng lead convenor sa pag-uugnay at pagmomonitor ng mga programa laban sa kahirapan, gayundin sa pagtiyak na naririnig at nakikilahok ang mga basic sector sa policymaking.

Pacquiao as a former public servant

Samantala, bago italagang NAPC chief, kilala na si Pacquiao bilang lingkod-bayan.

Una, nagsilbi siya bilang district representative ng Sarangani mula 2010 hanggang 2016.

Naging senador din siya mula 2016 hanggang 2022.

Tumakbo rin siyang Pangulo ng bansa noong 2022, kung saan niya nakatapat si Pangulong Macos Jr.

Matapos ang kanyang termino sa Senado, muling tumakbo si Pacquiao para sa pagka-senador noong 2025 midterm elections, ngunit sa kasamaang palad ay hindi siya nakakuha ng puwesto sa 12-member Senate.

Read: Chin Chin Gutierrez resurfaces, shares spiritual journey in Miriam centennial book

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former senator Manny Pacquiao (right) returns to government service as President Ferdinand Marcos Jr. (left) appoints him as National Anti-Poverty Commission secretary and lead convenor.
PHOTO/S: Bongbong Marcos on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results