Hindi na raw nagtatakda ng panahon ang actress-entrepreneur na si Ara Mina, 47, at asawang si PeekUp CEO Dave Almarinez, 52, kung kailan sila magkakaanak.
Saad ni Ara: "Alam mo sa totoo lang, gusto ko rin naman talaga. Kaya lang siyempre, yung age ko, yung age niya, tapos busy kami pareho.
"Alam mo yung ano, hindi ko alam kung kaya pa namin gampanan.
"Kasi ako mai-stop talaga ako, e, pag ganun. E, may binibi-build akong ano ngayon, business."
Sa ngayon, kuntento na raw sila dahil may kani-kanilang anak na sila pareho mula sa mga nauna nilang karelasyon.
Ayon kay Ara, "Actually, isa yun sa reason.
"Kasi parehas na kaming may anak. At saka sa nangyayari sa mga panahon ngayon.
"Parang mga mahal ang bilihin at tapos bumabagyo, ang dami nangyayari sa mundo.
"Alam mo yun, parang, ta's magkakaroon ka ng baby. Parang, you're afraid na para sa baby mo."
Para naman kay Dave, kung pagkalooban sila ng Panginoon ay isang malaki at dagdag na blessing daw ito sa kanila.
Saad niya, "Ako, gusto ko pa. Kung ipagkakaloob ng Diyos na bigyan pa kami ng anak, amin pong tatanggapin.
"Pero pinapaubaya namin sa Diyos and alam mo naman parehas kaming busy mag-asawa.
"Pero we find time together and I thank her for this, of providing a wonderful celebration."
Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Ara at Dave sa ika-52 birthday celebration ng huli noong August 30, 2026 sa Noctos Bar sa Quezon City.

Ano ang wish ni Dave sa kanyang ika-52 kaarawan?
Aniya, "Wish ko lang, long life, health. Health is the most important and happiness with my family, with Ara Mina, and my partners, and close friends and family.
"Gusto ko lang nagkaroon ng maayos na success and matulungan ko maraming mga tao na magkaroon ng business with us and that's my dream for a lot of people."
Read: Joy Barcoma: “I'll just stay in the space where people love me.”
Dave BIRTHDAY HIGHLIGHTS
Ang selebrasyon ni Dave ay dinaluhan ng business associates, partners, close friends, ilang showbiz friends, at family members.
Dalawang media personalities lamang, kabilang na ang PEP.ph, ang imbitado sa pagtitipon.

At dahil nga may live band sa venue at kilalang mahilig kumanta si Dave, nagpakitang-gilas ang mag-asawa sa entablado.
Singer din noon si Ara at sumikat ang kanta niyang "Ay, Ay, Ay, Pag-Ibig" noong 1999.

Kumanta rin sa party sina Jan Marini, Maika Rivera, at Jojo Alejar.

Dumating din at nag-alay ng mga awitin ang miyembro ng BGYO na si JL Toreliza.
Dumaan din saglit si Donnalyn Bartolome at inawit ang viral song niya noong 2014 na "Kakaibabe."

Read: Kim Chiu's sister Lakam charged in PHP44.4M qualified theft case
