Abalang-abala na si Cristine Reyes sa pag-aasikaso ng kasal nila ni Gio Tingson, ayon sa kapatid nitong si Ara Mina.
Sa first quarter ng taong 2027 nakatakdang ikasal sina Cristine at Gio.
Sabi ni Ara, "Busy sila sa paghahanda... hindi pa sobrang super arranged pero next year sila magpapakasal."
Biniro ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ara kung hindi pa ba nadadala ang kapatid sa pagpapakasal dahil ito na ang second marriage niya.
Na-annul ang unang kasal ni Cristine sa dati niyang asawa na si Ali Khatibi noong February 2024.
Read: Cristine Reyes Admits Annulled Marriage to Ali Khatibi
Natatawang sagot ni Ara, "Hindi naman siguro. Kasi isa pa lang naman ang marriage niya, e.
"Pag nakadalawa na, madadala na siya. Kahit sino naman, di ba?"
Ikinasal si Cristine kay Ali sa isang civil ceremony sa Balesin Island Club sa Polilio, Quezon, noong January 27, 2016.
Sa PEP.ph unang lumabas ang balita, pati na ang larawan ng kasal, dahil sa pakikipag-ugnayan namin sa kapatid niyang si Ara.
Kuwento ni Ara noon, super intimate ang pag-iisang dibdib nina Cristine at Ali.
Pagbabalik-tanaw ni Ara tungkol sa secret wedding ng kapatid, "Oo nga, di ba? Nagulat na lang kami, 'Ay, ikakasal na ako ha?'"
Read: FIRST LOOK: Cristine Reyes marries Ali Khatibi in Balesin
Pero ngayon ay masaya raw si Ara na nahanap na ng kapatid ang tamang lalaki para sa kanya.
"Oo, happy ako kasi okay naman si Gio."
Tungkol naman sa kapatid, alam daw niyang responsable na ito sa ngayon at pinag-iisipan na ang mga desisyon nito sa buhay.
"Oo, kumbaga nag-mature na siya somehow dahil parehas na kaming may anak. Sa mga experience niya, sa mga pinagdaanan niya," sabi ni Ara.
Ekslusibong nakausap ng PEP.ph si Ara sa 52nd birthday celebration ng asawa niyang si Dave Almarinez, ang negosyante at CEO ng Filipino-owned ride-hailing app na PeekUp.
Ginanap ang pagdiriwang sa Noctos Bar sa Quezon City, Linggo ng gabi, August 30, 2026.

Read: Vehnee Saturno reacts to Dylan Menor’s "Sa Aking Puso" launch
ARA MINA wishes husband DAVE'S GOOD HEALTH, HAPPINESS
Parehong mahilig kumanta ang sina Ara at Dave kaya naging videoke session ang selebrasyon kasama ang kanilang guests mula sa showbiz at business.

Ilan sa mga namataan ng PEP sa party sina Jan Marini, Gerard Pizzaras, Jose Sarasola, JL Toreliza ng BGYO, Maika Rivera, Donnalyn Bartolome, at iba pa.
Ano ang wish ni Ara para sa asawa?
Mensahe niya, "Happy birthday, good health at saka happiness. More success sa business na ginagawa niya sa business namin."
Read: What it took to bring SB19 to Lollapalooza--and what comes next
