PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mr. C reveals if National Artist status affected his talent fee

Mr. C as National Artist: "Ibig sabihin, binigyan ka ng karangalan ng bansa."
by Arniel C. Serato
Published 5 hours ago
Ryan Cayabyab proud of his National Artist title
Mr. Ryan Cayabyab on distinction between National Artist recognition and Ramon Magsaysay Award: "Mahalaga sa akin yung title na, 'Uy, National Artist.' Ibig sabihin, binigyan ka ng karangalan ng bansa." He adds, "Yung sa Ramon Magsaysay naman, hindi naman yun sa paglikha lang ng music. It's really more of the service to the community."
PHOTO/S: Arniel Serato

Mahigit walong taon na mula nang gawaran si Ryan Cayabyab ng National Artist for Music, ngunit para sa tinaguriang Mr. C., hindi naging dagdag-pressure sa kanyang trabaho ang prestihiyosong titulo.

Iginawad kay Ryan ang National Artist for Music noong 2018 sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, bilang pagkilala sa kanyang malaking ambag sa larangan ng musika.

May dagdag na pressure ba pagiging National Artist, lalo na pagdating sa kanyang trabaho?

Sagot ni Mr. C: "Ako, hindi ako napi-pressure kasi hindi ko naman... hindi naman ako tumakbo para maging National Artist.

"So ang akin lang is, nung pinipili ka, e, bilang... para maging National Artist na napakahirap pala ng dinadaanan para... bago ka itanghal na isang National Artist.

"Parang butas ng karayom ang dinadaanan para lang maging National Artist. Pero siyempre, mahalaga.

"Mahalaga sa akin yung title na, 'Uy, National Artist.' Ibig sabihin, binigyan ka ng karangalan ng bansa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa karangalan, may mga insentibo rin para sa mga nahirang bilang National Artist.

Ipinaliwanag ni Ryan na kabilang dito ang buwanang stipend at annual medical expenses, bagamat may limitasyon ang medical coverage.

"Alam mo meron ka lang ano, meron ka lang... meron stipend.

"Para lang siyang honorarium for the month, 'no? At ang isa pang ano, ang isa pang bibibigay ay meron kang annual na medical expenses.

"Pero meron siyang ano level... Meron siyang limit pala. May limit yung expenses na yun," pagbabahagi ng National Artist.

Read: Kim Chiu's sister Lakam charged in PHP44.4M qualified theft case

Does His National Artist Stature Affect His Talent Fee?

Noong bagong tanggap pa lamang niya ang National Artist recognition, naisip din ni Mr. C na baka makaapekto ang titulo sa mga magiging trabaho niya.

Nangangamba pa siya noong baka isipin ng mga tao na magtataas siya ng professional fee dahil National Artist na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang balikan ang kanyang naging biro, natawa muna si Mr. C.

"Sinabi ko. Well, iniisip ko...

"Oo kasi... tama ka. Buti naaalala mo lahat yun.

"Sinabi ko yun na sabi ko, 'Pag ginawang National Artist baka hindi na ako kunin kasi natatakot na yung mga tao. Mahal na si Mr. C.'"

Ngunit dagdag niya: "I must say ganun pa rin. And also because I must admit na the people found na ganun pa rin ako.

"Parang hindi naman nagbago.

"Ganun pa rin whether National Artist o hindi, ganun pa rin yung... ganun pa rin ako. It's the same."

Read: Kim Chiu's sister Lakam charged in PHP44.4M qualified theft case

RYAN CAYABYAB’S RAMON MAGSAYSAY AWARD

Isang taon matapos siyang maging National Artist, tumanggap naman si Ryan ng isa pang prestihiyosong pagkilala.

Noong 2019, ginawaran siya ng Ramon Magsaysay Award, na madalas ituring na katumbas ng Nobel Prize sa Asya.

Pero para kay Mr. C, iba ang dahilan ng pagkilalang ito kumpara sa kanyang National Artist award.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Nagkataon lang. Kasi yun naman sa... yung sa Ramon Magsaysay naman, hindi naman yun sa paglikha lang ng music.

"It's really more of the service to the community. Kaya inaano nila, nire-recognize kung ano yung contribution ng isang mamamayan sa kanyang industriya.

"In my case, ang contribution ko na nakita nila ay ini-inspire ko, tinutuloy ko ang pagtuturo ko na kahit hindi sa formal education, sa informal.

"Meaning sa workshops, sa lahat. Pinu-push ko yung mga songwriters, mga batang musicians to write new original material for Filipino, for the Filipino music literature.

"Importante yun, e. Importante na dapat lumago, yumabong ang literature ng Philippine music."

Nakausap ng Real Talk ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mr. C sa sidelines ng presscon ng Unang Siklab LIYAB: Mga Himig ng Dakilang Pag-lbig concert noong September 1, 2026.

Ginanap ang presscon sa Barbara's Heritage Restaurant sa Intramuros, Manila.

Ryan
Ryan "Mr. C" Cayabyab during Real Talk with PEP.ph interview on September 1, 2026.
Photo/s: Arniel Serato
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Rita Daniela on boyfriend Mclaude Guadaña: "I'm dating to marry."

RYAN CAYABYAB'S FAVORITE COLLAB PARTNER

Lagpas limang dekada na ang karera ni Ryan Cayabyab bilang kompositor.

Sino ang pinakapaborito niyang katrabaho bilang singer?

Sagot ni Mr. C: "Kasi matagal ko talaga nakatrabaho si Basil Valdez.

"So, pag tinatanong sa akin kung sino yung pinaka, sa totoo lang, siya yung pinaka-comfortable akong mag-work, mag-collab with.

"Kasi, pareho kaming... pareho kami ng time na sabay kami na nagsimula.

"So, kumbaga, puwede naming i-celebrate ang aming how many years in showbiz or, not showbiz, how many years in the industry.

"Halos parehong-pareho lang kami ng ano, simula."

Sabay rin silang umangat, kumbaga.

"Oo. So, you cannot fault na kaya kami close kasi pareho-pareho kami.

"Kaya yung mga bago din ng mga musicians and music directors and composers, siyempre yung kanilang mga katrabaho ngayon, dahil magkababata sila, sila yun.

"Kunwari ka-team ni KZ Tandingan, yung ka-team na MD [musical director] ni Stell [of SB19] kunwari, o yung ka-team na MD yung mga bagong ano, mga bagong mang-aawit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So ang ibig sabihin lang nun, you become close to the ka-collab niyo kasi sabay kayo," saad ni Mrc. C.

Basil Valdez, Lani Misalucha, and Ryan Cayabyab in this photo file talen on 2020.
Basil Valdez, Lani Misalucha, and Ryan Cayabyab in this file photo taken in 2020.
Photo/s: File

Read: Kim Chiu's sister Lakam charged in PHP44.4M qualified theft case

RYAN'S ADVICE TO YOUNG SINGERS, MUSICIANS

Ano naman ang maipapayo niya sa mga baguhang singer?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ng National Artist: "Kung sa singer, ang importanteng advice ko is maghanap kayo ng magaling na ka-collab na magbibigay sa inyo ng magandang awitin.

"Kailangan... usually kasi mga bata 'no, so kailangan yung song sila, yung akma sa character ng singer at saka yung tamang-tama for the time, times na ginagalawan nila.

"So, ang ano ko lang lagi, ang payo ko is pag-aralan mabuti kung papaano, papaano ba umikot sa industriya para mas maintindihan mo kung ano yung gagawin mo. Yun.

"Tsaka kailangan, trabaho."

Bawal tamad?

"Oo, bawal tamad," pagsang-ayon ni Mr. C.

"Kailangan talaga trabaho.

"At saka yung goal, yung aspiration mo dapat malakas yun na gusto kong umabot doon sa ganun."

Samantala, muling mapapanood sa entablado si Ryan sa konsiyertong may pamagat na Unang Siklab LIYAB: Mga Himig ng Dakilang Pag-lbig sa darating na September 20, 2026 sa The Theater at Solaire.

Kuwento niya, "Ang Liyab ay isang... I can say it's like a tribute concert. A tribute concert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"It's a concert of all my music, my songs. But basically I will explain... three parts kasi siya.

"Songs that depict love for country, love for God, and love for a beloved.

"Kaya kung Tatagalugin ko, pagmamahal sa Panginoon, pagmamahal sa bayan, at pagmamahal sa minamahal."

Read: Armando “Bing” Lao named National Artist for Film and Broadcast Arts

SOLD-OUT GALA PERFORMANCE

Sold-out na ang gala performance ng Unang Siklab LIYAB: Mga Himig ng Dakilang Pag-lbig.

Ngunit paglilinaw ni Mr. C: "Ang sold-out ay yung evening performance, which is the 7 P.M.

"Ano siya, yun yung gala. Wala nang ticket so yung mga producers, gawa tayo ng ano, matinee.

"So, yung matinee na 2 P.M., marami pang ticket...

"Ang kasama namin sa 2 P.M. concert ay si Martin Nievera, Ogie Alcasid, si Bituin Escalante, si Jed Madela, si Gigi de Lana, Sofronio Vasquez, si Armand Ferrer."

Martin Nievera, Gigi de Lana, and Jed Madela are some of the performers at Unang Siklab LIYAB: Mga Himig ng Dakilang Pag-lbig concert on September 20, 2026 at The Theater at Solaire.
Martin Nievera, Gigi de Lana, and Jed Madela are some of the performers at Unang Siklab LIYAB: Mga Himig ng Dakilang Pag-lbig concert on September 20, 2026 at The Theater at Solaire.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama rin sa concert ang 200-member na LIYAB Grand Chorale, na kinaaniban ng walo sa mga tinitingalang choirs sa bansa: Ateneo Chamber Singers, Imuscapella, Konsertus, Mass Appeal, Novo Concertante, PCSO Chorale, UP Concert Chorus, at ang UP Manila Chorale.

Dagdag ni Mr. C, "It's all Filipino music and it's all my music. So, iba-iba lang yung feel, but it's an orchestra music."

Read: Martin Nievera learns to let go after US$3,000 airline incident

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mr. Ryan Cayabyab on distinction between National Artist recognition and Ramon Magsaysay Award: "Mahalaga sa akin yung title na, 'Uy, National Artist.' Ibig sabihin, binigyan ka ng karangalan ng bansa." He adds, "Yung sa Ramon Magsaysay naman, hindi naman yun sa paglikha lang ng music. It's really more of the service to the community."
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results