Tatlong buwang buntis na ang aktres na si Glaiza de Castro.
Ito ang inanunsiyo ng Kapuso star sa Instagram ngayong gabi ng Sabado, September 12, 2026.
Panimula niya kalakip ng pregnant woman emoji, "Entering another chapter."
Ayon pa sa kanya, malaki ang pasasalamat niya at nalagpasan niya ang maselang first trimester ng kanyang pagbubuntis.
Dagdag niya, "So glad I’m through the first trimester because…
"GRABE PALA. [nervous laugh]
"Will share more about this soon!"
Marami-rami na din daw siyang nakakausap na mga babae at napagtanungan tungkol sa unang beses nang pagiging ina.
Hindi raw talaga matatawaran ang pagiging nanay.
Pagtatapos niya sa post, "It’s also been so nice and comforting talking to other women about this journey as a first-time mom. I need all the help I can get. [face holding back tears emoji]
"Basta masasabi ko lang, ibang klase talaga ang mga nanay. [heart emoji]"
View this post on Instagram
Bumuhos naman kaagad ang congratulatory messages mula sa mga celebrity friends ni Glaiza.
Kabilang sa kanila sina Angelica Panganiban, Mikael Daez, Rayver Cruz, at Alessandra de Rossi.

Nagpaabot din ng mensahe sina Nadine Samonte, Barbie Forteza, Megan Young, at Jerald Napoles.

Gayundin sina Julie Anne San Jose, Jason Abalos, Carla Abellana, at Diana Zubiri.

Read: Carlos Yulo prefers not to invite parents on wedding to Chloe
GLAIZA DE CASTRO LAST INTERVIEW ABOUT BABY PLANS
Noong nakaraang July 30, 2026, nakapanayam pa ng Real Talk ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Glaiza tungkol sa kanilang baby plans ng asawang si David.
Sa naturang interview, nagpasintabi pa ang PEP kung okay lang ba siyang matanong tungkol dito.
May mga celebrities kasing ayaw matanong tungkol sa baby plans.
Aniya, "Okay lang naman. I think, siyempre parte ng pagiging mag-asawa din.
"And mas gusto naming mag-save muna bago so pinag-uusapan naman namin yun."
Hindi raw nila tina-target kung anong taon o edad siya mabubuntis. Kung ipagkakaloob daw ito ng Panginoon ay mangyayari naman.
Sabi ni Glaiza: "Hindi ko alam. Para sa amin, huwag muna ring isipin sa ngayon.
"Kung mangyari siya, mangyari siya sa tamang panahon, di ba? Pagka okay na lahat."
Ilang anak ba ang nais niya?
"Siguro, dalawa lang sa akin. Okay na. Pagka babae, babae at lalaki, okay na."
Kasama niya noon sa event ang asawang si David.

Read: Glaiza de Castro does not mind being asked about baby plans
