Pompano dish na nagkakahalaga ng PHP1,650?
Tampok ito sa post ng isang netizen tungkol sa pagiging expensive destination umano ng Bohol.
Nagbiro pang iuuwi raw niya ang tinik dahil sa sobrang mahal ng inorder na isda.
Aniya sa post (published as is): "eating pompano here in panglao 1pc for 1650 im taking them mf fish bones w me...
“that’s why bohol is losing tourists. expensive airfare, expensive hotels, expensive tours and expensive food.
“everything ridiculously expensive. local govt should be doing something about it. alarming for a tourist destination to be like this.”
Umani ng samu’t saring reaksiyon ang post ng netizen sa Threads.
May mga sumang-ayon sa kanya at meron ding mga kumontra.
May mga media outlets na nag-pick up.
NETIZENS HAVE MIXED REACTIONS
Susog ng isang netizen, “criminally expensive” sa Bohol.
“Paglabas mo pa lang ng airport didiskartehan ka na agad ng mga vans at tricycle. Lahat ng tourist area may bayad.”
Mas sulit pa raw kung magbiyahe sa ibang bansa.
May ilan na nagkomentong marami na raw mabibili ang PHP1,650 sa mga mas kilalang restaurants.



May ibang netizens na nagbahagi ng parehong karanasan.
Isa sa kanila ay nanatili sa Bohol sa loob ng limang araw kasama ang pamilya.
Pikit-mata raw siyang gumastos.
“Isa siya sa mga destination na okay na mapuntahan mo once tapos never again na,” hirit pa nito.

May isang nagsabi na maging ang mga taga-Bohol mismo ay nagrereklamo dahil sa pagbaba ng mga bumibisitang turista.
Maging ang foreign tourists ay inirereklamo rin daw ang mahal na pagkain.

Matatandaan na noong 2022, nag-viral ang post ng isang netizen na umabot sa PHP26,000 ang bill nang magpunta sa Virgin Island sa Panglao, Bohol.
Dahil ito, pinagbawalan ni Mayor Boy Arcay na magtinda ang mga food vendors doon
Read:
- TRENDING: Presyo ng pagkain sa Virgin Island sa Panglao, Bohol
- No vendors allowed! Mga nagtitinda sa Virgin Island sa Bohol, tuluyan nang ipinagbawal
Pero mayroon ding nagtanggol sa Bohol kaugnay ng recent issue.
Mayroon naman daw murang matutuluyan, tulad ng ilang hostels, private villas, o beaches.
Maging ang nirentahan nilang sasakyan para sa sampung katao ay affortable.
Pero may mga pasyalang mahal ang entrance fee, pero puwede namang hindi puntahan kung gustong magtipid.

Pagsang-ayon ng isa pang netizen, may mga murang options “kaya dapat masipag kang mag-browse-browse."

DECLINE IN TOURIST ARRIVALS THIS 2026
Binanggit naman ng ilang media outlets ang pagbaba ng tourist arrivals nitong mga nakalipas na taon.
Ayon sa Bohol Provincial Tourism Office, may 1.4 million tourists na bumisita sa Bohol noong 2025, na 4.18-percent increase noong 2024.
Pero nakitang may malaking decline sa tourist arrivals mula January-March 2026, na nagkaroon ng 170,016 turista, kumpara sa 417,142 ng parehong period noong 2025.
Ibig sabihin, mayroong 59-percent decline.
Pero paglilinaw sa reports, maraming factors kung bakit nagkaroon ng decline at hindi ito maisisisi lamang sa mahal na pagkain o serbisyo.
Nariyan daw ang pagtaas na halaga ng gasoline at ng travel costs.
Isa pa riyan ang kumpetisyon sa iba pang tourist destinations sa bansa.
BOHOLANOS REACT TO THE POST
Kaugnay pa rin ng post, isang Boholano businesswoman ang nagkomentong hindi dapat ma-bash o i-blacklist ang isang lugar dahil sa karanasan ng isa tungkol sa mahal na isda.
Paliwanag pa ng businesswoman sa kanyang Facebook post, ang mahal na pompano ay kinain sa isang high-end resort kaya asahang mas mataas ang presyo nito.
Kung gusto raw ng mas murang pompano, maaari namang bumili sa local markets.
Ayon sa netizen: “The good news? Bohol offers choices for every budget.
“The key is knowing where to look, comparing prices, and choosing what fits your budget.
“Bohol is not one price tag. It is a destination with many experiences and many price points.”
Sa kabila nito, sinabi niyang may tourism challenges talaga tulad ng rising costs, airfare, transportation, economic pressures, at kumpetisyon sa ibang rehiyon.
Dapat daw i-improve ng mga negosyante sa Bohol ang serbisyo nila at dapat ay kumilos din ang local leaders para mag-monitor at mag-regulate.
Aniya pa, “Lets encourage responsible tourism conversation – not fear of tourism.”
May matapang ding Facebook post si Dodong Arambala, isang Boholano architect and digital creator.
Ang titulo ng kanyang post ay “ONE EXPENSIVE FISH DOES NOT DEFINE BOHOL,” na reaksiyon niya sa Facebook post ng digital media platform na Radar.
Kung meron man daw panloloko ang resort kung saan in-order ng uploader ang pompano, kailangang managot ito.
Misleading daw at unfair sa turismo ng Bohol na gawing basehan ang presyo ng isda sa iisang resort.
“A premium resort price cannot be treated as the standard price everywhere in Bohol, just as the price of one restaurant in BGC does not represent the entire cost of visiting Manila.”
Kinontra rin niya ang paghahambing sa local versus foreign travels, gaya pagbiyahe sa Vietnam, na mas mura raw ang expenses.
Hindi rin daw dapat i-link ang presyo ng isda sa decline sa tourist arrivals.
Sabi pa ng arkitekto, sang-ayon siya sa constructive criticisms.
Dapat daw i-improve ng Bohol ang serbisyo nito bilang tourist destination.
Kelangan ding maging responsable ang local government unit at labanan ang mga mapagsamantalang establishments.
Sabi pa niya, “[L]et us criticize the establishment responsible, not condemn an entire province.
“Bohol is more than one fish, one restaurant or one viral complaint.”
Libu-libong mamamayan ang nagtatrabaho sa tourism sector ng probinsiya.
“Bohol is not perfect, but Bohol deserves better than a sweeping verdict built around a single meal,” aniya.
