Nagbigay na rin ng pahayag ang singer na si Moira dela Torre kaugnay ng pag-unfollow sa kanya sa Instagram ng ilan sa mga dati niyang malalapit na kaibigan sa showbiz.
Pumutok ang isyung un-follow-han noong January 2025 nang tinanggal lahat ni Moira ang kanyang following sa Instagram.
Ibig sabihin, wala na siyang pina-follow ni isang kaibigan o kakilala.

Kapansin-pansin din na isa-isa umanong nag-unfollow kay Moira ang mga dati niyang kasamahan sa Cornerstone Entertainment na sinaSam Milby, Yeng Constantino, Erik Santos, at TJ Monterde.
Sa presscon para sa kanyang upcoming Where It All Started concert noong September 17, 2026, tinanong ng media si Moira tungkol dito.
Pero, wala siyang binanggit na sinuman sa kanyang mga kaibigan dati.
MOIRA ADMITS BEING HURT AND HURTING OTHER PEOPLE
Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng presscon proper, inusisa ng Real Talk (segment ng PEP.ph YouTube Channel) si Moira ukol sa mga ito.
Hindi rin kami nagbanggit ng pangalan dahil hindi sigurado kung sinu-sino at ilan sa mga ito ang hindi na rin siya pina-follow sa Instagram.
Limited kasi ang search sa Instagram account ni Moira tungkol sa kanyang followers.

Pero pag-amin ni Moira, nasaktan siya at nakasakit din siya.
Nakapagpatawad na ba siya?
Saad ni Moira: "Opo, pero feeling ko sa sarili ko po, mas madali po sa akin magpatawad.
"Ang pinaka... siguro, isa po sa pinakaimportanteng natutunan ko in my life in the last few years is yung humingi ng tawad.
"I think that's something that a lot of us have a hard time learning.
"And if there's something that, you know, I take... I don't take it lightly, it's knowing that I messed up also.
"I got hurt, but I've hurt people also. And that's something that I'm never gonna deny.
"I've hurt people I love, and I love them all dearly, and I've forgiven them.
"But I also want the chance to ask for forgiveness."
Kapansin-pansin ding ibang Moira na ang nakaharap ng press, hindi gaya dati na hindi nagpapa-interview.
Reaksiyon niya tungkol dito: "E, kasi sugatan pa, e. Hindi po talaga ako ano, e.
"Ayaw ko po talaga... hindi ako... di po talaga ako fake, e.
"Madaldal po talaga ako.
"Totoo po talaga ang balita."
Hindi ba masaya na paminsan-minsan ay nagpapa-interview rin siya.
"O, kaya nga po iniiwasan ko kayo. Madaldal po kasi ako," biro ng singer.
Seryoso niya dagdag: "Protective din po kasi talaga ako sa mga taong mahal ko and hindi ko po talaga alam kung paano ako magsasalita, kasi hindi ko alam.
"Marami din po akong tanong, e, yung mga ganun."
Read: Moira dela Torre breaks silence on Sam-Catriona breakup
MOIRA: "I needed to heal quietly."
Ilang taon ding nagpahinga si Moira sa concert scene.
Nagpatung-patong daw ang challenges na kinaharap niya kaya nagpagaling muna siya.
Saad niya: "I think I took my time. I needed... I needed to heal quietly.
"I needed to... I needed to take my time to heal on my own."
At masaya raw siyang mainit ang pagtanggap ng press sa kanya.
"Oo nga po, e. Masaya po ako. Masaya po ako sa acceptance niyo po. Salamat po."
Sa darating na October 4, 2026, makakasamang muli ni Moira ang kanyang mga tagahanga sa fourth major concert niyang Where It All Started.
Gaganapin ito sa MOA Arena.

Guests niya sa Where It All Started concert sina Ogie Alcasid, Adie, Johnoy Danao, December Avenue, at ilang surprise guests.
Mabibili ang tickets sa ticketmaster.ph.
Samantala, abangan ang two-part Real Talk interview ni Moira sa PEP YouTube channel.
Ang Part 1 nito ay mapapanood na sa Biyernes, September 25.
Ang Part 2 naman ay sa October 2, 2026.
Read: Pokwang explains using "Marietta Subong" in 2 Valid IDs
