Mahinahong sinagot ni Anne Curtis ang isang netizen na inakusahan siyang "retokada."
Sa X (dating Twitter), nagkomento ang netizen ng ganito: "Retokada yarn? Exhibit A – anak."

Idinamay pa ng netizen ang anak ni Anne na si Dahlia, na tila ikinukumpara ang hitsura nilang dalawa.
Hindi ito pinalampas ni Anne.
Ngunit sa halip na magalit, kalmado ang It's Showtime host sa kanyang sagot.
Ipinagmalaki ni Anne na hindi umano siya retokada.
At para raw sa kanya, maganda siya at ang kanyang anak na si Dahlia.
“Can proudly say I’m not retokada at all and for me, for me lang naman, my daughter and I are both beautiful."
Hindi raw basta-basta sumasagot si Anne sa bashers, pero nais daw niyang makaramdam ng kabutihan ang netizen.
Pagtatapos ni Anne: "I usually don’t give people like you the time of the day but wala lang.
"I don’t know who hurt you or why you’re so angry with me but nonetheless sending you some kindness maybe you [need] some in your life.
"Big virtual hug I mean that, sincerely. Good night!"
Read: Moira dela Torre opens up about friends who unfollowed her
NETIZENS REACT TO ANNE CURTIS' BASHER
Hindi naman nakaligtas sa netizens ang basher, at ipinagtanggol nila si Anne.
Ayon sa isa, maganda na talaga si Anne kahit noong bata pa ito.
Komento niya: "Millennials know how pretty @annecurtissmith is kahit nung bata pa siya. Child actress siya at may mga movies siya nung bata pa siya. 8080 lang ang magsasabi na retokada siya."
Pakiusap ng isa, sana hindi na idinamay ng basher ang bata.
Aniya: "Choose to be kind. Anne is a beautiful person and also please spare the kid from negative mindset"
Sabi ng isa pa:, "Thank you for always being the bigger person, Ate! The world truly needs more people like you. We love and support you, Dahlia, and your whole family so, so much!"
Noong 2017, si Anne ang nag-iisang Pinay na napasama sa listahan ng Top 30 Most Beautiful Women of 2017 na isinagawa ng Hollywood-based social magazine na Buzznet.
Read: Anne Curtis hailed among Top 30 Most Beautiful in Hollywood-based webmag
Siya ay tinaguriang "Dyosa" sa local showbiz dahil sa kanyang angking kagandahan.
