PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pokwang wants to do heavy drama with Sharon, Maricel, Vice

Pokwang to Vice Ganda: "Huy, Vice, hindi pa tayo nagtatrabaho, 'Nak."
by Arniel C. Serato
Published 15 hours ago
Pokwang wishes to work with Maricel, Sharon, Vice after Cinemalay Best Actress feat
Pokwang, Marietta Subong in real life, wishes to work with industry greats like Sharon Cuneta, Maricel Soriano, and Vice Ganda after being hailed as Best Actress for Cinemalaya 2026 entry 2 Valid IDs: "So, sana mabigyan tayo ng pagkakataon makatrabaho natin sila. Gusto ko, heavy drama."
PHOTO/S: Arniel Serato / Instagram

Nasa "dramatic-actress era" na kung ituring ni Pokwang ang kanyang showbiz career sa puntong ito.

Ito ay matapos siyang tanghalin bilang best actress sa Cinemalaya 2026 para sa kanyang pagganap sa pelikulang 2 Valid IDs.

Sino ba sa mga dramatic actress ang gusto niyang makatrabaho?

Saad ni Pokwang: "Nakatrabaho ko na si Ate V [Vilma Santos], di ba, sa The Healing [2012].

"Si Nay Maricel [Soriano] hindi pa, e, hindi pa.

"And of course, Mega [Megastar Sharon Cuneta], di ba? Yan yung mga gusto ko talagang ano [makatrabaho].

"Sayang nga si Ate Guy [National Artist Nora Aunor], nakasama ko lang siya noon sa isang event.

"Pero kung nandito pa siya sana, di ba, sayang di lang kami nabigyan ng pagkakataon ni Ate Guy.

"And nakatrabaho ko na si Ate Vi, si Inay Maricel, hindi pa. Nag-guest lang ako sa vlog niya.

"Tapos si Ate Shawie, hindi pa rin.

"So, sana mabigyan tayo ng pagkakataong makatrabaho natin sila. Gusto ko heavy drama."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa comedians naman, sino ang mga gusto niyang makatrabaho sa isang serious drama film?

Tugon niya, "Okay, tapos na kami ni Kumareng Eugene [Domingo], 'no?

"Nakailang movie na kami and idol ko talaga yan. Ah, tapos na kami ni Kumareng Eugene.

"Parang gusto ko maka-one-on-one sa serious naman... wait. Oh, kami ni Vice [Ganda]."

Mensahe pa niya kay Vice: "Huy, Vice, hindi pa tayo nagtatrabaho, 'Nak.

"Oh, wala pa kami ni Vice, e. Hindi ko pa nakatrabaho si Vice, e.

"Si Bossing [Vic Sotto] tapos na rin kami ni Bossing, e. Nakailang movie ako kay Bossing, dalawa."

Nakakuwentuhan ng ilang entertainment reporters si Pokwang, Marietta Subong sa totoong buhay, sa special announcement ng 2 Valid IDs na magkakaroon na ito ng nationwide release simula sa October 14, 2026.

Ginanap ang intimate presscon sa Max's Restaurant sa Scout Tuazon, Quezon City, noong September 21, 2022.

Pokwang/Marietta Subong entertaining questions from the press during 2 Valid IDs' nationwide release announcement.
Pokwang/Marietta Subong entertains questions from the press during 2 Valid IDs' nationwide release announcement.
Photo/s: Arniel Serato
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Pokwang explains using "Marietta Subong" in 2 Valid IDs

POKWANG RECALLS FALLING IN LINE TO SEEK GOVERNMENT HELP

Malapit sa puso ni Pokwang ang pelikulang 2 Valid IDs dahil nakaka-relate daw siya sa role ni Sylvia, isang mahirap na magsasaka mula sa Ilocos na wala ni kahit isang ID.

Naranasan din daw kasi niyang pumila noon sa ilang ahensiya ng gobyerno para humingi ng tulong, at hahanapan ka ng valid ID.

Lahad ni Pokwang: "Yes. Oo, naranasan ko to. Yung sistemang ganito.

"Bago ako naging OFW, kukuha ka ng passport, di ba?

"So, haba ng pila, haba ng ganito. Babalik ka. Titipirin mo yung pamasahe mo.

"Na pinagdaanan lahat to ni Sylvia.

"At kaya nung in-offer sa akin yung pelikula, nung binasa ko yung script, meron agad akong naramdamang awa at gigil."

Gaano ba kahirap kumuha ng valid IDs?

Tugon niya: "Papano daw kumuha ng two valid IDs? Unang-una, dapat may baon kang pasensiya. Pasensiya, ano?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kasi nga, haba-haba nga ng pila. Pagkatapos, pag paano nun, hindi mo agad-agad makukuha.

"And then, minsan meron ka nang ganitong ID, pagpunta mo doon sa ano, 'Ay, hindi pa pala, hindi pala yun ang kailangan.'

"So, sinayang mo lang yung pila mo doon, di ba? Ang hirap, ang dami mong pagdadaanan."

Ano ang pinaka-challenging na eksena niya sa 2 Valid IDs?

"Lahat naman, challenging dito sa eksenang ito.

"Pero pinaka gustung-gusto ko dito yung mukha ng buhay.

"Papano ko ibibigay to bilang komedyante, di ba? Papano kong ibibigay sa kanila yung seryosong pinagdadaanan ng bawat karakter bilang Pokwang.

"Especially doon sa sistema ng medical. Makikita niyo yan diyan. Hindi lang sa bureaucracy natin. Makikita niyo rin diyan."

Ipalalabas na sa mga sinehan sa buong Pilipinas ang 2 valid IDs simula October 14, 2026.

Read: Anne Curtis responds to netizen who called her "retokada"

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pokwang, Marietta Subong in real life, wishes to work with industry greats like Sharon Cuneta, Maricel Soriano, and Vice Ganda after being hailed as Best Actress for Cinemalaya 2026 entry 2 Valid IDs: "So, sana mabigyan tayo ng pagkakataon makatrabaho natin sila. Gusto ko, heavy drama."
PHOTO/S: Arniel Serato / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results