PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pokwang explains using "Marietta Subong" in 2 Valid IDs

Pokwang excited for nationwide release of 2 Valid IDs.
by Arniel C. Serato
Published 1 Hour ago
Pokwang on 2 Valid IDs showing nationwide
Pokwang (Marietta Subong in real life) is excited that her award-winning 2026 Cinemalaya entry 2 Valid IDs will be shown nationwide starting October 14, 2026: "Ang ganda ng pelikula at bakit, ako, nag-Best actress diyan. O, di ba? Yun yung importante, ma-share natin sa lahat ng Pilipino."
PHOTO/S: Arniel Serato

Masayang-masaya si Pokwang dahil sa wakas ay mapapanood na nationwide ang pinag-uusapang 2026 Cinemalaya entry niya na 2 Valid IDs.

Saad ni Pokwang: "First of all, maraming-maraming salamat siyempre sa oras ninyo. And, nagtagumpay tayo. Tagumpay tayo.

"Nae-excite ako na kinakabahan ako kasi, finally.

"Noong una, sabi ko kay Direk [Ma-an L. Asuncion-Dagñalan], 'Direk, kailan ba tayo mapapanood nationwide?'

"O, ngayon, heto na. Wag kayong kabahan, andyan si God. Thank you."

Aminado si Pokwang na kabado siya sa nationwide showing ng pinagbibidahang pelikula.

"Kinakabahan ako na nae-excite ako, na mas malawak na masi-share natin ang mensahe ng pelikula, di ba?

"Ang ganda ng pelikula at bakit, ako, nag-best actress diyan. O, di ba?

"Yun yung importante, ma-share natin sa lahat ng Pilipino," pagbabahagi ng aktres.

Sa 2 Valid IDs, ginagampanan ni Pokwang ang role ni Sylvia Ramos, isang mahirap na magsasaka mula sa Ilocos na wala ni kahit isang ID.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Pokwang as Sylvia Ramos in Cinemelaya 2026 entry, 2 Valid IDs.
Pokwang as Sylvia Ramos in Cinemelaya 2026 entry, 2 Valid IDs.
Photo/s: Instagram

Nakausap ng piling-piling miyembro ng media si Pokwang sa isang intimate presscon kahapon, September 21, sa Max's Restaurant, Quezon City.

Pokwang/Marietta Subong happily poses for a photo op during her solo pressconference for 2 Valid IDs upcoming nationwide release.
Pokwang/Marietta Subong happily poses for a photo op during her solo press conference for 2 Valid IDs' upcoming nationwide release.
Photo/s: Arniel Serato
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

POKWANG ON WHY SHE USED MARIETTA SUBONG FOR 2 VALID IDS

Ipinaliwanag ni Pokwang ang dahilan kung bakit ang tunay niyang pangalan na Marietta Subong ang kanyang ginamit sa 2 Valid IDs.

Sagot niya, "Bakit Marietta Subong ang ginamit ko dito, hindi the usual na... kasi sabi nga nila, 'Pag Pokwang na ginamit dito, seryoso na.'

"And lahat ng pinagdaanan ni Sylvia rito, seryoso. Oo, kaya Marietta ang ginamit ko dito. Seryosong pagod, seryosong hirap yung pinagdaanan ni Sylvia."

Biro pa niya: "Kaya pagka pag Marietta na, award-winning yan, di ba? Oo, yun naman, di ba? Totoo naman yan.

"Nakailang award na po ako using my real name na Marietta. In all fairness naman, hindi nasayang."

Dahil sa kanyang pagganap sa 2 Valid IDs ay nagwagi siyang best actress, ka-tie si Ruby Ruiz para sa Status: Rejected, sa Cinemalaya 2026 awards night na ginanap sa Grand Atrium ng Shangri-La Plaza sa Mandaluyong City noong August 17, 2026.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Cinemalaya 2026: Pokwang and Ruby Ruiz tie for Best Actress

Ruby Ruiz and Marietta Subong (Pokwang) at the Cinemalaya Awards night on August 17, 2026.
Ruby Ruiz and Marietta Subong (Pokwang) at the Cinemalaya Awards night on August 17, 2026.
Photo/s: Cinemalay on Facebook

POKWANG OR MARIETTA SUBONG?

Sino ang nagdedesisyon kung Pokwang o Marietta Subong ang gagamitin niya sa mga proyekto?

Sagot niya: "Depende po kung ano po yung gusto ng productions. Kung gusto nilang Marietta, Marietta. Kung gusto nilang Pokwang, Pokwang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero ako, pag seryoso kasi, gusto ko talaga Pokwang. Oo...

"Ay, hindi pala, Marietta Subong pag seryoso."

Ayon kay Pokwang, hindi naman nasayang ang paggamit niya ng kanyang real name sa mga pelikula dahil nagkaroon siya ng awards.

Katulad na lamang sa Oda Sa Wala (Ode to Nothing), isang psychological horror drama noong 2018 na idinirek ni Dwein Baltazar.

Ito ay entry sa 6th QCinema filmfest noong taong iyon at nagwagi siyang Best Actress.

Marietta Subong topbilled Oda Sa Wala in 2018.
Marietta Subong topbilled Oda Sa Wala in 2018.
Photo/s: Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Pokwang, nanalong best actress nang gamitin ang pangalang Marietta Subong

Read: Pokwang transforms from runway diva to poor farmer in 2 Valid IDs

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pokwang (Marietta Subong in real life) is excited that her award-winning 2026 Cinemalaya entry 2 Valid IDs will be shown nationwide starting October 14, 2026: "Ang ganda ng pelikula at bakit, ako, nag-Best actress diyan. O, di ba? Yun yung importante, ma-share natin sa lahat ng Pilipino."
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results