Personal na dinaluhan ng aktres at TV host na si Kim Chiu ang arraignment ng kanyang estranged sister na si Lakambini "Lakam" Chiu ngayong hapon ng Huwebes, September 24, 2026.
Ginanap ang arraignment o ang pagbabasa ng sakdal laban kay Lakam sa Quezon City Hall of Justice.
Sa video na in-upload ng ABS-CBN News sa Facebook, makikitang kasama ni Kim si Laurenti Dyogi, ang head ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN na nangangalaga sa career ng aktres.
Hindi nagpaunlak ng anumang panayam si Kim.
Read: Actress Jorrybell Agoto battles cancer, needs financial help
LAKAM STILL IN JAIL
Kasalukuyang naka-detain si Lakam sa Kamuning Police Station kaugnay ng 124 counts ng qualified theft na isinampa laban sa kanya ni Kim.
Ang pinakahuling balita, dinalaw si Lakam ng ama nila ni Kim na si William Chiu Jr. noong Martes, September 22.
Ayon kay Wlliam, lumilikom pa rin ang pamilya nila ng pondo para sa perang kailangan para sa piyansa ni Lakam.
May volunteers daw na tumutulong sa kanilang pamilya para makalikom ng pondo.
Unang itinakda ng Quezon City court ang bail ni Lakam sa PHP5.8 million.
Kalaunan, nabawasan ito ng PHP200,000 matapos maghain ng motion ang kanyang abogado na si Atty. Dominic Solis, kaya ibinaba ito sa PHP5.6 million.
Read: Lakam Chiu’s father visits her as family struggles to raise bail
Naaresto ng Quezon City Police District (QCPD) si Lakam noong September 20 sa Barangay Wack Wack, Mandaluyong City sa bisa ng warrant na inilabas ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 84.
Ang kanyang kasong 124 counts ng qualified theft ay isinampa ni Kim kaugnay ng umano’y pagkuha ng corporate funds ng kumpanyang House of Little Bunny Philippines, Inc. (HOLB), na pagmamay-ari nina Kim at Lakam.
Read: Lakam Chiu arrested over 124 counts of qualified theft
