Labis daw nasasaktan si Kim Chiu sa gusot sa pagitan nila ng estranged sister na si Lakambini "Lakam" Chiu.
Umabot na ito sa puntong nagsampa ang actress-TV host ng 124 counts ng kasong qualified theft laban sa nakatatandang kapatid.
Sa isang opisyal na pahayag na inilabas ni Kim ilang oras matapos ang arraignment ni Lakam sa Quezon City Hall of Justice ngayong Huwebes, September 24, 2026, sinabi ng aktres na apektado siya sa pangyayari.
Iidinaan ni Kim ang kanyang pahayag sa pamamagitan ng ABS-CBN reporter na si MJ Felipe, na ibinahagi naman nito sa social media.
Ayon kay Kim, may mga bagay siyang hindi masabi dahil nasa legal na proseso na ang lahat.
Saad ni Kim: “I do not know where to start po. Sobrang nasasaktan po ako.
"People may have different opinions with my decision, and I understand that.
"There are things I cannot talk about because there is an ongoing legal process."
Nilinaw ni Kim na hindi ito nag-ugat sa away tungkol sa personal niyang pera.
Tungkol daw ito sa negosyong ipinundar niya, ang House of Little Bunny Philippines, Inc. (HOLB), noong 2023 mula sa ilang taon niyang pagtatrabaho, pagsasakripisyo, at pangangarap.
Ibinuhos daw niya ang kanyang puso sa naturang negosyo dahil ito raw ang inaasahan niyang masasandalan sa panahong lisanin na niya ang mundo ng showbiz.
"This was never about my personal money.
"This is about a business which started in 2023, built with years of hard work, sacrifices, and dreams.
"A business I poured my heart into, hoping it would become my future when the time comes for me to step away from show business," ani Kim.
Ayon pa kay Kim, ang isinampang kaso ng kanyang mga abogado ay sumasakop lamang sa anim na buwang panahon noong 2025.
Marami pa raw hindi alam ang publiko ukol dito na hindi na niya kaya pang sabihin.
"What my legal team and I have filed covers ONLY the period from January to July of 2025. There is so much more to this story that I am choosing not to disclose publicly."
Sa huli, sinabi ni Kim na ang kanyang negosyong HOLB ay nanindigan lamang sa tama, at karapatan nitong makahanap ng hustisya mula sa legal na kaparaanan.
May ibang detalye pa raw na hindi niya kayang sabihin sa publiko sa ngayon, at naniniwala siyang may tamang panahon para rito.
Naniniwala rin daw siya sa legal na proseso ng bansa.
Diin ni Kim: “This is a business I worked so hard to build, and I believe that going through this legal process should never take away the company’s right to stand up for what is right, protect what the company have worked for, and seek accountability through the proper legal process.
"There is so much I am choosing not to say right now. Not because I do not have a story to tell, but because there is a proper time and place for the truth. For now, I trust and let the legal process take its course.”
Read: Who is Lakam Chiu?
KIM CHIU ATTENDS ARRAIGNMENT OF LAKAM CHIU
Personal na dinaluhan ni Kim ang arraignment o pagbabasa ng sakdal sa kapatid na si Kim sa Quezon City Hall of Justice.
Sinamahan si Kim si Laurenti Dyogi, ang head ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN na nangangalaga sa career ng aktres.
Wala pang balita kung ano ang naging plea ni Lakam.
Read: Kim Chiu attends sister Lakam Chiu's arraignment
Nahaharap si Lakam sa 124 counts ng qualified theft na isinampa laban sa kanya ni Kim kaugnay ng mga nawawala umanong pondo ng House of Little Bunny Philippines, Inc. (HOLB), ang negosyong pagmamay-ari nilang dalawa.
Naaresto ng Quezon City Police District (QCPD) si Lakam noong September 20 sa Barangay Wack Wack, Mandaluyong City sa bisa ng warrant na inilabas ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 84.
Read: Lakam Chiu arrested over 124 counts of qualified theft
