Engaged na ang Sparkle artist at beauty queen na si Roxie Smith sa kanyang longtime boyfriend na si Karl Adolfo.
Sa Instagram nitong Linggo, September 27, 2026, ibinahagi ni Roxie ang mga larawang kuha sa proposal ni Karl.
Makikita sa mga larawan na naganap ang proposal sa tabing-dagat, kung saan parehong nakasuot ng puting damit ang dalawa.
Kitang-kita rin ang pagiging emosyonal ni Roxie nang lumuhod sa kanyang harapan ang nobyo at ialok sa kanya ang engagement ring.
“And all along, it was you,” saad ni Roxie sa caption ng kanyang post.
CONGRATULATORY MESSAGES POUR IN FOR ROXIE AND KARL
Samantala, sa comments section ng nasabing post ni Roxie ay bumuhos ang congratulatory messages mula sa kanilang celebrity friends at fellow beauty queens.
Read: Vhong maintains faith in justice amid Deniece, Cedric ruling
Kabilang sa nagpaabot ng pagbati ang mga kapwa niya beauty queen na sina Gazini Ganados, Emma Tiglao, Nicole Cordoves, Yllana Marie Aduana, Angelica Lopez, Krishnah Gravidez, Gwendoline Soriano, Katrina Llegado, Hannah Arnold, Nicole Boromeo, Chelsea Fernandez, at Pauline Amelinckx.



Nagpahayag din ng kaligayahan para sa bagong yugto ng buhay na tatahakin ni Roxie ang kanyang malalapit na kaibigan na sina Shuvee Etrata, Ashley Ortega, Skye Chua, at Sugar Mercado.

Maging sina Kyline Alcantara, Arci Muñoz, Michael Sager, Sue Ramirez, Isabel Oli, Mikee Quintos, Cassy at Mavy Legaspi, Elle Villanueva, Charlie Fleming, Rita Daniela, Ruffa Gutierrez, Gil Cuerva, Lianne Valentin, Yukii Takahashi, Ashley Rivera, Shaira Diaz, Chanty Videla, at Elijah Alejo ay nagbigay rin ng pagbati sa bagong engaged.



Bago ma-engage, naging abala si Roxie sa kanyang pageant at showbiz career.
Kinatawan niya ang Baguio City sa Miss Universe Philippines 2026, kung saan nakapasok siya sa Top 15.
Noong 2020 naman, kinatawan niya ang Pilipinas sa Miss Earth, kung saan itinanghal siyang Miss Earth Water.
Bukod sa pageant stage, abala rin si Roxie bilang aktres.
Kabilang sa mga GMA series na kinabilangan niya ay ang Sparkle U at Hearts on Ice (2023), Shining Inheritance (2024), at Sanggang-Dikit FR (2025).
Read: Roxie Smith on handling bashing in showbiz and beauty pageants
