Walang pakiaalam ang two-time gold medalist sa 2026 Asian Games na si Carlos Yulo sa kanyang mga kritiko at bashers.
Ito ang deklarasyon ni Carlos sa panayam sa kanya nina Susan Enriquez at Joy Barcoma para sa early morning show ng GMA-7 na Unang Hirit ngayong Lunes, September 28, 2026.

Usisa ni Susan, "Anong comment mo para sa Losartan Warriors?"
Ang Losartan ay prescription drug para sa mga may mataas na blood pressure.
Nagsisilbi rin itong proteksiyon sa mga taong may Type 2 diabetes at para makaiwas sa stroke.
Pagdating sa social media, "Losartan warriors" ang bansag sa bashers ni Carlos.
Sagot ni Carlos: "Yeah, technically, siguro... kasi ako, personally, wala naman... I don't really care po kung anong sabihin ng ibang tao.
"Importante kung ano yung siguro yung opinion ko sa sarili ko din. And yung family ko po right now.
"Kung ano yung tama at mali.
"Ako lang, ayaw ko lang siguro pag sa iba nangyari po."
Giit pa ni Carlos, hindi niya pinapansin ang ingay sa social media.
"Parang disrespectful din po kasi yung mga ginagawa nila.
"Bilang ako, like, wala naman akong problema sa kanila lahat, and hindi talaga ako nakikinig kasi hindi naman yun ako, e.
"Kumbaga sa akin, alam ko yung grounds ko. Alam ko kung ano yung totoo. Alam ko yung ginagawa ko.
"Mas kilala ko yung sarili ko kaysa sa ibang tao," saad ng champion gymnast.
Read: Vhong maintains faith in justice amid Deniece, Cedric ruling
CARLOS YULO, CHLOE SAN JOSE ENGAGEMENT
Ngayong araw rin, inanunsiyo ni Chloe na engaged na sila ni Carlos noon pang December 18, 2025.
Pero pinili raw nilang maging pribado ang detalye ng kanilang engagement sa loob ng siyam na buwan.
Instagram post ni Chloe: "For 9 months, we’ve been treasuring this beautiful secret between us, quietly smiling to ourselves and taking our time to cherish it, knowing that one day we’d finally share it with the world.
"It started with a simple 'Hi, I’m a fan po.'
"Neither of us could have known where that little message would take us.
"And from there, life became a collection of airports, competitions, hotel rooms, long training days, little adventures, big dreams, and countless moments in between.
"I got to watch you chase your dreams, and you let me be beside you through the biggest moments of your life. We grew up together.
"We learned together. We fought for each other, protected each other, supported each other, and built a life of our own.
"Through everything, God has continued to guide us, protect us, and give us the strength to keep going.
"And looking back now, I’m grateful even for the chapters that weren’t easy, because they brought us here.
"Mahal ko, I would choose you in every lifetime. And now, we get to choose each other for the rest of this one.
"I love you. Forever."
Read: Carlos Yulo, Chloe San Jose announce engagement
THE SOCIAL MEDIA WAR RESUMES
Muling umingay ang pangalan nina Carlos at Chloe dahil sa pahayag ng two-time Olympic gold medalist sa panayam sa kanya ni Karen Davila noong September 10.
Tinanong ni Karen ang dalawa tungkol sa nalalapit nilang pagpapakasal dahil anim na taon na rin ang relasyon nila.
Kung mangyari man ito, iimbitahan ba nila ang kanilang mga magulang?
Ayon kay Carlos, mas magandang hindi na lamang daw niya iimbitahan ang mga magulang na sina Angelica at Mark Andrew Yulo.
Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na matagal nang may alitan sa pagitan ni Carlos at kanyang mga magulang.
Paliwanag ng atleta: "For me, I think because, yung kasal po namin yan and ako po yung... kami po, relationship po namin yan.
"And mas pipiliin kong kami na lang and mas... Paano ba? Ayaw ko ding masira yung moment namin para sa aming dapat dalawa.
"And madami na din silang... madami na silang ginawa na pinatawad ko na and hanggang doon na lang din po. So, hindi po.
"Yes, gusto ko sa amin lang po yun, and I really want it to be really full of love and joy kapag nangyari po yun."
Read: Carlos Yulo prefers not to invite parents on wedding to Chloe
Kasunod nito ang pakikipagsagutan ni Chloe sa ina ni Carlos sa social media.
Sa Facebook noong September 13, ni-repost ni Chloe ang komento ng isang netizen tungkol sa kawalan ng respeto ng anak sa magulang.
Nakasaad sa post: "Never let anyone disrespect your own mother. Ok na hnd kayo mag kasundo. Basta tahimik nlng sana itong si Chloe.
"Mali man minsan ang matatanda, kailngan show respect padn sa magulang ng partner mo. That is what class, character and decency are"
Caption ni Chloe rito, "Well why don't you apply that to the 'mother', if she only showed respect I would've given her 10x more respect back.
"Masyado kayong sanay sa being a 'BIGGER PERSON', well don't apply that to me.
"I will never let anyone step on me and THAT I think is more classy, shows more character, independence and decency towards myself and demonstrates courage
"I believe more women should step into their GIRL POWER"
Read: Chloe takes a swipe at Carlos Yulo’s mother over wedding issue
CARLOS, BROTHER ELDREW TRIUMPHANT AT ASIAN GAMES 2026
Sandaling nanahimik ang magkabilang kampo.
Nasilayan na lamang muli si Carlos at ang kapati nitong si Eldrew Yulo sa Asian Games sa Japan.
Gumawa muli ng panibagong record si Carlos sa pagkapanalo niya para sa Pilipinas ng dalawang gintong medalya sa gymnastics: sa vault at floor exercise.
Wagi rin ang nakababatang kapatid niyang si Eldrew ng bronze medal sa horizontal bar sa kanyang Asian Games debut.
Read: Kris Lawrence, Katrina Halili officially back together
