Anim na taon na ang relasyon ng two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo sa girlfriend niyang si Chloe San Jose nitong nakaraang June 2026.
Kaya naman, sa kasalan na ang tungo ng kanilang longtime relationship.
Sa vlog ng broadcaster na si Karen Davila na lumabas sa YouTube nitong September 10, 2026, diretsahang tinanong ni Karen si Carlos tungkol sa balak nilang pagpapakasal.
At kung mangyari man ito, iimbitahan ba nila ang parents nila?
Ani Karen, "So you know, malinaw seeing both of you na ang tibay ng pagsasama niyo. Pag kinasal kayo, would you want your parents to be there?"

Si Carlos ang unang sumagot.
Para sa Olympic gold medalist, mas pipiliin niyang maging pribado sa kanilang dalawa na lamang ang moment ng kasal.
Kaya malabo daw na imbitahan niya ang kanyang mga magulang na sina Mark Andrew Yulo at Angelica Yulo.
Paliwanag niya, "For me, I think because, yung kasal po namin yan and ako po yung... kami po, relationship po namin yan.
"And mas pipiliin kong kami na lang and mas... Paano ba? Ayaw ko ding masira yung moment namin para sa aming dapat dalawa.
"Ayaw ko yung ano, e, paano po ba, mamantsahan pa.
"And madami na din silang, madami na silang ginawa na pinatawad ko na and hanggang doon na lang din po. So, hindi po.
"Yes, gusto ko sa amin lang po yun, and I really want it to be really full of love and joy kapag nangyari po yun."
Sumang-ayon naman sa kanya si Chloe.
Sabi ng dalaga, "Well, honestly, they're... Of course, they're your parents, you know... what I think, what he's comfortable with, then that would be what I'm comfortable with."
Rerespetuhin daw ni Chloe ang desisyon ni Carlos.
Dagdag niya, "I think, it's because it's really, that wedding day, it will really be about us.
"Whatever the outside people do or the guests do, I think we would just have, we would really have our eyes locked onto each other.
"So with or without them, we would have our eyes locked onto each other so it wouldn't bother me as much."
Read: Claudine Barretto reveals she and Mon Tulfo buried the hatchet
CARLOS YULO, CHLOE SAN JOSE'S LATEST INTERVIEW
Sa pinakahuling interview nina Carlos at Chloe sa Fast Talk With Boy Abunda noong Marso 2026, sinabi ng una na maayos ang relasyon ng girlfriend sa mga kapatid nitong sina Eldrew at Elaiza Yulo.
Sabi ni Chloe, “We’re good po.”
Dagdag pa niya, “Not to magbuhat ng bangko, pero it’s always been me na nag-e-encourage, even if he really didn’t want to at the time na it was super crazy and talagang maingay and stuff.
“I have always been the one to encourage him na, ‘Mahal, if you don’t want to ano the other parts of your family, at least, your siblings.'”
Naging mainit na usapin sa social media ang hidwaan ng magkarelasyon sa magulang ni Carlos matapos niyang manalo ng dalawang gold medals sa Paris Olympics noong 2024.
Pero pagdating sa mga magulang ni Carlos, tila may hindi pa sila pagkakaunawan.
Pag-usisa pa ni Boy kay Carlos: “Kapag dumating ang panahon na yon at sinabi ng Panginoong Diyos, 'Carlos, kumusta ka bilang anak sa iyong mga magulang?' ano ang sagot mo?”
Tugon niya: “Ginawa ko po yung part ko and naglakas ako ng loob.
"Humihingi ako sa Inyo actually ng lakas ng loob upang kausapin sila. Ma-explain kung ano yung nangyari, especially sa nagawa po nila sa akin.
“Ako, wala akong galit sa puso ko. Wala kahit anong galit, sama ng loob, pagtatampo.
"Wala akong naramdaman na ganoon kahit yung times na nilagay nila ako sa ganoong sitwasyon, na hindi naman totoo at hindi naman namin ginawa.
"Napatawad ko po sila."
Dagdag niya: “Ngayon, kung tatanungin ako ni Lord, 'Gusto mo ba sila makasama?' wala naman pong problema.
"Ako tinray ko yung best ko na kausapin sila. Mapag-ayos ang lahat, pero hindi ko po hawak yung sagot na yon.”
Read: Carlos Yulo, kumusta ang relasyon sa mga magulang at kapatid?
Related Stories about Carlos Yulo's family feud:
- Chloe San Jose accused of ruining Carlos Yulo's family
- Chloe San Jose replies to comment of Carlos Yulo's father
- Is Chloe San Jose’s Instagram post a swipe at Angelica Yulo?
- Chloe San Jose shows Angelica Yulo's degrading posts about her
- Carlos Yulo's father takes a swipe at Olympic gold medalist
- Angelica Yulo Facebook posts, pasaring kay Carlos Yulo?
- Carlos Yulo acknowledges father's presence at homecoming parade
- Carlos Yulo's younger brother appeals to two-time gold medalist
- Angelica Yulo ibinebenta ang bahay na pinag-awayan nila ni Carlos
- Angelica Yulo claims her FB post not a shade against Carlos Yulo
