Puring-puri ni Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa si Bea Millan-Windorski, ang kandidata ng Pilipinas sa 75th Miss Universe na gaganapin sa San Juan, Puerto Rico, sa Nobyembre 24, 2026.

Papuri ni MJ, "Perfection. Oh my goodness!"
Ngayon lang daw siya nakaramdam muli ng vibe kagaya noon kay Miss Universe 2018 Catriona Gray.
Aniya, "Parang same yung nararamdaman ko kay Catriona. Pag nakikita mo siya, yung, 'Walang mali si Girl.'
"Ganun yung feeling ko sa kanya. So, I think this is one of those years na you're just confident that your candidate will do well.
"Walang mga, 'Ay, sana magiging ganito, sana magiging ganito.'"
Malaki ba ang chance ng Pilipinas sa Miss Universe 2026?
Ayon kay MJ: "That will always depend on the business. Ano sabi ni Papa Nawat [Itsaragrisil]? Char!
"Ako, I truly believe, di ba, kailangan talaga it's someone who would bring business to...
"Lalo na ngayon, naghihingalo ang pageant community. Kailangan talaga natin maghatak ng viewers. Iba na yung ballgame ngayon.
"So I feel like kung kailangan mo ng chameleon dati, ngayon ibang level ng all-around na klase ng winner ang meron ka.
"Kailangan talaga yung maka-attract ng, siyempre, maraming bagay—brand and the attention and the support of the people.
"It should be someone who would attract that for the organization to remain keep it alive.
"Kasi ang dami nang distraction ngayon with social media.
"Pati nga ako, mga AI series pinapanood ko na sa TikTok. Paano mo malalabanan yun, di ba?
"Ang dami na nating kalaban ngayon. Kaya ayun, dapat well-rounded na talaga yung mga winners natin."
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si MJ sa sideline ng media conference ng Red Crown movie nitong nakaraang Martes, September 29, 2026, sa GMA Studio 7.

Read: Patrick admits being an “inconsistent” father to Jennylyn's son
MJ LASTIMOSA ON MISS UNIVERSE 2026: "Matutuloy kaya?"
Kabado raw si MJ na mag-book ng flight papuntang Puerto Rico para sa Miss Universe 2026.
Ito ay bunsod ng tensiyon sa pagitan ng ilang may-ari at stockholders ng Miss Universe.
Si Nawat Itsaragrisil, chief executive officer ng Miss Universe Eastern, ay nagsabing noong Hulyo na inatasan siya ng Miss Universe Organization (MUO) bilang lider ng regional team na kumakatawan sa anim na bansa.
Kinontra ito ng MUO sa kanilang pahayag nitong September 2026.
Ayon sa MUO, ang Miss Universe Eastern Pte. Ltd. na pinamumunuan ni Nawat ay hindi “licensed entity authorized to grant or otherwise confer operational rights over the Miss Universe brand in any territory.”
Inakusahan din ng organization si Nawat ng pagsisiwalat sa publiko ng umano'y pribado at hindi beripikadong impormasyon tungkol sa Miss Universe Organization.
Kaya pinagbawalan ng MUO ang pagsali ng delegates ng mga bansang Thailand, Indonesia, Vietnam, Laos, Malaysia, at Singapore sa international pageant ngayong taon.
Read: Miss Universe Organization bars six Nawat-backed candidates
Sabi ni MJ: "Kabado nga ako mag-book ng airport. Matutuloy kaya yun?
"Nakakausap ko naman si Mama J [Jonas Gaffud] and I feel like the organizers from Mexico are very firm that they still own and will still run Miss Universe.
"So sabi niya, siya, he's very confident na matutuloy kasi nakakausap naman daw nila yung government doon sa Puerto Rico.
"I'm also hoping kasi I'm a fan of Miss Universe. I've been watching since... kailan ba ako first nag-watch?
"I think kay Catriona, the first pageant that I watched live, and I really enjoy it from the perspective an audience.
"Siyempre iba yung feeling pag nasa stage ka, di ba?
"Ako, I really enjoy watching it and birth month ko kasi yung coronation. So, ginagawa ko na rin siyang birthday celebration.
"And at the same time, update na rin sa mga pageant lovers sa Pilipinas."
Dagdag pa niya, "Ano pa nga, tinatanong ko si Mama J, 'Ano Mama J, tuloy ba?' 'Mareng Shamcey, ano na?
"Sabi naman nila, so far, tuloy daw.
"So we'll see. Gusto ko talagang manood."
Read: Boss Vic del Rosario comments on Sarah Geronimo pregnancy rumors
